Chapter 65

3.9K 203 19
                                    

Kita namin ang pagbaba ng pinakainiintay naming bisita lalo na kung paano tumawa ang babaeng kasama ng mga magulang ni Devlin na mas matanda lang sa akin ng mga ilang taon.

Sabi na nga ba!

Mukha namang naramdaman ni Devlin ang inis na nararamdaman ko dahil bahagya niyang pinisil ang bewang ko na hawak hawak niya.

Sa ginawa na iyon ni Devlin ay kumalma naman ako kahit papaano saka muling hinarap ang mga bisitang hindi naman inimbita.

Maya maya pa ay mukhang nakita na ng mga ito na naririto kami dahil ang kaninang ngiti sa mukha ng mag-asawang Silveraz ay nawala at tanging ang babaeng kasama na lag nila ang nakangiti at malalaking matang nakatingin kay Devlin.

I have this urge to plucked out her eyes.

Napapailing nalang ako sa naiisip ko at saka umayos ng tayo ng lumapit na sila sa amin ngunit ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng bigla na lamang yakapin ng babae si Devlin.

Kita ko rin ang gulat sa mukha ni Devlin ngunit hindi siya kumawala at hinayaan ang babae na yakapin at halikan siya sa pisngi na may kasama pang tunog.

Hindi pa ako nakakareak ay nakita ko nalang silang naglalakad papaloob habang ako ay hawak hawak ang bag na binigay ng nanay ni Devlin.

Sa itsura kong ito pinagkamalan akong katulong?

Hindi pa din ako makapaniwalang ganoon ang nangyari nang may mga lalaking dumaan sa harap ko at tumigil pa talaga ha.

" Hindi ko akalain na maganda na pala ang mga katulong dito, fresh na fresh pa. " Saad ng nangunguna sa kanila habang tinitignan ako mula ulo at paa sabay dila ng labi niya.

Hindi man pumasok sa tenga ko ang sinabi niya ay sa kanya ko nailabas ang irita ko sa nangyari at iniwan ko siyang namimilipit doon habang hawak hawak ang mukha niya.

Atleast may pakinabang naman pala ang bag ng nanay ni Devlin, saktong saktong panghampas ng mukha.

Napabalik naman sa isipan ko ang nangyari at nagpapapadyak na pumunta sa loob para komprontahin ang ginawa nila sa akin.

Lalo ka na Devlin.

Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko sila sa Sala at umiinom ng juice habang si Devlin naman ay tila isang batang paslit na nakayuko lang sa harapan ng magulang niya.

Ang pinakanakakainis sa lahat ay kulang nalang itapon nung babae ang sarili niya kay Devlin, kung makalingkis dinaig pa ang ahas.

Naglakad na ako papalapit sa kanila ngunit napatigil ng marinig ang sinabi ng Ama ni Devlin.

" She's Alcarqeoco and she's your fiance. " Saad nito at chill pang umiinom ng juice na tila alam niyang hindi makakatanggi si Devlin.

Pairap naman akong tumingin kay Devlin at hinihintay ang magiging pangtanggi niya dahil alam kong tatanggi siya dito.

Ngunit ilang segundo ang nakakalipas ay nakayuko pa din si Devlin at doon na talaga sumabog lahat ng inis ko maging ang namumuong sakit at galit sa puso ko.

Walang pagdadalawang isip kong ibinato kay Devlin ang suot kong heels na malamang ay hindi nito inaasahan dahil hindi niya ito nasalo.

Napaangat siya ng tingin sa akin at kita kong namilog ang mga mata niya, kita ko ding napatingin din sa akin ang tatlong bisita na naguguluhang naglilipat lipat ang tingin sa amin ni Devlin.

" You'll fucking explain. " Saad ko kay Devlin habang may matamis na ngiti sa labi saka inihagis kung saan ang bag ng nanay ni Devlin na ikinatayo naman nito ngunit hanapin nila ang pake ko.

Nagsimula na akong maglakad ngunit iika ika kaya naman hinubad ko din ang isa saka ibinato kay Devlin na nasalo naman nito.

" What the?! Who are you?! " Sigaw naman ng babaeng katabi niya na ngayon ay nakatayo habang nakapamewang sa akin.

" Shut up! " Saad ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin saka nagtatakbo paakyat saka nilock ang pintuan pagkarating ko sa kwarto.

Devlin, Devlin, humanda ka sa akin.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas ngunit isa lang ang alam ko, lubog na ang araw at lahat lahat ay walang Devlin na nagpunta sa akin para magpaliwanag.

Hind ko alam kung anong naganap sa labas pero ang alam ko, sinamahan ni Devlin ang babaeng iyon saan mang lupalop ng mundo.

Hindi ko na din alam ang mararamdaman ko sa nangyari, dapat ba ay intindihin ko siya?

Dahil bilang isang tao hindi niya naranasana ang pagmamahal ng magulang niya kaya naman ginagawa niya lang ang lahat ng ito para makuha ang pagmamahal na iyon.

O dapat bang magalit ako sa kaniya?

Dahil hindi niya ako naisip, hindi siya naing lalaki upang ipaglaban ako, harap harapan niya akong binalewala at niloko.

Ano bang dapat na gawin ko?

Sa nangyaring ito, ang oplan pagbibigay ng walang hanggang pag-ibig kay Devlin ay mukhang hindi ko na magagawa.

Dahil hindi ko matutulungan si Devlin na pasukin ang bagong bukas kasama ako kung hindi niya tutulungan ang sarili niya.

Sa dami ng iniisip ko ay itinulog ko nalang iyon at hindi na pinansin pa ang tiyan kong kanina pa nagwawala.

Biruin niyo, hindi man lang ako pinadalahan ng pagkain.

Tsk.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at maagang bumaba dahil hindi ko hahayaang mamatay ako sa gutom kaya naman pagkababa ko ay nagluto nalang ako ng simpleng agahan.

Habang kumakain ay pinakiramdaman ko ang paligid at doon ay napansin na parang ako lang ang taong naririto kaya naman para makasigurado ay nag ikot ikot ako.

Lumipas ang kalahating oras ay mayroon ng sagot sa hinala ko, mag-isa nga lang ako.

Kailan sila umalis? Bakit hindi ko man lang narinig o naramdaman?

Kailan ako iniwan ni Devlin?

Madaming tanong ang naglalaro sa isipan ko hanggang sa napaisip akong magpunta sa dungeon ng bahay na ito upang malaman kung maging ang mga nakakulong doon ay naroon pa din.

Pagkapasok sa pintuan ay nagdere-deretso ako at nadatnang nandito pa naman ang mga nakakulong hanggang sa narating ko ang pinakadulo kung saan nadatnan kong pinapakain ni Devlin ang dalawang tigre.

Binuksan ko ang pintuan noon at hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay nakita ko na agad ang ganap sa loob.

Hindi lang isa, dalawa o tatlong katao ang lumalangoy sa mga halo halong dugo kundi napakarami nito at hindi lang dalawang tigre ang kumakain kundi madami at may mga leon pa.

Sa gitna nilang lahat ay si Devlin na nakaupo sa isang upuan na parang nanonood ng palabas habang nakatingin sa isang direksyon.

Sinundan ko iyon at ganon nalang ang gulat ko ng makilala ang mga taong pinagpi-pyestahan ng mga hayop.

Ang babaeng Alcarqeoco.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon