Ilang minuto na kaming nagtatalo dito ngunit mukhang panalo na ako dahil inis ay talo.
Namumula na masyado ang mukha niga dahil sa inis habang ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
Maya maya naman ay napataas ang kilay ko ng makitang huminahon na siya saka tumitig sa akin at nagsalita.
" Why? " Mahinang tanong niya na ikinasingkit lang ng mga mata ko.
" Why? Bakit ikaw yung nandito at ako yung kasama ni Mama sa labas na maghirap? " Tanong niya ngunit wala akong maisasagot sa tanong niyang iyon dahil maging ako ay hindi alam ang sagot.
Ni hindi ko nga alam na mamamatay na pala ako ng oras na yon at mapupunta dito sa loob ng mundo.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nandito at hindi ko na sinusubukan o sabihin na nating hindi ko sinubukan alamin kung bakit ako napunta dito dahil hindi na iyon mahalaga. Hindi naman ako isang anghel at tao lang ako, may pinapangarap din at nais makuha.
Iyon ay ang mga tao na handa akong mahalin at iyon ang tinatawag na pamilya, nagbibigay ng init ng pagkalinga at pagmamahal para sa gaya ko na hindi naranasan ang bagay na iyon.
" Bakit kailangan naming maghirap para makahanap ng pagkain habang ikaw na puro mamahalin ang kinakain mo? " Tanong niyang muli at kita ko ang unti unting pagporma ng mga luha sa mata niya.
Bakit nga ba?
" That's the fate. " Mahinang saad ko ngunit tumalim lang ang mga mata niya sa akin na ikinakurap kurap ko lang.
" Fate?! Ha! Ang sabihin mo, bata ka palang pero mang aagaw ka na! Dapat ako ang nasa pwesto mo at hindi ikaw! " Saad niya na talaga namang ikinagulat ko.
Isinisisi niya ba sa bagong panganak na sanggol ang naging tadhana nito?
Kasalanan ko ba na ako ang kinuha ng babaeng iyon at hindi siya?
Ano bang ipinuputok ng butsi nito kung nandito na naman siya at nararanasan na niya ang kayamanang natamo ko?
Ano pa bang hinahangad niya qt hindi siya makuntento sa kung ano ang meron siya?
" You're crazy. " Saad ko na ikinatawa niya.
" Crazy huh, baliw na kung baliw pero mang aagaw ka! " Saad niya at itinulak ako ngunit naiwasan ko iyon kaya nawalan siya ng balanse kaya natumba siya.
Nang iras na tuluyan siyang natumba ay ang papapalapit na yapak ng tao at kilala ko iyon, kay Mama.
Mukhang narinig din niya ang mga papalapit na tao at bigla na lamang sumigaw habang umiiyak.
" Gusto lang naman kitang makalaro! " Saad niya at maya maya pa ay nakarating na si Mama at nadatnan niya ang kalagayan ni Alena.
" Alena! Anong nangyari?! " Saad ni Mama habang tinitignan ang katawan at kalagayan ni Alena samantalang patuloy lang sa pag iyak si Alena.
Tingin ko pwede siyang maging artista sa hinaharap.
" Mama… huk… huk… "
" Sabihin mo kay Mama, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak at nasa lapag? " Saad ni Mama at tumingin sakin si Alena na ginawa rin ni Mama iyon.
Mukhang ngayon lang niya namalayan na nandito lang ako, ang kaninang gulat sa mukha niya ay napalitan ng pagtataka.
" Ashlesha, tell me. Bakit mo tinulak ang kakambal mo? " Tanong niya agad sakin na hindi ko na ikinagulat pa.
Halata naman na sa aming dalawa ni Alena, si Alena ang pipiliin niya lalo na at mas nakasama niya ito kaysa sa akin.
" I didn't. " Maikling sagot ko na ikinabuntong hininga niya saka tinulungang tumayo so Alena bago ako muling hinarap.
" Dahil ba sa nangyari kahapon? Galit ka sa kakambal mo dahil lang doon? " Saad niyang muli ngunit hindi ko na siya sinagot pa at tumalikod na.
Ayokong maging bastos pero mas maganda kung aalis na ako at iwanan sila dahil hindi din naman siya maniniwala kung itatanggi ko ang paratang na iyon.
" Ashlesha! Kinakausap pa kita! Wag mo kong talikuran! " Sigaw ni Mama kaya naman wala na din akong ibang nagawa kundi harapin siya.
Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa braso saka pinakatitigan ng ayos.
" Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng Ama mo pero wag na wag mo akong babastusin lalo na ang kakambal mo! "
Saad niya ngunit walang emosyon ko lang siya tinitigan namukhang ikinainis niya kaya naman kinalog niya ako ng kinalog hanggang sa medyo nahihilo na ako.
" Ina mo ako at anak lang kita kaya wag mo kong babastusin! Ako ang nagsilang sayo dito sa mundo kaya ayusin mo ang ugali mong bata ka! " Saad niya pa.
Maaaring siya ang nagluwal sa katawang ito ngunit ang kaluluwa ko ay nanggaling sa ibang mundo at hindi dito.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...