Napatingin kami sa likod ng mga damo dahil gumalaw iyon na para bang may nagtatago doon. Naging alerto naman ang mga kasama ng babae habang kaming tatlo ay pinapanood ang susunod na mga mangyayari.
Nawalan naman ng ekspresyon ang mukha ko ng tumalon doon ay isang kuneho, akala ko naman ay may magliligtas sa amin pero kuneho lang pala.
Pailing iling nalang akong tiningnan ang babae na ngayon ay may malaking ngiti sa labi habang may kausap sa cellphone niya.
Ibinaba na niya ang tawag at nasa amin na ang atensyon nila.
“ Akala niyo matatakasan niyo kami ha. ” Saad ng babae at gutong gusto kong alising ang ngisi na nasa labi niya.
“ Boss, may nagalaw. ” Saad ng isang lalaki sa likuran niya.
“ Kuneho lang yan. ” Saad noong babae pero maya maya pa ay napapalibutan na kami ng mga lalaking nakaitim at may mga armas na nakatutok doon sa mga taong gusto kaming kuhain.
Kuneho pala ha, ang tapang naman na kuneho may dala pang mahahabang baril.
“ S-sino kayo?! ” Sigaw ng babae ngunit hindi naman sumagot ang mga lalaki ngunit mabilis silang kumilos dahil walang isang minuto ay bumagsak na ang mga kasama noong babae at ang malala pa, hindi sila gumamit ng armas kundi mano-mano lang.
Nang matapos ang ay pinalibutan nila ang mga gustong kumuha sa amin at nagging tahimik ang paligid.
Hanggang ngayon ay hindi pa din namin alam kung bakit nila kami tinulungan o kung anong ginagawa nila ngayon dito.
“ T-thank you Mister. ” Saad ni Amione sa isang lalaki na nakatayo malapit sa amin ngunit hindi ito umimik o tumingin man lang.
Suplado.
“ Mas mabuti kung umalis na tayo, baka masasamang tao din sila. ” Bulong ni Franc kay Amione na ikinatango naman agad ni Amione.
Akmang tatayo na si Franc ng biglang may mga lalaki pang dumating gaya ng mga lalaking tumalo sa mga taong gustong kumuha sa amin kasabay ng pag ihip ng hangin ay ang pagdating ng isang lalaking nakasuot ng itim na salamin.
Sino naman ito?
Tinanggal ng lalaki ang suot ng salamin at nagtama ang itim niyang mata sa berde kong mata. Matagal kaming nagkatitigan hanggang sa siya ang nag-iwas at may lumapit sa kanya na lalaki saka may ibinulong.
“ That bastard. ” Saad niya at rinig na rinig doon ang galit kahit na walang ekpresyon ang mukha niya.
Muling tumayo si Franc at kasunod si Amione. Akmang hahakbang na kami paalis ng humarang ang mga lalaki sa dadaanan namin kaya wala kaming choice kundi ang humarap.
Ano bang gusto ng mga lalaking ito?
“ You need to go with me. ” Saad ng lalaki at muli pang nagtama ang paningin namin at lumapit siya sa kinalalagyan namin.
Napapikit pikit nalang ako ng kunin niya ako sa mga bisig ni Franc at saka tumalikod dala-dala ako.
Rinig ko ang protesta nina Amione ngunit wala silang nagawa kundi ang sumunod lalo na at hawak hawak ako ng lalaking ito.
Habang naglalakad kami ay tahimik lang ang lahat maging sina Amione at Franc habang ako ay pinakatititigan ang lalaking may hawak sa akin.
Isang gwapong lalaki na nasa edad 25 pataas at may face paralysis. Sino naman kaya siya sa kwento eh wala namang ganitong naganap noon sa libro pero baka sa hinaharap ay lumabas siya.
Siguradong magbabago ang takbo ng storya lalo na at buhay ako. Sana nga lang ay sa pagbabagong iyon, may maganda itong idulot dahil ayaw kong pakasirain ng todo ang kwentong ito.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...