Chapter 58

4.3K 299 72
                                    

Third Person's POV

Ilang araw na ang nakakalipas mula ng magkagulo ang pamilyang Annatillo ngunit haggang ngayon ay nagkakagulo pa din at lumalala pa.

Araw araw ay may mga tauhang nag iikot sa dagat kahit pamalakas ang mga alon at hangin ay hindi ito naging dahulan upang tumigil sa paghahanap.

Tumulong na din ang organisasyon ng mga Leondre ngunit sa mga nakalipas na araw ay walang magandang resulta.

Hindi nila alam kung nasaan ang hinahanap nila at kung ano ba ang kalagayan nito, hindi nila alam kung ano ng gagawin nila.

Sa opisina naman ni Yves ay mag isa itong umiinom ng alak kahit na ilang araw na din itong hindi kumakain ng ayos, bilang ama ay masakit para sa kaniya na mawalan ng anak lalo na kung pinakamamahal niya ito.

Minsan na itong nawala at ngayon ay naulit muli, tanging ang ideyang babalik ang Prinsesa niya ang tanging pumipigil sa kanya para sumuko.

Ang mga ngiti, yakap at paglalambimg nito ay pinaka inaasam niya sa araw araw at sana ay makamit na niya iyon.

Sa isang mataas na building, sa isang opisina na napakadilim ay matatagpuan mo naman doon ang tatlong lalaking naninigarilyo at umiinom habang pinagmamasdan ang malaking litrato sa gitna ng opisina nila.

Ang Prinsesa na pinakaiingatan nila na ngayon ay wala sa tabi nila at hindi pa din nahahanap.

Hindi na nila alam kung ano ang gagawin nila, pinakilos na nila lahat ng tauhan nila at ginamit na nila ang kapangyarihan nila upang mapabilis ito ngunit ngayon ay wala pa ding resulta.

Hindi pa din nila nahahanap ang pinakamamahal nilang kapatid kahit ginagawa na nila ang makakaya nila.

Mahahanap pa kaya nila siya?

Ang mag amang Leondre naman ay nasa kani-kanilang kwarto at nagmumukmok ng kanila, nanghihinayang at malaking galit ang nararamdaman nila.

Hindi nila akalain na matapos nilang makapiling si Ashlesha ng saglit ay kukunin agad ito sa kanila.

Masyadong malupit ang tadhana at ayaw ata silang pagsamahin pero naniniwala sila, makikita nila itong muli babawiin nila ito sa kung sino mang demonyo ang kumuha dito.

Nakahiga naman buong maghapon si Alena sa kama niya, ilang araw na din siyang may sakit at gustuhin man niyang magpahinga ay ginagambala siya ng konsensya niya at maging sa panaginip ay nakikita niya ang kakambal na nagpapaalam na.

Asan ako?

Bakit ang dilim?

Teka, patay na ba ako?

Akala ko pa naman mapupunta ako sa langit, mukhang hindi pala.

Kamusta na kaya sina Papa, paniguradong nagwawala na ang mga iyon pero hindi ko sila mapapakalma.

Si Alena kaya?

Natrauma kaya yon?

Si Mama kaya?

Siguro todo comfort yon sa kakambal ko kung umiiyak yon ngayon.

Sina Daddy Vis at Kuya Vlad for sure nagmumukmok din, sina Amione at Franc paniguradong nag-aalala din pero syempre kailangan din nila alalahanin ang baby nila.

See you in next life nalang.

“ My lord, she’s in a stable state now. ” Saad ng isang lalaking nakaluhod na nakasuot ng puti sa taong nakaupo sa isang malaking silya sa isang malaking kwarto.

Kahit na malinaw ang boses nito at at kalmado ang itsura ay sa loob loob nito ay gusto na niyang lumabas sa kwartong kinalalagyan niya.

Gusto niyang lumipad papalayo, palayo sa taong nasa harapan niya ngayon.

“ Hmm. ” Tugon ng lalaki na walang malay na ikinanginig niya.

Maikli at mahinang tugon ngunit sapat na iyon para takutin ang libo-libong tao na pinamumunuan nito.

Maikli ngunit malalim, mahina ngunit masyadong malamig idagdag mo pa na pinalilibutan ito ng kadiliman sa kinauupuan nito.

Hindi alam ng lalaki ang iniisip ng amo niya ngunit ramdam niyang interesado ang amo niya sa batang nakita nila sa dagat na palutang lutang.

Napadaan sila doon upang iwasan ang malalaking alon sa ibang direksyon ng mamataan nila ang isang bagay na palutang lutang.

Hindi na sana nila ito iintindihin pa ngunit bigla na lamang inutos ng Amo nila na tumigil at noong tumigil sila, nakita nilang hindi pala ito isang bagay kundi isang tao.

Nagdadalawang isip pa sila kung kukuhain nila ito ngunit sa di inaasahang pangyayari ay inutusan sila na kuhain ang katawan nito.

Pagkakuha ay nalaman nila na isa itong batang babae at may tama sa braso, napakaputla nito na tila wala ng dugo at mukhang matagal ng palutang lutang sa dagat.

Inakala nilang patay na ito ngunit noong tignan ito ng Doctor na kasa-kasama nila ay sinabi nitong buhay pa ngunit napakahina ng tibok ng puso nito.

Kaya dali dali silang umuwi at agad na inihanda ang gagamitin para sa bata at nitong mga nakalipas na araw na pag iintindi dito ng mga magagaling na Doctor ay nasa maayos na itong kalagayan ngunit hindi pa masasabi kung kailan ito gigising lalo na at napakahina pa ng katawan nito.

Matapos noon ay saka sila nagtaka kung ano ang nakain ng Amo nila at hinayaan nitong makapasok ang isang batang babae sa lugar nila at hindi lang iyon dahil pinatingin pa niya ito sa magagaling na Doctor ngunit hindi nila alam na gabi gabi ding dinadalaw ng amo nila ang batang babae na iyon.

Pero sino bang mag-aakala na magiging parte pala ng buhay nila ang batang babae na ito?

---------🌟

WARNING?!

Or

SURPRISE?!

THE MALE LEAD IS IN!

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon