Chapter 7

6.8K 323 20
                                    

Matapos akong ayusan ni David ay pinainom niya ako ng gatas at dahil isang sanggol ang kinalalagyan ko ay hindi na ako nagulat ng kusa nalang akong ngumanga at ininom ang gatas na nasa bote.

Hindi pa gaanong malakas ang mga braso ko lalo na at kagagaling ko lang sa sakit kaya naman si David ang taghawak ng bote habang ako naman ay abala din sa paggalaw sa palad ko.

“ You’re so cute Young Mistress ” Biglang sabi ni David at tinignan ko siya samit ang nagniningning na mga mata, cute ba talaga ang sanggol na kinalalagyan ko?

Pero ganon naman lagi di ba? Cute ang lahat ng mga sanggol. Saka hindi pa siya nahahabaan sa ‘Young Mistress’? Ang haba kaya.

Matapos kong uminom ng gatas ay muli niya akong inayos at sa palagay ko ay lalabas kami ng kwartong kinalalagyan ko at hindi nga ako nagkamali ng maigi niya ako binuhat saka lumabas.

Sumalubong sa amin ang magandang hallway, may mga paintings na nakasabit sa pader at may mga vases din na nakasandal sa pader.

Hindi pahuhuli ang mga chandeliers at ang carpet na kulay gray.

Talagang napakayaman nila at kung hindi nila ako paaalisin ay hindi ko na poproblemahin ang pangkain ko at maging tirahan ko.

Mula sa mahabang paglalakad ay natanaw ko na ang lilikuan at sa tingin ko ay tuluyan na kaming makakalabas sa hallway.

Sa pagliko namin ay unang sumalubong sa akin ang mga lalaking duguan at maraming sugat, kita ko din na paika-ika silang maglakad.

Mukha atang napasabak sila sa matinding labanan?

Nang makita nila ako ay sabay sabay silang nanigas sa kinatatayuan nila ngunit ang mga mata nila ay naghahayag ng ekspresyon na nakakita sila ng asong nagsasalita.

“ Ehem! Mend your bruises. ” Saad ni David at mukhang natauhan naman ang mga ito, nagbow pa ang mga ito saka nawala sa harapan namin.

Napalingon naman ako kay David dahil hindi pa kami gumagalaw at naiinip na ako.

Alam kong kanina pa niya ako pinagmamasdan mula ng makita namin yung mga lalaki, siguro ay nawiwirduhan siya sa akin dahil hindi man lang ako natakot sa mga lalaking yun lalo na at balot sila ng dugo.

Nang mahimasmasan siya ay nakita niya akong nakatingin sa kanya at hindi ko alam pero bigla nalang siyang namula at nag iwas ng tingin saka nagsimula na ulit kaming maglakad.

Tumambad sa amin ang isang napakagandang living room. Itim at puti ang theme color nito, maging ang sofa na pabilog ay itim at puti naman ang mga maliliit na unan.

Mukhang dito kami lumagay kanina noong bagong dating dahil pareho ang kisame na nakita ko kanina sa kisame na pinagmamasdan ko ngayon.

Kita ko ang fireplace na nasa gilid maging ang mini bar na punong puno ng alak.

Hindi lang iisang sofa set ang meron dahil tatlo ito paikot.

May mga nakasabit na picture sa dingding ngunit hindi ko sila matanaw ng ayos.

Sa di kalayuan ay saka ko lang napansin ang hagdanan at hindi ko makita ang hangganan nito lalo na at pabilog ito pero tanaw ko ang bintanang dingding nito at kita ko ang malawak na likuran at napakaraming halaman doon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa lumabas kami at sumalubong sa amin ang isang malakas at sariwang hangin, hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta pero nag-eenjoy ako sa pag-iikot.

Mula sa pagkakaabala sa pag tingin tingin sa paligid ay napansin ko nalang na pumasok kami sa isang glass door at nang ipaling ko ang mga ulo ko at apat na mata ang nakatutok sa akin at pakiramdam ko ay gusto nila akong kainin sa mga tingin nila.

Lumapit kami ni David sa apat kaya naman tinitigan ko silang mabuti. Hindi maipagkakaila na mag-aama sila dahil kahit naiiba ang kulay ng mata ay magkahawig na magkahawig sila.

Tumigil naman ang mata ko sa ‘Ama’ ko at nakipagtitigan na naman ako sa kanya ngunit naputol iyon ng magsalita siya.

“ Give her to me. ”

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon