Chapter 48

4.2K 235 11
                                    

Third Person's POV

Lahat ng tao ay namangha, lahat sila naramdaman na tila binigyan sila ng napakalaking regalo at iyon ay ang makakita ng isang anghel na nakasuot ng itim.

Napakagandang babae na naglalakad papalapit sa kanila, hindi naman maiwasan ng isang mga kababaihan na mainggit dahil sa kagandahan nito na hindi nila naranasan noong mga bata pa sila habang ang mga kalalakihan naman lalo na ang mga anak ay napapaisip na magiging maganda kung magkakaroon sila ng ganitong kagandang manugang lalo na at nagmula ito sa makapangyarihang pamilya.

Ngunit maya maya pa ay nanlamig sila dahil may mga asul na matang dumaan sa kanila at mukhang mas maganda kung hindi nalang nila iisipin pa ang bagay na iyon kung nanaisin pa nilang mabuhay.

Balik naman tayo sa Anghel na nakaitim, elegante at seryoso itong naglalakad kahit na pinagkakaguluhan siya ng tingin ng mga bisita.

Matapos ang mahaba-habang paglalakad ay narating na nila ang entablado kung saan naroroon ang isang gintong upuan at napapaligiran ng mga kumikinang na bagay.

Inuupo na ni Yves si Ashlesha sa upuang iyon at bahagyang hinalikan sa noo saka tumayo sa gilid nito at nagsalita.

Natahimik ang buong paligid at lahat ay nakaabang sa kung ano man ang sasabihin ni Yves. Huminga muna ng malalim si Yves na tila may sasabihin niyang hindi niya gusto ngunit nagsimula na itong magsalita.

“ Thank you for coming to my daughter's birthday party. Ashlesha Yvonne Annatillo.I deeply thank all of you for your presence here as well as your gifts for my Princess. Enjoy. ” Saad ni Yves at nag-aalinlangan pa siyang idugtong ang mga dapat niyang sasabihin ngunit hindi niya magawa.

Mula naman sa kinauupuan, kita at nararamdaman naman ni Ashlesha ang pagdadalawang isip ng Papa niya kaya naman hinawakan niya ang kamya nito at nginitian na nagsasabing magiging ayos lang ang lahat. Mula sa pag eenganyo ng kanyang anak ay wala ng nagawang iba pa si Yves kundi gawin na ito.

Mula naman sa baba ay nagtataka ang lahat kung may sasabihin pa si Yves at tanging ang tatlong Young Master lang ng pamilyang Annatillo ang nakakaalam kung ano ang meron hanggang sa nagsalita na si Yves.

“ I would like for everyone to meet Alena Ysabelle Annatillo, the second lady of Annatillo. ” Saad ni Yves na ikinatahimik ng lahat, at lahat ng nakarinig ng balita ay halos manigas sa mga kinalalagyan nila hindi nila akalain na may isa pa palang Lady ang mga Annatillo.

Nagising lang ang mga ito nang muling magbukas ang pintuan na nilabasan nina Yves ngunit hindi nila aakalain na ang sasalubong sa kanila ay isang…… hindi maayos na kalagayan.

Mula sa malaking pintuan ay lumabas ang isang babae na kamukha ni Ashlesha ngunit malaking malaki ang pagkakaiba nila at may nakaalalay ditong katulong na todo ngiti din ngunit nagulat sila lalo ng tawagin ito ni Alena.

“ Mama bakit sila nakatingin sa akin? ”

“ Napakaganda mo daw kasi anak. ”

Saad ng babae na lalong ikinalawak ng ngiti ni Alena ngunit dahil dito ay umalingawngaw sa buong paligid ang pag iyak ng isang batang babae na may edad lima at lalo pa itong pumalahaw ng iyak ng makatitigan nito si Alena na ikinasimangot naman ni Alena kaya mas nagmukha itong….

Nakakatakot.

Mula naman sa kinauupuan niya, gusto anlang mapakamot ng ulo ni Ashlesha dahil hindi pa man nagsisimula ang lahat ay may problema na agad ata silang kahaharapin lalo na paglumabas sa media ang litrato ng kakambal niya.

Siguradong kakalat ang naging itsura ni Alena ngayon at totoo man o hindi ay maraming pagkakatuwaan ang unang labas ng ikalawang Mistress ng mga Annatillo.

Matpos ang pag iyak ng bata ay ang siyang sabay sabay na bulungan sa buong paligid maging ang pagflash ng mga camera ngunit imbis na magalit si Alena ay lalo pa siyang natuwa dahil sa palagay niya ay interesado ang lahat sa kanya.

Matapos ang paglalakad nina Alena at ni Ara ay nakarating na din sila sa entabladong kinalalagyan nina Ashlesha at ni Yves.

Lumabas naman mula sa likuran ng entablado ang isa pang upuan gaya ng upuan ng kay Ashlesha ngunit ang kaibahan ay masyado itong kumikinang sa puntong hindi na ito magandang pagmasdan.

Sa mga titingin ay masasabi nilang masyadong gahaman ang gumawa ng upuan na yon dahil masyadong madami ang palamuti at masakit na ito sa mata, muli namang natuwa si Alena ng makitang nagsisi iwasan ng tingin ang mga tao sa upuan niya at sa tingin niya ay nagseselos ang mga ito lalo na at napakaganda nito dahil siya at ang Mama niya ang gumawa.

Mula naman sa isang kwarto ay natatawa tawa ang isang lalaki habang pinapanood sa isang malaking screen ang nagaganap sa loob ng Isla, masaya niyang pinagmamasdana ng mga nangyayari lalo na ang walang magawa na ekspresyon ni Yves habang pinagmamasdan ang isa sa kambal niya.

Ang kaninang ngiti sa labi niya ay mas lumawak ng bumaba ang tingin niya sa isang dalagang walang ganang nakaupo sa upuan nito at pinapanood lang ang nangyayari sa harap niya.

Hindi niya akalain na ito na pala ang pinakamamahal na Prinsesa ng mga Annatillo at sa tingin niya ay hindi naman ito nawalan ng pabor sa pamilya nila kahit na may kakambal itong bigla bigla nalang nasulpot.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon