Chapter 44

4.6K 270 38
                                    

Narinig ko naman ang mga papalapit na yapak hanggang sa mamalayan ko nalang na buhat buhat na ako ng isang tao.

Kumalma naman ako agad dahil sa pamilyar na amoy nito, si Papa na mukhang kararating lang niya galing sa labas.

" What the heck is this Ara?! " Saad ni Papa at niyakap ako ng mahigpit.

" Tinuturuan ko lang ng tamang paggalang ang anak natin Yves. Masyado mo siyang inispoiled kaya naman lumaki siyang walang respeto. " Mahinahon na saad ni Mama naikinaismid ni Papa.

" You don't have to teach her! You don't even have to shake her like a plushie! " Saad ni Papa, maganda naman yung gusto niyang iparating pero ano daw? Plushie?

" Yves, hayaan mo akong turuan ang anak natin. Alam kong dahil sa wala ako dito noong lumaki siya ay nagkaganyan siya. " Saad ni Mama muli ngunit ramdam ko lang ang panginginig ni Papa, marahil dahil sa galit.

Sino bang hindi magagalit kung anong inalagaan mong anak ay ginaganon lang ng kung sino?

" Ara! This is my last warning! I brought you here because I believe that my child need you as her mother not a teacher! If I ever see you again hurting my child, you'll face consequences! " Saad ni Papa bago malalaki ang hakbang na umalis at pumasok kami sa loob ng kwarto namin.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Papa bago ako marahang ibinaba sa kama, wala na ang kaninang galit at malamig na ekspresyon sa mukha niya.

Tanging pag aalala, pagmamahal at malambot na ekspresyon lang ang meron siya sa kanyang mala perpektong mukha.

Ayaw ko siyang mag-alala kaya naman itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya upang huminahon siya.

" I'm okay Papa, don't worry. " Maikling saad ko na ikinangiti niya ngunit alam kong hindi iyon totoo.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinalikan iyon bago tumingin sa akin.

" Don't be sad okay? Papa and your Brother's are always here for you yeah? " Malambing niyang saad sa akin na ikinatango ko naman.

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako, yumakap ako pabalik hanggang sa may naisip na tanong.

" Aren't you gonna ask me for what happened? " Tanong ko sa kanya at ramdam ko ang pag iling niya.

" I don't need to ask because I know you're on the right side and even if you're on the other side, I'll always be here, we'll always be there for you. " Saad ni Papa na nagbigay ng malaking init sa puso ko.

Don't worry Papa, I won't do anything stupid that may hurt our family.

Umalis na si Papa at naiwan akong mag isa sa kwarto, paulit ulit kong siniyasat ang buong kwarto ko ngunit walang kahit anong nawala pero maraming nagulo sa mga pwesto nila.

Maaaring walang kinuha si Alena ngunit pinakialaman pa din niya ang mga gamit ko.

Sa ngayon ay muli ko siyang palalampasin lalo na at wala namang nawala o kung ano pero sa susunod ay wala na akong oras para hayaan siya sa mga gusto niya.

Tanghali na at oras na para kumain ngunit mas pinili kong hindi na muna lumabas at makasabay sa pagkain sina Mama at Alena kaya naman nagpadala nalang ako ng pagkain dito sa taas habang kinakain ng piranha ang binibigay kong pagkain.

Oo may piranha ako dahil na din kay Kuya Adlai para daw may predator sa aquarium na binili nila sa akin noon.

Matapos kumain ay narinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko at iyon ay ang magaling kong kakambal at ang Ina ko. Pinapasok ko naman sila upang wala ng gulo.

Hinayaan ko silang umupo sa sofa habang umupo naman ako sa harap nila saka sila tinitigan ng mabuti. Nagsalita naman si Mama agad.

" Hindi ko alam kung gaano ka kaspoiled sa Ama at mga Kapatid mo pero Ashlesha masamang manakit ng kapwa lalo na kung wala naman itong ginagawang masama sayo. " Panimula niya ngunit nagbaba lang ako ng tingin, akala ko pa naman kanina ay tapos na ito ngunit hindi pa pala.

" Alam kong malayo ang loob niyo sa isa't isa kaya naman naisipan kong ipasok kayo sa school lalo na at simula na ng pasukan next month. Ipagpapaalam ko kayo sa Papa niyo at sana ay maging malapit kayo lalo na at kambal kayo. Magkapatid kayo. " Saad ni Mama ngunit hindi ko ito tinungunan at hinayaan na lang siya.

Pero kung ako ang tatanungin, malabo ang gusto ni Mama lalo na ata ang alam lang ng buong mundo ay nag iisa lang ang Prinsesa ng Annatillo ngunit paniguradong magkakagulo kung malalaman na lang bigla ng lahat na may kakambal ako.

Maaaring kay Alena lumapit lahat ng kalaban ni Papa at alam kong mahina ang utak niya.

Isang utos lang ay gagawin niya agad ng walang halong complaints o kung ano man.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon