Mula sa kwarto ay bumungad sa akin ang mukha ng tatlo kong Kuya at hindi ko mapigilan na muling mapapikit sa mga halik na binibigay nila kaya naman ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaan sila total ganito din naman ang gawa nila sa akin noon para magising ako.
Mukhang kanina pa din sila gising dahil hindi pa ganoon katuyo ang mga buhok nila. Matapos ng madaming session ng halik at buhat buhat ako ni Kuya Adlai pababa.
Hindi pa din ako nakakapagpalit ng damit pero mamaya nalang siguro dahil malabong pakawalan ako ng tatlong ito, ayaw ko din namang sirain ang maganda nilang mood kaya hayae na.
Nang makababa kami ay nadatnan namin si Papa sa Sala ngunit may unwanted visitor ata kami. Sinong nakakaalala kay Ms. Suzy? Nasa Chapter 11 siya sabi ni Author.
Elegante siyang nakaupo sa sofa namin habang umiinom ng tubig. Hehe lahat kasi ng juice ay para lamang sa akin kaya magtiyaga ka sa tubig Ms. Suzy.
Agad naman naming nakuha ng mga kapatid ko ang atensyon ni Papa habang si Ms. Suzy naman ay nakatingin kay Papa wari ko ay nangangarap siya ng gising.
Agad namang lumiwanag ang mukha ni Papa at nakita ko din ang pagliwanag ng mukha ni Ms. Suzy.
Ano kaya ang iniisip niya?
Nang makarating kami sa harap nila ay saka naman nabaling ang atensyon ni Ms. Suzy sa amin na para bang bigla lang kaming lumitaw mula sa kung saan.
Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Hinahabol pa din ba niya si Papa? Aba, hanga din naman ako sa pagiging matiyaga niya, hindi naman siguro halatang patay na patay siya kay Papa di ba?
Umupo din sa sofa ang mga kapatid ko habang ako naman ay kinuha ni Kuya Abram kay Kuya Adlai at pinaupo sa hita niya.
Umayos naman ako ng upo para maging komportable ako at saka tumingin kay Ms. Suzy na malawak na nakatingin sa akin, may binabalak siya.
“ Oh, is that you Lesha? ” Tanong niya na hindi ko sinagot at kailan pa kami naging close para tawagin niya ang nickname ko?
Sa isang saglit ay naramdaman ko ang pagbigat ng paligid at kita ko ang itim na bagay sa katawan ng mga kapatid ko at maging si Papa ay nakakunot ang noo at mukhang magkakapalit na ng pwesto sa noo niya yung kaliwa at kanang kilay niya.
Heh, as expected from my family, may pagka overprotective sila na medyo possessive pero wala namang kaso sa akin iyon. Masarap sa pakiramdam na ipinagdadamot ka at sobra-sobrang alagaan.
“ I believe you don’t have any connection to my sister. ” Saad ni Kuya Adlai na nakapapawala ng ngiti sa labi ni Ms. Suzy at hindi din nakaligtas sa akin ang saglit na paninigas niya pero agad din iyong nawala at ngumiti ulit siya.
“ Are you hungry? ” Tanong ni Kuya Abram sa akin at hinimas ang tyan ko.
Sa pagtatanong niyang iyon napatingin silang lahat sa akin at dahil sanay na ako hindi ko na kailangang mailang o mahiya.
Napatingin ako kay Kuya Abram at tumango na siya namang ikinabago ng awra sa paligid.
Sa isang saglit ay nasa tabi na ni Papa si David at nagdidikta ng mga pagkain na sinasabayan naman ng mga kapatid ko habang sa kabilang banda naman ay nakita ko ang naiiritang ekspresyon ni Ms. Suzy sa mukha niya.
Pinigilan ko nalang matawa at itinuon kay David na may mahaba ng listahan na hawak hawak sa kamay niya, mauubos ko kaya lahat yon?
Kasalukuyan kaming nasa hapag at kalong kalong ako ni Kuya Aarva habang sinusubuan anman ako ng dalawa ko pang kapatid.
Kasa-kasama din namin sina Papa na nanonood sa amin maging si Ms. Suzy na hindi naman namin inaya pero umupo sa upuang malapit kay Papa.
Napapailing nalang ako, halata namang ayaw sa kanya ni Papa at maging ng mga kapatid ko pero lapit pa din siya ng lapit.
Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero parang ganon na nga lalo na at pilit niyang pinagsisiksikan yung sarili niya sa amin kahit halata namang ayaw naming lahat sa kanya.
Matapos naming kumain ay hinayaan na muna nila akong umakyat sa taas at magpalit ng damit.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay wala pa ring ganoong nagbago maliban nalang na wala ng mga laruan dito kundi puno na ito ng mga bagay bagay na ginagamit na ng mga kabataang nasa edad ko gaya ng mga gadgets at kung ano ano pang hindi ko naman ginagamit ngunit maaaring magamit ko sa hinaharap.
Matapos maglinis ng katawan ay namangha pa din ako sa dressing room ko dahil kung dati ay marami na itong laman, may dumami ngayon at may mga make up ng nakahilera at mga pang ayos ng buhok na ikinailing ko nalang.
Masyado na akong spoiled sa kanile pero gusto ko din namna kaya hayaan na natin iyan dyaan.
Ngayong nakabalik na ako dito ay siguradong mas magiging exciting ang takbo ng buhay ko. Tignan natin kung sino sino ang maglalakas loob na saktan ako…
Ang nag-iisang Prinsesa ng Annatillo.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...