Chapter 50

4.6K 268 40
                                    

Hindi ko alam kung ano man ang nangyari pero ang alam ko lang, kasalukuyan akong pinalilibutan nina Papa, mga kapatid ko at ang mga tauhan namin habang nagkakagulo na ang lahat.

Nakatutok ang mga baril ng dalawang kampo sa isa’t isa at ang kaninang masayang atmospera ng paligid ay ngayon ay nanlalamig na.

Rinig na rinig ko din ang hiyaw at irit ni Alena habang ako naman ay nakatingin lang sa isang direksyon.

Dalawang tao na nakasuot ng formal na damit at napapalibutan ng mga nakaitim na mga lalaki habang may hawak hawak silang regalo sa mga kamay, hindi din mawawala sa mukha nila ang ngiti sa labi at galak sa mga mata.

Kita ko naman sa isang gilid na nananatiling nakatayo at prenteng nanonood sina Amione at Franc na tila ba alam na nila ang mangyayari.

“ What the fuck you’re doing here Leondre? ” Tanong ni Papa na ikinatingin ko sa kanya at ibinalik ang tingin kay Vis na hindi man lang tinignan si Papa.

Sa akin lang siya nakatingin maging si Vlad na malamig ang ekspresyon sa mukha ngunit kita ko naman ang pagkinang ng mata niya.

Kahit na mukhang defensive sina Papa ay alam kong hindi siya ganon kagalit dahil kung oo, madami ng dugo ang dumadaloy sa sahig.

Maya maya pa ay napasampal nalang ako sa noo ng makitang tumawa ng malakas si Vis at sabay sabay na nagsibabaang ang mga armas na hawak ng dalawang kampo.

“ You ruined her birthday, idiot. ” Saad ni Papa at ikinumpas ang kamay, maya maya pa ay bumalik na ang lahat sa dati na tila ba walang nangyaring kung ano man.

Maliban nalang sa mga ilang bisita na nahimatay na ang iba at ang iba at nanginginig with putla pa. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isipan nila.

Nagsibalikan na din sa mga pweste nila ang mga tauhan nila habang naglakad naman papalapit sina Vlad at Vis hanggang sa tumigil sila sa harapan ko.

Napasinghap nalang ako ng bigla akong hilahin ni Vlad papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit, pakiramdam ko mababali ang buto ko kung isa lang akong mahinang babae buti nalang hindi.

Hindi ko alam kung paano at kailan nangyari na ang dating magkaaway, ngayon ay tila magkaibigan na.

" Nah, I miss my Vhai. " Saad ni Vis saka ako kinuha sa pagkakayakap ni Vlad at tinapik tapik pa ang likod ko.

Pero maya maya pa ay muli na naman akong nahaklit mula sa pagkakayakap niya at sa puntong ito ay si Papa na ang may hawak sa akin.

" She's mine. " Saad ni Papa na ikinapikit ko ng ilang beses hanggang sa marinig din ang seryoso at malamig na boses ni Vis.

" She's not yours Annatillo. "

" Same at your Leondre. " Sa totoo lang gusto ko ng magpahinga tas idadagdag mo pa sila.

Masyadong seryoso sa buhay ang mga ito, hindi ko din alam kung bipolar ba sila o kung ano pero masaya ako.

Akala ko hindi ko na muling makikita sina Vis at Vlad pero mukhang niregaluhan din ako ng tadhana at iyon ay ang pagkakaibigan ng dalawang kampo.

Ngingiti na sana ako at patitigilin ang seryosong titigan ng dalawa ng magsalita si Alena na mukhang nakarecover na sa nga nangyari kanina.

" Daddy, natatakot po ako. " Saad niya na sabay sabay naming ikinatingin sa kaniya at ang kaninang seryosong mukha ni Vis ay bigla nalang umasim saka naglipat lipat ang tingin sa amin ni Alena.

" I can't believe that you're my Vhai's twin,  you're like… nevermind. " Saad ni Vis at muling sumilay sa mukha niya ang ngiti saka tumingin sa akin.

" You've grown up little Johanna Vhaira. " Saad niya habang hinahaplos ang ulo ko nang tampiin ni Papa ang kamay niya na ikinasama niya ng tingin dito.

" You're ruining her hair! " Saad ni Papa na tila isang batang ipinagdadamot ang laruang meron siya na ikinairap naman ni Vis. I've never thought that my cold Papa is like this…

Para silang mga bata…

" Vhai- Lesha… do you remember me? Do you remember us? " Tanong ni Vlad na kanina pang tahimik na ikinatingin ko sa kaniya at kay Vis na nasa akin na din ang atensyon gaya ng iba.

Nagdaan ang ilang segundo ay dahan dahan akong tumango na ikinangiti ng mag-ama at pakiramdam ko masyado silang nagliwanag.

" Daddy Vis and Kuya Vlad. " Saad ko na ikinangiti lalo ng dalawa ngunit rinig ko naman ang mga ungol ng pagtutol nina Papa at mga kapatid ko ngunit hindi naman sila umimik pa.

" Just be glad that I can tolerate you Leondre. " Saad ni Papa na ikinangisi lang ni Daddy Vis.

Let's call him Daddy Vis now…

" Hi.. " Napalingon kaming muli sa pinanggalingan ng boses na iyon at nanggaling muli iyon kay Alena na 'nahihiyang' nakatingin kina Daddy Vis maging kay Kuya Vlad.

Kita ko namang lumamig ang ekspresyon ni Kuya Vlad habang si Daddy Vis naman ay napangiwi nalang.

" Ah, hello. I heard you're V-Lesha's twin. I'm his Daddy… Daddy Vis. " Saad ni Daddy at mukhang napilitan pa doon sa 'Daddy Vis' dahil sa tingin na nakuha niya kay Papa.

" Ah… " Tanging saad ni Alena at pasimple pang tumingin sakin para samaan ako ng tingin na hindi naman nakaani ng kahit na anong reaksyon mula sa akin.

" Stop glaring. "

----🌟

This would be the last update and please patiently wait for another updates!

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon