Chapter 59

4.1K 223 17
                                    

" My Lady… "

Nagising nalang ako bigla at hindi ko inaasahan na sa pagmulat palang ng mata ko ay madaming tao ang darating at tatawagin akong 'My Lady'.

Hindi ko alam kung anong balak nila sa akin, kung nasaan ako at kung sino sila pero ramdam ko namang wala silang masamang intensyon sa akin kaya naman nananahimik lamang ako at pinagmamasdan sila.

Matapos nilang bumati ay nabalot ng katahimikan ang buong kwarto kaya naman inilibot ko na din ang paningin ko, saka ko lang napansin na maraming makinarya na pang hospital at sa kasamaang palad ay nakadikit sila sa akin.

Isa isa ko itong tinaggal ngunit hindi pa man ako nangangalhati sa pagtanggal ay nakaramdam ako ng kakaibang awra, at ito ay papalapit.

Base sa mga taong nakasalamuha ko, ang awrang ito ang pinakamalakas, mas malakas pa ito sa mga Kuya ko pero sa kabilang banda, hindi ako nakakaramdam ng kaba o masamang bagay.

Tinanggal ko na lahat ng nakakabit sa akin at habang tinatanggal iyon ay nakikita ko sa gilid ng mata ko na gusto nila akong pigilan ngunit walang lumapit at naglakas loob.

Matapos tanggalin ay pinagmasdan ko na ang pintuan at maya maya pa ay nagbukas iyon.

Sa kauna unahang beses, naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko na tila nilalagnat at ang nagkakarerahang tibok ng puso ko.

Ayaw kong maramdaman pero di ko mapigilang hindi damdamin.

" Who are you? " Tanong ko matapos makabalik sa sarili.

Naramdaman ko naman nalalong lumakas ang tensyon sa kwartong iyon kaya pinagmasdan ko ang mga taong sumalubong sa akin kanina at kita ko naman napatingin din ang gwapong lalaki na nakatayo ngayon sa harap ko sa mga iyon at bigla bigla na lamang itong mga nagsilabasan.

Hindi ko na pinansin pa ang mga iyon at muling pinagtuunan ng atensyon ang lalaking ito.

He's dark, he has dark tone and messy hair, very dark and cold eyes, a thick eyebrow, long eyelashes and a proud nose and lastly, those thin yet pink lips.

Is this love? I guess I'm in love!

" Lighton Xander Silveraz. " Saad ng lalaking walang emosyon ang mukha ngunit malalim na nakatingin sa akin.

Talagang napakagwapo niyang nilalang, hindi naman siya ganoon kaitim pero hindi iyon nakabawas ng kagwapuhan niya kundi isa iyon sa mga nakakaakit akit sa kaniya.

Nakasuot siya ng suit at nasa dalawang bulsa ang kamay niya at para siyang model sa tayo niya.

" Where am I? And Why am I here? " Tanong ko muli sa kaniya.

" My men see you floating in the sea. You're in my place and you've been unconscious for 3 weeks. " Saad naman niya at hindi ko na pinansin ang lalakinh nasa likudan niya na nakanganga at tila gulat na gulat.

Napatango tango naman ako sa sinabi niya, sa huling pagkakakaalala ko ay tumalon ako sa bangin para takasan ang nga taong iyon.

Maya maya pa ay nagitla ako nang pumasok sa isipan ko na tatlong linggo na akong walang malay at base sa ugali ng pailyang meron ako…

Hindi na ako magugulat kung may usapin tungkol sa kaguluhan ng mga Annatillo.

" I am Ashlesha Annatillo. Thank you for saving me Mr. Silveraz and I think I need to get back. " Saad ko at akmang tatayo na nang makita kong nasa harapan ko na siya at taimtim na nakatingin sa akin.

Muli ay napatitig ako sa maiitim at malalalim niyang mata na talaga namang nakakahumaling sa aking paningin.

" You should rest first then I will be the one who will send you to your family. Just inform me if you need something. Rest for now. " Saad niya at halata namang tutol siya sa planong pag-uwi ko kaagad.

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya maging ang lalaking kasama niya na gulat na gulat pa rin ang ekspresyon.

Humiga akong muli at napabuntong hininga saka pumasok sa isipan kong hindi man lang niya tinanong kung sino ako, mukhang kakaiba din ang buhay na meron siya.

Hindi ko namalayan na unti unti na akong natatangay ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na inihatid kanina sa kwarto at hanggang ngaon ay hindi ko pa din ito nauubos lalo na kung ang ipinadalang pagkain sa akin ay tila pagkain ko sa loob ng tatlong araw ngunit sa tingin ko ay tama lang ito lalo na at tatlong linggo na akong walang malay.

Mula sa tulog ko kagabi ay ramdam ko naman na may lakas na ako sa aking katawan kaya naman dahil wala na ding nakakabit sa akin na kung ano ano ay tumayo na ako at binabalak na bumaba para na din tignan ang lugar na kinalalagyan ko.

Bumaba na ako ng kama at inayos muna ang buhok aaka dahan dahang lumabas.

Pagkalabas ko ay agad na sumalubong sa akin ang maliwanag na hallway at sinundan ko naman ang pulang carpet nito, bawat dingding ay may iba't ibang painting ang kaso lang ay…

Puro mga brutal na pagpatay ang mga nakapinta.

Masasabi kong napakagaling ng nagpinta nito dahil kuhang kuha lahat ng detalye at sa palagay ko, may ibang klaseng pagkatao talaga si Light para magkaroon siya ng ganito sa bahay niya.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa may hagdanan ngunit hindi ko aakalain na iyon ang bubungad sa akin.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon