Nandito ako ngayon sa bago kong kwarto at dito na daw talaga ako mananatili hindi naman halatang pinaghandaan nila masyado ano?
Ang kulay ng kwarto ay malayo sa white at black na theme ng bagay dahil ang kulay ng kwarto ko ay pink at white.
Sa totoo lang para akong nasa kwarto ng isang Prinsesa dahil napakalawak nito at halatang mamahalin ang mga gamit.
Sa loob ng kwarto ko ay may isa pang kwarto pero walang pinto kundi transparent na color pink na kurtina ang nakalagay dun. Nasa loob noon ang isang pink na kama at may mga harang sa mga gilid gilid.
Sa baba ng kama ay may malalaking stuff toy at may doll house. May roon ding mga gatas at bote doon at isang bagay na nagpapainit ng gatas.
Sa bandang kanan namna sa labas ay mag mahabang pink na sofa maging ang mga pillows ay pink. Maging ang lamp ay color pink.
Sa kaliwa naman ay nandodoon ang isang malaking bintana at maging ang mga kurtina ay pink, may malaking TV din doon at sa ilalaim noon ay may mga CD na pambata at katabi namna nila ay isang bookshelf at punong puno iyon ng mga kwentong pambata.
May chandelier din sa gitna ng kwarto at sabi ni David kanina ay iilaw iyon tuwing gabi, light in the dark daw kasi.
Ang buong kwarto ay napapalibutan ng pink na carpet at pwede daw akong magpagulong gulong doon dahil sigurado daw na hindi ako masasaktan.
Inilibot din ako ni David sa CR at sobrang laki noon pang mayaman talaga ang datingan at madaming products na pambata gaya na lamang ng shampoo, conditioner at sabon.
May lotion din doon, langis at pabango. Meron din doong munting kabinet at puno yun ng mga towel, Diapers at may First Aid Kit din.
Pagkatapos naman noon ay pumunta kami sa dressing room daw at feeling ko lumuwa ang mata ko ng makita ko ang laman noon.
Napakadaming damit na nakasabit at limang malalaking kabinet yon. Kitang kita ko din mula sa salamin na kabinet ang mga alahas, bag at sumbrelo na naka display.
Sa baba naman noon ay hilera ng mga sapatos at kahit anong size ng sapatos. Hindi ko naman sila magagamit lahat kaya ako na yung nasasaktan para sa mga perang nasayang.
Sa gilid naman ay may iba’t ibang gamot doon na pang baby din at lahat sila may label.
Sa katapat naman noon ang isang vanity dresser at andaming nakalagay doon na mga kung ano-ano.
Sa totoo lang hindi ba sila nanghihinayang sa pera?
Narito na ako ngayon at nakahiga sa kama, nakakaboring. Gabi na at napakabilis ng oras kanina ay matapos ipakilala sa akin ni ‘Dad’, tawagin ko daw siyang ganon para namang makakapagsalita ako noh? Pero mas gusto ko ang Papa.
Matapos niyang ipakilala sa akin ang mga kapatid ko ay nanahimik na siya at hinayaan na niya ang mga batang iyon na gawin akong manika.
Pisil dito, pisil doon at ang sarap nilang sipain pero makakagalaw pa ba ako kung tatlong pares na ng kamay ay may hawak hawak sa akin?
Maging ang sumpungin na Adlai na yon ay nakikipisil din kahit hindi matanggal sa mukha niya ang simangot pero iba naman ang nakikita ko sa mata niya na natutuwa siya at mas lumalabas iyon sa mata niya pag tinitignan ko siya ng masama dahil sa sobrang pagpisil.
Napatingin ako sa gilid ng kama ko ng makita ko si Ligaya, siya daw ang mag-aalaga sa akin sabi ni Papa kanina at mukha namang mabait siya.
Babaeng 23 years old lang pero expert daw sa pag-aalaga ng bata and I believe hindi lang siya basta bastang tagapag-alaga ng bata lalo na kung paano ko makita na ginagalang siya nung mga guards.
Maganda siya saka laging nakangiti pero halata namang may tinatago din siya lalo na nung makita ko yung isang katulong kanina na daig pa ang hinabol ng aso ng makita si Ligaya.
“ Young Mistress, it’s time to sleep now. ” Saad ni Ligaya.
Tinitigan ko lang siya ng maigi, hindi ba niya alam na mas madali akong makakatulog yung may gatas?
Lalo na kung ang huling inom ko ay kanina mamtapos akong ilibot ni David sa kwarto ko.
Nakakapagod din kaya iyon.
Nakipagtitigan naman siya sa akin ng para bang may naalala siya kaya umalis siya at sa pagbalik niya ay may dala na siyang gatas.
Buti naman.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...