Chapter 21

5.8K 311 11
                                    

Nakaramdam ako ng tuwa ng masilayan ko ang mukha ng tatlo ngunit nakakaramdam din ng lungkot dahil nakakatampo na ngayon lang sila dumating, kahit naman maganda ang pamumuhay ko dito ay sila pa rin ang gusto kong makasama.

Napatingin ako sa bagong pasok at nakita ko si Papa Yves at talagang bagay na bagay sa kanya ang itim na kulay.

Hindi halata na may apat na siyang anak ngunit agad din akong napangiwi ng makita si Vis na hila hila ng tauhan ni Papa at napakaraming dugo ang meron siya sa katawan.

Kilala ba nila sina Vis?

Naramdaman ko ang panginginig ni Franc at inilagay ang mukha ko sa leeg niya habang rinig ko naman ang pagbilis ng paghinga ni Amione.

Tahimik silang gumalaw pero huli na dahil nakita na nila kami dahil nanigas sa kinakatayuan nila sina Amione at Franc, paniguradong nagtama ang mga mata nila ni Papa, hindi pa rin talaga nagbabago.

Maya maya pa ang may mga lalaki na umakyat at kinuha ang baril nila ngunit hindi nila ako kinuha kaya naman napasimangot ako dahil pakiramdam ko mabibitawan ako ni Franc ng wala sa oras mamaya.

Nakarating na kami sa baba ngunit nananatiling ganoon ang pwesto ko, gusto ko mang gumalaw ay nababahala ako na madistract si Franc sa pagiging matatag at mabitawan niya ako dito.

" Annatillo! Leave them alone! " Saad ni Vis at ramdam ko ang galit sa tono niya.

" When did I become a saint? Leondre? " Tanong ni Papa gamit ang malamig niyang boses at lumala nga lang iyon sa hindi malaman na dahilan.

" Please, just let them g-go…. " saad ni Vis at hindi ko mapigilan na maawa sa kanya.

Sinubukan kong itaas ang ulo ko ngunit naramdaman ko nalang ang kamay ni Franc na pumipigil sa pagtaas ng ulo ko at akmang itataas ko muli iyon ng marinig ang isang malamig na tawa.

" Oh my, I didn't know that you will eventually beg to me just for them. " Saad ni Papa ngunit kahit naman tumatawa siya ay halata namang hindi siya masaya.

Pero ibig bang sabihin noon ay hindi ako ang ipinunta nila dito?

Muli na namang kumirot ang puso ko at mariin ko nalang ipinikit ang mga mata ko upang pigilan ang mga luhang nagnanais na kumawala.

Naramdaman ko nalang ang paglapit ng kung sino at ang paghigpit ng pagkakayakap ni Franc sa akin.

" Let's see… " Saad ni Papa kasabay ang pagwawala ni Vis at ang mga murang lumalabas sa bibig niya ay ibang klase.

" You have another dogs huh but there's seems a puppy. " Saad ni Papa na para bang wala lang kami para sa kanya.

"  Tsk. Let me see her face, young man. " Saad ni Papa at mukhang naka direkta iyon kay Franc dahol naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap niya maging ang mga pag-iling niya.

" I said let me se– " Natigil sa ere ang pagsasalita ni Papa  ng magtaas ako ng mukha at saka tumingin ng diretso sa kanya.

Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya, kita kung paano iyon bahagyang manginig habang nakatingin sa akin. Naputol naman ang pagtititigan namin ng may sumigaw.

" Lesha?! Lesha! "

Ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang na may tatlong braso ang nakayakao sa akin at sa totoo lang ay hindi ako makahinga.

Rinig ko naman ang singhapan ng iba lalo na sina Vis at anak niya, maging ang pagkagulat nina Amione at Franc.

Napatingin naman ako kay Papa ng marinig ang pangalan ko kahit na munting bulong pa ito.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang isa lang akong panaginip. Bigla nalang siyang lumapit sa amin at kinuha ako sa tatlo.

Napatingin naman ako sa kanya habang siya ay mahigpit na nakayakap sa akin ngunit hindi naman ako nasasaktan habang dinadamdam ang mga daliri niya sa pisngi ko.

" Ashlesha, my only daughter. Where have you been huh? Where were you all these 5 years? Do you remember me? I'm your father, not that bastard. " Saad ni Papa na sinang ayunan naman ng tatlo.

" And we're much stronger now so we can protect you. " Saad ni Adlai at mukhang hindi na siya iyong Adlai dati na mainitin ang ulo.

Remember?

Sinong magulang ang matinong magtanong sa anak niya kung naaalala pa siya nito lalo na at isang taon lang ako noong walang awa akong isinilid sa sako pagkatapos makuha ay hinubaran dahil sa yayamanin daw ang damit ko at maaaring maibenta.

Makakaganti din ako sa kanila!

Tinignan ko lang siya na para bang isa lang siyang stranger at hindi umimik, hindi rin naman siya umimik kaya naman nabalot ng buong katahimikan ang paligid hanggang sa magsalita si Vis.

" Ashlesha? Do you know her, Yves? " Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

" All this time, my daughter was in your hands? " Mahinahong tanong ni Papa pero sinong engot ang hindi makakaramdam na napakalamig noon at para bang may halimaw na lalabas anytime?

" Vhai…. " Saad ni Vlad kaya naman nalipat sa kanya ang paningin ko at naawa ako dahil kahit bata pa siya ay may mga sugat din siya at nababalutan ng dugo.

" Shut up!  Her name was Ashlesha and she's our sister! Not yours! " Sigaw ni Adlai, napakamaiinitin talaga ng ulo.

" Kill them. " Saad ni Papa na ikinagulat ko.

They become part of my life too, kung hindi dahil sa kanila malamang namatay na ako sa gutom o kaya ay naghihirap sa ibang tao, may puso naman ako at marunong tumanaw ng utang na loob.

" Down. " Saad ko at lahat ng atensyon ay napunta sa akin sa isang iglap.

It will be a long day.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon