Mabilis na lumipas ang panahon at 11 months old baby na ako. Maraming nanagyari sa loob ng anim na buwan.
Kaya ko nang maglakad at makapagsalita pero bulol pa din pero walang nakakaalam kung hindi ako lang.
Hindi ko lang alam kung bakit pero ayaw kong ipaalam sa kanila na kaya ko nang gawin yon.
Tanging paggapang at baby talk lang ang ginagawa ko sa harap nila.
Isang bagay pa, sa maniwala kayo o hindi ko pa din nakikita ang itsura ko ang alam ko lang ay maputi ang balat ko pero noong isang araw ay nabanggit ni Ligaya na may kulang berde daw akong mata at itim na itim na buhok. Sinabi pa niyang lalo daw akong naging cute at mukhang kamukha ko daw si Papa.
Speaking of Papa, narito na naman ako sa opisina niya habang nakaupo sa stroller, nagbabasa naman ng mga papeles si Papa.
Noong nakaraang buwan ay dito na kami tumatambay ngunit ganito lang naman ang laging gawa namin.
Hindi naman ako ganoon kabored lalo na at nakasakay ako sa stroller kaya naman paikit ikot ako sa opisina niya.
Hindi naman niya ako sinasaway o kung ano kaya hindi din ako tumitigil at pumipirmi sa isang lugar.
Sa loob ng anim na buwan ay madalas na din ang pagbisita sa akin ng tatlong batang yon ang pinagkaiba nga lang ay kinikilabutan ako sa kanila dahil hindi na sumisimangot si Adlai at lagi nalang siyang nakatingin sa akin minsan ay bubuhatin ako at patatawanin.
Si Abram naman ay kahit gabi ay madadatnan mo sa kwarto ko at magigising nalang ako kasi buhat niya ako habang hinahaplos ang buhok ko.
Si Aarav naman, trip niya akong buhatin ng buhatin minsan pa nga ay pinapainom niya ako ng gatas ay kailangang buhat buhat pa din niya ako at kung minsan siya na ang nagpapatulog sa akin.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi pero kinikilabutan ako sa kanila. Pero nasasanay na din ako sa presensya nila.
Mas madalang ko na nga lang makita si Ligaya dahil sa tatlo eh at buti nalang kahit bata pa sila ay kaya nila akong alagaan.
“ Your birthday is near. ” Biglang saad ni Papa kaya naman napatingin ako sa kanya.
Birthday?
Mukha namang naintindihan nito ang pagkalito ko at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng sulok ng labi niya.
Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa upuan niya at lumapit sa akin bago ako buhatin.
“ You have a birthday and it's next month. We need to prepare. ” Saad niya at tinapik ng mahina ang ulo ko.
Malayo pa yung next month ah. Masyadong excited.
Akmang magsasalita siya ng may kumatok sa pintuan at pinahintulutan naman niya itong pumasok. Bumukas ang pintuan at pumasok si David.
“ Master, Ms. Suzy was downstairs. ” Saad naman nito at yumuko pa.
‘Ms, Suzy?’
“ We’re coming. ” Sagot ni Papa pero ano daw?
We’re coming? Ibig bang sabihin kasama ako?!
Nasagot ang tanong ko ng inayos ni Papa ang pagkakabuhat sa akin at naglakad palabas ng opisina niya.
Wala naman akong nagawa kundi yumakap nalang sa leeg niya kahit labag sa kalooban kong sumama.
Masama ang pakiramdam ko sa Ms. Suzy na ito. Pakiramdam ko may masamang mangyayari.
Nang mapansing nasa Sala na kami ay inikot ko ang paningin at tumigil iyon sa isang babaeng nakaupo sa mahabang sofa. Mahinhin itong umiinom ng juice pero…
Masyadong peke!
Napangiwi nalang ako nang tumingin ito sa amin ana para bang ngayon niya lang kami napansin.
Sabi na nga ba at may masamang mangyayari eh.
At iyon ay ang babaeng ‘mahinhin’ na nasa harapan ko ngayon habang may mala ‘anghel’ na ngiti. Sabay tawag ng malambing sa pangalan ni Papa.
“ Yves… ”
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...