Ilang araw na ang nakalipas mula ng tuluyang bumuti ang lagay ko dito at humihinga pa naman ako ngayon ng mapayapa.
Minsan ko lang makita ang tatlong bulilit pero siguradong may kinalaman iyon sa Ama nila este kay Papa o sa trabaho ni Papa.
Minsan naman ay kinukuha ako ni David sa pangangalaga ni Ligaya at dadalhin kay Papa.
Wala din naman kaming ginagawa pag kami ang magkasama dahil buhat buhat lang naman niya ako habang nagbabasa siya ng libro o nainom ng kape at sa garden ang paborito nyang tambayan, doon sa gawa sa salamin.
Hawak hawak ako ngayon ni Ligaya at nandito kami sa may bintana ng kwarto ko, kakatapos lang akong liguan ni Ligaya at medyo naiirita ako sa dami ng mga pinaglalagay niya sa akin.
Bukod sa isang magandang damit at mamahaling sapatos, nakasuot din ako ng hikaw, kwintas at kahit porselas. Ang malala ay nakasuot din ako ng maliit na tiara, ano ko Prinsesa?
“ You’re so beautiful, Young Mistress. ” Saad niya ngunit hindi ko siya nilingon.
Paano naman ako makakarelate sa sinasabi niya kung hindi ko alam ang itsura ko?
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita kung anong itsura ko basta ang sabi nila maganda daw ako, cute at hawig kay Papa.
“ Aw. You’re also a cute baby, Young Mistress. ” Dagdag pa niya at medyo humigpit ang pagkakayakap sa akin.
Bigla nalang nagbukas ng pintuan at pumasok ang tatlong bata. Akala ko pa naman ay magiging mapayapa ang araw ko ngayon pero mukhang hindi.
Pasimple namang yumuko si Ligaya at bumati sa tatlo.
“ Young masters. ” Tinanguan naman ni Aarav si Ligaya habang nakasimangot na naman si Adlai na nakatingin sa akin habang ngingiti ngiti naman si Abram at pasimple pang pumipisil sa hita ko.
“ Can you leave her to us? ” Masayang tanong ni Abram at wlang pasabing hinalikan ang tuhod ko habang hinihimas ang kamay ko.
“ But… ” Hindi na naituloy ni Ligaya ang sasabihin niya ng tignan siya ni Abram at maging ako ay nagulat ng makitang blangko ang mga mata niya at ramdam ko namang medyo nanginig pa si Ligaya bago huminga ng malalim.
“ Yes Young Master. ” Saad ni Ligaya at bigla namang bumalik sa pagiging masayahin ang ekspresyon ni Abram.
Isa din palang may tama ang batang ito, akala ko normal. Maling akala nga naman, talagang nakakamatay.
Inilapag ako ni Ligaya sa kama ko at nagdadalawang isip umalis pero ng mapatingin sa kanya ni Abram ay umalis na din siya.
Nang makaalis si Ligaya ay walang pasabing umakyat sa kama ko ang tatlo.
Nagulat naman ako ng iangat ako ni Aarav at iupo sa gitna ng mga hita niya na para bang kaya ko ng gawin. Jusko wala pang kalahating taon na nabubuhay ako.
Nakasandal ako sa kanya habang inaalalayan naman niya ako. Napatingala ako sa kanya ng magsalita siya at seryosong mga mata ang bumungad sa akin pero hindi nakaligtas ang interest.
“ You’re so small and fragile. ” Saad niya.
Ilang beses ko na bang naririnig yan? Sa tuwing kakausapin niya ako ay iyan ang unang lalabas sa bibig niya.
Humanda ka sakin paglaki ko nang malaman natin kung sinong small and fragile.
“ Like an ant. ” Sabat naman ni Adlai.
Oo, alam ko. Hindi na ako nagulat na ininsulto mo na naman ako. Sanay na ako grabe.
Sinimangutan ko nalang siya at sumiksik kay Aarav ng magsalita naman si Abram.
“ Baby sister, kailan ka ba makakapagsalita? ” Tanong nito at maging siya ay sinimangutan ko.
Saan ka nakakita ng 5 months old na bata na nakakapagsalita na? Eh hindi pa nga ako natututong maglakad eh! Hanggang gapang palang ang kaya ko.
Hindi ko na sila pinansin pa at nilaro nalang ang ibinigay na maliit na teddy bear ni Aarav at hinayaan silang magsalit ng magsalita.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...