Kita ko kung paano humiwalay ang ulo ng isang lalaki sa sarili niyang katawan maging ang pagbagsak pa ng dalawang lalaki sa gilid nito na may butas ang gitna ng dalawang kilay at lumalabas sa sariwang dugo mula dito.
At kung tatanungin niyo kung sino ang gumawa nito ay ang lalaking kanina lang ay iniisip ko, si Light.
Si Light na prenteng nakaupo lang sa isang mala tronong upuan ngunit sa tabi niya ay may nakahilerang iba't ibang uri ng mga sandata gaya ng mga kutsilyo ang baril na ginamit niya.
Sumandal ako sa hawakan ng hagdanan at muli pang pinanood ang nagaganap.
Hindi ko rinig ang usapan nila at hindi din naman nagsasalita si Light kundi ang lalaking kasa-kasama niya kanina ang naimik.
Kausap niya ang buhay pang anim na lalaki na nakaluhod sa sahig at nakatali ang kamay gamit ang mga kadena.
Mukhang humihingi ng tawad ang mga ito at ilan sa kanila ay naiyak na ngunit wala iyon sinabi ng nagsenyas si Light at ang mga tauhan niya ang nagsikilusan hanggang sa dumadaloy na sa puting tiles ng bahay ang pula at masasang-sang na dugo.
Kakaiba hindi ba?
Natahimik sila at walang kumikilos hanggang sa napagdesisyunan kong bumaba. Habang nababa ay napaisip ako kung ang ganoong bagay ba ay hindi ko gusto at kung nandidiri ba ako dito.
At ang sagot ay hindi, wala akong kahit anong reaksyon sa nangyari lalo na kung ang taong gagawa noon atmy si Light.
Masasabi ko at halata namang interesado ako sa kaniya, nakuha niya sa kauna-unahang pagkakataon ang atensyon ko bilang babae.
Hindi na ako bata at sa palagay ko ay ayos lang naman kung bago ako umuwi ay may maipapakilala na ako sa kanila tama?
Walang masama sa bagay na iyon lalo na kung 37 years old na naman ang tanda ko.
Habang pababa ay nagtaas ng tingin si Light at nagkasalubong ang mga mata namin.
Kita ko ang pagdaan ng mga emosyon sa mga mata niya hanggang sa unti unti iyong kumalma ngunit nandoon pa din sa mga mata niya ang pangamba.
Nangangamba ba siyang kaayawan ko siya dahil sa nasaksihan ko?
Pasensya na feelingera lang lalo na kung ubod ng ganda.
Nagtaas din ng tingin ang mga tauhan niya at kita ko ang alerto sa tindig at itsura nila na ikinangisi ko lang ng kaunti hanggang sa nakarating na ako sa baba at hinarap sila.
Itinaas ko ang pinagkainan ko at kita ko namang tumayo si Light saka walang pagdadalawang isip na umapak sa madugong tiles para makarating sa akin.
Tinanggal niya ang suot suot niyang itim na coat at ipinatong sa balikat ko saka kinuha ang hawak hawak ko at nagsalita gamit ang isang malambing na boses.
" Why did you go out? You still need to rest. Let's go. " Saad niya at halata namang pinagmamadali niya ako.
Tumingin ako sa likuran niya ngunit humarang siya doon na tila ayaw niyang ipakita sa akin ang nasalikuran niya kahit lantaran na iyon sa harap ko.
Mahina naman akong napatawa saka tinapik siya sa braso niya na bahagya pa niyang ikinanginig saka nagsalita ng mahinahon habang nakatitig sa magaganda niyang mata na may bahid ng pag-aalala.
" I've already saw everything…… but don't worry I accept you Light. " Saad ko sa kanya saka nagsumiksik lalo sa coat na binigay niya saka sila tinalikurang lahat upang muling umakyat sa taas at magpahinga.
I like Light.
Third Person's POV
Matapos makaakyat ni Ashlesha at nawala sa paningin ng nga kalalakihang nasa baba ay binalot ng katahimikan ang buong palid at naputol lang iyon ng marinig nila ang pagsara ng pintuan at pintuan iyon ng kusina.
Ang mga tauhan ni Light ay hindi makapaniwala sa mga nangyari, unang una ay gising at maayos ang kalagayan ng babaeng inuwi ng amo nila, pangalawa ay hindi agad nila ito naramdaman at walang reaksyon noong nakita nito ang kalagayan nila at pangatlo, kinausap ito ng Amo nila sa maayos at malambing na tono, binigyan ng coat, tumapak sa dugo kahit ayaw nito ng dumi at kinuha nito ang pinagkainan nito na para banag wala lang.
Lahat sila ay napatingin kay Jack upang magtanong ngunit nakita nila itong nakatunganga din gaya nila.
Sa isip isip naman ni Jack ay hindi niya akalain na masisilayan niyang muli ang ganoong ugali ng Amo niya para sa babaeng iyon at mukhang hindi lang basta basta ang namamagitan sa dalawa.
Lalo na kung napaamo nito ang isang halimaw na gaya ng Amo nila, isang halimaw na sasakmalin at ipapadala ka sa kabilang buhay ng hindi mo man lang nalalaman.
Sa kabilang banda naman ay may isang lalaking masayang pinakakatitigan ang isang kutsara na maingat nitong hawak hawak lalo na at ginamit niya ito, ginamit ng babaeng kinahuhumalingan ng demonyong katulad niya.
Demonyo man o halimaw o kahit anuman ang gaya niya ay walang makakahadlang sa kanya na angkinin ang babaeng iyon, kanya lamang ang babaeng iyon at ipapadala niya sa kabilang buhay ang kung sino man ang humadlang sa ninanais niya.
I'll make her mine and only mine.
---🌟
Change of plans!
Nag update na ako for today at ang susunod na update is on July 13, 2022!
Thank you!
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...