Nandito ako ngayon sa garden kung saan napapalibutan ng bintana ang lahat. Mag-isa lang ako dito kung hindi mo papansinin yung mga nagbabantay mula sa malayo.
Naisip ko lang na hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakausap si Ligaya kung anong nangyari sa mukha niya, kung bakit may peklat siya.
Napaisip lang ako kung ano ang nangyari sa nakalipas na limang taon habang wala ako dito?
Hindi namana ko ignorante ao bulag pero halata naman na may nangyari at may nagbago mula ng mawala ako dito.
Pakiramdam ko nga ay mas lalong lumakas ang kapangyarihan na meron ang pamilyang meron ako, idagdag mo na din na para bang mas lumakas ang awra ng mga tao dito pero mas malakas yung kina Papa at sa mga kapatid ko.
Sure ako na may nangyari dito.
Abala ako sa pag-iisip ng makitang may pumasok na katulong hindi ko na dapat siya papansinin pero nakasuot siya ng boots at walang sino mang katulong ang nagsusuot ng boots.
Ibinaling ko ang mata ko sa bulaklak na nasa harapan ko at hinawakan ang gamit na gardening fork at nagkunwaring nagbubungkal ng lupa.
Maya-maya pa ay hindi na ako nagulat ng makitang masama ang tingin niya sa akin at may kinuhang injection, akmang ituturok na niya iyon sa akin ng ibat ko ang hawak hawak ko sa salamin ng garden at dahil sa lakas ng impact ay nabasag iyon.
Agad akong lumayo sa kanya nang makakuha ng pagkakataon lalo na at nakuha ko na ang atensyon ng mga nakapaligid sa amin.
Pwede ko namang isaksak sa kanya yung hawak ko lalo na at wala namang makakakita dahil ang lapit lapit niya pero may posibilidad na mapahamak ako dahil doon.
Kilala nila akong tahimik, walang alam at mahinang bata saka kung isasaksak ko sa kanya ang fork ay walang kasiguraduhan na mapapabagsak ko siya lalo na at isa palang akong 6 years old na maliit na batang babae.
Nagtagumpay ako sa pag-agaw ng atensyon nila at hindi na ako nagulat ng agad na umaksyon para hulihin ang babaeng nagtangka sa akin.
Nagpanggap akong ignorante dahil iyon din ang lagi kong ginagawa, pinanood ko lang silang hulihin yung babae kahit na madami ng nababasag na gamit. Isa ata ang babaeng ito sa mga kaaway ni Papa pero paano siya nakapasok?
Hindi na ako nagulat ng dumating ang mga kapatid ko at sina Franc at Amione na mukhang galing pa sa Red Room.
Nagmamadali silang lumapit sa akin at ilang beses pa akong pinaikot-ikot nina Abram para malaman kung ayos lang ba ako.
Matapos kong mahilo ay agad akong ibinigay kay Amione at inutos na iakyat ako at dali dali din namang sumunod si Amione.
Muli akong humarap sa kanila at lahat sila ay may normal na emosyon lang pero alam ko…
Once I turn my back on them, the monsters will be released.
Umalis na kami ni Amione at nagpunta sa kwarto. Pagkadating sa kwarto ay muli akong ininspeksyon ni Amione at nang makita niyang wala naman akong kahit na anong sugat ay saka niya ako pinakawalan at pinalitan ng damit dahil na din sa madumi ako.
Matapos noon ay sinamahan nalang niya akong manood ng Tv ngunit alam kong hindi naman namin kasama ang isip niya.
Sa palagay ko ay iniisip niya kung ano ang ginagawa ng apat na lalaki sa baba, lalo na dun sa babaeng nahuli nila dahil miski ako napapa isip din kung anong gagawin nila doon sa babae.
Ang sa palagay ko lang ay maghihirap ang babaeng yun, pasalamat na lang siya na wala si Papa pero hindi niya maaaring balewalain ang mga kapatid ko.
May pagka demonyo din ang mga iyon kahit hindi ko pa nakikita pero alam kong may ganon silang ugali kaya mas mabuting hindi sila galitin in the near future.
Matapos ang ilang oras ay may narinig kaming sasakyan kaya naman siguradong nakauwi na si Papa kaya naman lumabas kami ni Amione.
Hawak kamay kaming lumabas hanggang sa nakarating kami sa baba at una naming nadatnan ni Papa na kausap si Franc.
Alam kong tungkol sa babaeng iyon ang pinag uusapan nila, halata naman siguro sa mukha ni Papa na ngayon ay madilim na.
Natapos sa pagsasalita si Franc at akmang magsasalita si Papa ng makita niya ako, nawala ang dilim sa mukha niya at napalitan ng kaunting ngiti pero kita ko naman ang galit na nagniningas sa mga mata niya.
Nang makalapit kami ay agad niya akong binuhat at hinalikan sa noo matapos noon ay nagpunta na kami sa kwarto niya para magpalit na siya ng damit.
Hindi man niya ako tanungin kung okay lang ako ay alam ko namang halos matunaw na ako sa mga mata niyang inoobserbahan ang katawan ko.
What a sweet family.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...