Matapos ang ilang minuto ay nakadating na kami sa pinakatuktok at nang magbukas ang pintuan ay sumalubong sa akin ang amoy ng papeles at kape.
Lumabas na kami ng elevator at hindi ko alam kung sinasadya ba ni Alena o hindi pero bahagya niya akong sinanggi sa balikat na mukhang hindi nakita ni Kuya Aarav. Hinayaan ko nalang iyon at pinagpatuloy ang pag iikot ng mata.
Unang bumungad sa amin ay ang isang table na mukhang sa secretary ata nila at matapos noon ay isang malaking pintuan na mukhang ito na ang pinaka opisina ng mga Kuya ko.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Kuya kaya naman nilingon niya ako at binigyan ng ngiti na ikinangiti ko lang din saka sumunod sa kanya.
Unti unting bumukas ang pintuan at una kong nakita ang isang malaking painting sa pader. Unti unti ay napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang nandoon, ako!
Ako ang nandoon at nakatingin ako sa malayo habang may bulaklak sa tenga. Side view lang ang painting pero ang ganda!
Nakarinig naman ako ng pag-ismid sa may likuran ko pero magkunwari nalang tayo na hindi ko iyon narinig.
Matapos ay bumaba ang tingin ko sa mga ilang picture na nasa baba, bumitaw ako ng pagkakahawak kay Kuya at lumapit doon.
Nakita ko ang mga Kuya ko doon, maging si Papa pero karamihan ang picture ko ang nandodoon. Hindi na napigilan ang pamumula ng pisngi ko ngunit buti nalang na wapang nakakakita sa akin.
Nagulat nalang ako ng bigla akong lumutang at naramdaman ang dalawang kamay na humawak sa bewang ko at pinaharap ako.
Doon ko nakita si Kuya Abram nanakangiti sa akin at agad akong hinalikan sa pisngi.
" What a surprise. " Saad niya at niyakap ako ng mahigpit, niyakap ko nalang din siya pabalik saka inilibot ang tingin.
Napakalawak nito at kahit hindi ganoon kadami ang mga gamit ay alam kong mamahalin lahat ng gamit na nandidito at napakaaliwalas.
Sa di kalayuan ay may magkakahiwalay na tatlong lamesa at siguradong sa tatlo ko iyong Kuya.
Nasa gitna ang kay Kuya Aarav, sa kanan ay kay Kuya Adlai na nakatingin sa amin ngayon at nasa kaliwa ang kay Kuya Abram batay na din sa pangalan na nakalagay sa mesa nila. Ang linis din nitong tignan kahit itim ang kulay.
Ibinaba naman ako ni Kuya Abram ay mahinang tinulak kaya naman nagpunta na ako kay Kuya Adlai na mukhang susugod sa gera dahil sa dalawang kilay niya na magkakapalit na ng pwesto.
Pagkalapit ko ay agad din naman niya akong binuhat at hinalikan sa pisngi saka niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik at napapaisip, anong dahilan kung bakit bad mood siya?
Napatingin naman ako sa dalawa ko pang Kuya na tila nagtatanong ngunit nagkibit balikat ang dalawa kaya napatingin ako kay Kuya Adlai at nakitang nakatingin siya sa kung saan.
Doon ko nakita ang kakambal ko na nakatingin sa amin ng may naiinggit na emosyon sa mga mata niya.
Mukhang hindi niya alam na may nakatingin sa kanya dahil maging ang kamay niya kanina ay ngayon ay kamao na.
Hindi ko din siya maintindihan, bakit ba parang anlaki ng galit niya sa akin? Bakit parang gustong gusto niya din lahat ng bagay na meron ako?
Talaga ngang mahirap intindihin ang isang bata.
" Why did you brought her here? " Tanong ni Kuya Adlai at kita ko ang pagkislot ni Alena sa kinakatayuan niya.
" I'm forced. " Maiksing sagot ni Kuya Aarav ngunit hindi na sumagot si Kuya Adlai sa kanya at muling pinagmasdan si Alena.
" Behave, don't cause any trouble. " Saad ni Kuya saka tumalikod at umupo sa upuan niya, dahil buhat buhat niya ako ay syempre nadala ako at nakaupo na sa kandungan niya ngayon.
" You want to eat? " Malambing na tanong niya sa akin na ikinatango ko kasabay ang pagkatok ng kung sino sa pintuan.
Pumunta naman doon si Kuya Aarav at kita king may kinuha lang siya. Nang isarado niya ang pintuan ay nakita kong pagkain iyon.
Naglapag siya sa mesa ng pagkain at kumuha ng ilan saka lumapit sa pwesto namin at inilapag sa mesa namin.
Nagsimulang kumilos si Kuya Adlai at binuksan ang pagkain bago ako subuan.
" Little baby, I'll tour you around okay? " Saad ni Kuya Abram na ikinatuwa ko saka ikinatango ng paulit ulit na ikinatawa naman niya.
" Don't worry, I'm sure you'll enjoy it. " Saad niya muli na ikinatango ko saka kinain ang isinusubo ni Kuya Adlai.
" I-I want to go too… " Napatingin naman kami kay Alena nang magsalita siya ngunit agad din akong nagpatuloy sa pagkain dahil wala namang kaso sa akin na sumama siya basta wag lang siya gumawa ng gulo.
Lumipas ang ilang minuto at kasalukuyan akong nakaupo dito sa mahabang sofa sa opisina nina Kuya kasama ang kakambal ko.
Wala sina Kuya dahil bigla nalang nagkaroon ng meeting, tatanggihan nga sana sila pero ayos lang naman namagtrabaho muna sila.
Tahimik ang paligid pero hindi ako nakakaramdam ng boredom o kaya awkwardness.
" Masaya ka ba? Masaya ka ba na ikaw lang yung mahal nila? Masaya ka ba na malungkot ako at mag isa? Masaya ka ba na ayaw nila sa akin? "
'Ha?'
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...