Chapter 13

6.3K 304 44
                                    

Kasalukuyan akong nakatingin sa salamin ngayon at para bang ayaw ko ng humiwalay pa.

Kaarawan ko na ngayon at nitong mga nagdaang araw ay halos nagkakagulo sa Mansion dahil napagdesisyunan na dito gaganapin ang kaarawan ko at ngayon, kaarawan ko na nga at hindi ko pa nakikita sina Papa maging ang mga kapatid ko.

Si Ligaya lang ang nag aasikaso sa akin at ngayon nga ay nakasuot ako ng isang gown na parang gawa ata sa ginto at dyamante ngunit hindi na ako nagreklamo pero gusto kong magreklamo sa koronang nasa ulo ko, napakabigat.

Kanina ko pa gustong alisin pero ibinabalik din ni Ligaya tapos binigyan niya ako ng salamin kaya ako napunta sa ganitong situwasyon.

Kulay berde nga ang mga mata ko at magkaparehong magkapareho kami ni Papa habang may itim na itim naman akong kulay ng buhok.

Makinis at maputi din ang balat ko, medyo malaki ang mata ko at may mga mahahabang pilik mata.

Maliit lang ang ilong ko, may katamtamang kilay at may plump na labi na para bang laging basa.

Mula ng ibigay niya sa akin ang salamin ay ayaw ko ng bitawan pa, hindi ko akalaing totoo palang maganda akong bata hindi ko kasi alam kung binibiro lang ako noon nina Ligaya at ni David tuwing sinasabi nilang cute ako o di kaya ay maganda.

Abala ako sa pagtingin tingin sa salamin ng mapatingin ako sa malaking bintana ng kwarto ko at ganoon nalang ay pagtataka ko ng makitang may dalawang lalaki na nakatayo doon at may ginagawa sa bintana ko hanggang sa magbukas iyon.

Dapat na ba akong umiyak?

Pinagmasdan ko silang mabuti hanggang sa magtama ang mga mata namin at pinanood ko lang sila na makalapit sa akin.

Nagulat nalang ako sa walang pasabi nila akong isinilid sa sako!

Sa sako!!

Kidnaping toh!

THIRD POV.

Mula sa ikalawang palapag ay aligagang bumaba si Ligaya at lahat agad ng atensyon ay napunta sa kanya lalo na at walang habas siyang lumapit kay Yves na may kinakausap na matandang lalaki.

“ Master! Nawawala ang Young Mistress! ” Saad nito na ikinatigil ng lahat maliban nalang sa tugtog ng paligid.

Agad na nagsikulasan ang mga tauhan ni Yves maging ang tatlong magkakapatid ay kumilos din at tumakbo sa kwarto ng kapatid ngunit ganoon nalang ang pamumutla nila ng makitang wala nga roon ang kapatid at ang tanging naiwan ay ang maliit na korona katabi ang isang salamin.

Sa loob lamang ng isang gabi ay nagimbal ang Mansion ng mga Annatilo maging ang mga nasasakupan nito sa gobyerno o kaya sa mundo ng underground.

Habang nagkakagulo sila, nakasimangot namang nakatingin si Ashlesha sa babaeng nasa harapan niya.

Kanina lamang ay nag eenjoy siya sa kakatingin sa salamin ngunit sino bang mag-aakalang nandito na agad siya sa umaandar na barko kasama ang babaeng ito na hindi niya kilala.

ASLESHA POV.

“ Dukutin ko yang mga mata mo! ” Saad bigla ng babaeng nasa harapan ko.

Aba! Masama na pala ang tumingin ngayon! Sila na nga itong kumuha sa akin tapos sila pa galit!

Matapos akong isako ng mga lalaki ay agad silang umalis at sumakay sa sasakyan, ni hindi man nga man lang nila ako inilabas sa sako eh pero ng makarating kami dito ay tinanggal nila saka basta basta ako inilagay sa isang upuan buti na nga lang ay hindi ako nahuhulog.

Hindi ko alam kung anong pakay nila sa akin o kaya kay Papa pero bakit naman ako yung kinidnap nila?!

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang mukha ng batang hawak hawak ng isang pangit na lalaki.

Bigla nalang akong nahilo at hinayaan ko nalang ang sarili kong matumba sa upuan.

‘Anong ginagawa ni Amione dito?!’

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon