Chapter 29

5.3K 273 19
                                    

Nakaready na ang lahat para sa pagbabalik ko. Yes, babalik na ako sa Pilipinas at nandito si Papa para sunduin kami.

Hindi ko alam kung bakit pinapabalik na niya ako pero mas mabuti na din iyon dahil oras na para mangialam sa pamilyang Annatillo, gamitin na natin ang pagiging Annatillo ko.

Matapos mag ayos ay bumaba na kami at nadatnan ko si Papa na may kinakausap sa phone.

Nang makita niya ako ay inutos niya na ilagay na sa sasakyan ang gamit namin at walang kahirap hirap niya akong binuhat.

Yes po, I also feel that I'm only a 5 years old little girl. Tinuturing nila akong bata but I loved it, who wouldn't be? They're pampering me to the heaven and who am I to refused?

Wala namang kaso sa akin ang pagbuhat niya at inihilig nalang ang ulo sa balikat niya, pagdating sa sasakyan ay hindi na niya ako binaba sa katabing upuan at bilang isang mabait na bata ay hindi nalang ako nagreklamo at natulog nalang lalo na at may amoy talaga si Papa na nakakaantok.

Sa nakalipas na pitong taon ay isa pa din akong tahimik na bata kaya naman siguro talagang pinagtutuunan ako ng pansin ng mga nakapaligid sa akin, siguro takot silang may mali sa akin? Gusto ko lang naman maging tahimik ih.

Uuwi kami at surprise yon, ayon kay Papa hindi alam ng mga kapatid ko na uuwi na ako.

Ang pag uwi kong ito ay talaga namang surpresa at nakakabigla kaya naman siguradong sobra ang magiging reaksyon ng mga kapatid ko lalo na at masyado silang madikit sa akin nitong nakalipas na mga taon.

Minsan tabi tabi kaming natutulog, lagi din akong kandong o buhat buhat ng isa sa kanila, minsan sinusubuan pa nila ako, ang sweet sweet pa nila pag kausap ako.

Mukha akong 3 years old sa paningin nila pero hindi naman ako nagrereklamo, ansarap din kaya sa feeling ng may nagb-baby sayo.

Ramdam kong tumigil ang sasakyan kaya naman umayos na ako at sa paglabas ni Papa ay buhat buhat pa din niya ako.

Sumalubong sa amin ang isang Jet at mga nakahilerang tauhan niya. Naglakad na papasok sa loob si Papa at nasa likuran lang namin sina Franc at Amione.

Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang isang eleganteng itsura ng Jet, para itong isang living room ang kaibahan nga lang ay may kama sa dulong bahagi.

Ibinaba ako ni Papa sa kama at dahil alam kong wala din naman akong gagawin ay mas mabuti pang matulog nalang ako.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero nagising nalang ako sa pagtapik tapik sa akin, bumungad sa akin si Papa at hindi na ako nagulat ng buhatin niya ako dahil wala pa rin ako sa tamang wisyo.

Nakakapagod ang byahe, bakit kaya ganon ano? Nakaupo o nakahiga lang naman tayo sa byahe pero pagod na pagod tayo matapos?

Muli kaming sumakay sa kotse, napatingin ako sa bintana at maliwanag pa din kaya naman mukhang naging mabilis lang ang byahe namin.

Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang pamilyar na gate at ang pamilyar na malaking Mansion.

Mula palang dito ay tanaw ko na ang bukas na malking pintuan at ang mga tauhan na nakahilera hanggang sa marating namin ang lugar na iyon.

Nang lumabas kami ay buhat buhat pa din ako ni Papa kasabay ang pagyuko ng lahat.

" Welcome back Master and Young Mistress. " Saad ng mga ito at saka umayos ng tayo, doon ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan sila.

Karamihan ng mukha ay ang mga mukhang nandidito noon at iilan lang ang bago.

Napadako naman ang tingin ko kay David at Ligaya na nakangiti sa akin ngayon. Yung peklat sa mukha ni Ligaya, alam ko na kung saan niya iyon nakuha.

Nakuha niyo iyon kay Papa ng malaman nilang nawawala na ako, salamat na ngalang at iyon lang ang nakuha niya eh. Tinanguan ko naman sila at mukhang wala lang iyon sa kanila.

" Where are they? " Tanong ni Papa kay David.

" They're still sleeping, Master. " Saad ni David, and they are pertaining to my brothers.

" I will wake them up. " Saad ko kay Papa na ikinatango naman niya saka ako ibinaba, hinalikan muna niya ako sa noo bago ako tuluyang nakaalis.

Umakyat na ako sa taas at walang nagbago sa Mansion na ito, kung anong nandidito noong umalis ako ay nandidito pa din.

Natigil lang ako sa pagmumuni muni ng marating ko ang isang pintuan, halos malapit lang dito ang kwarto ko at sa lahat ng kwarto ay ito ang pinakamalaki.

Bakit? Dahil magkakasama silang tatlo sa kwartong ito. Matatanda man sila ay may pagkaisip bata pa din sila at ayaw mapahiwalay sa bawat isa.

Ganon naman daw talaga pag Triplets kaya hindi ko na sila masisisi pa. Binuksan ko ang pintuan, bumungad sa akin ang madilim na kwarto at ang mabangong amoy, amoy na amoy lalaki at gaya ni Papa ay nakakaantok din ito.

Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang mga bulto na nakahiga sa kama.

Ano naman kayang ikinapuyat nila?

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon