Chapter 14

6.1K 316 10
                                    

‘TIED FATES’

Ang unang librong nabasa ko pero saulo ko na buong kwento.

Tungkol sa isang mayamang batang babae na si Amione na nakidnap noong sampung taon palang ito at nakilala niya si Franc na isang batang tagalinis sa lugar na kinalalagyan niya.

Tinulungan ni Franc na tumakas si Amione ngunit naawa si Amione sa isang sanggol kaya naman gusto niya din itong isama pero nahuli sila.

Dahil sa pagkakahuli nila ay mas pinaigi pa ang pagkakakulong sa kanila habang binugbog naman si Franc ng mga lalaki doon ngunit bago pa man siya mabugbog nag usap muna sila ni Amione na babalik si Franc para tulungan siyang tumakas pero sa huli ay hindi siya nakabalik.

Isang buwan ang itinagal doon ni Amione at inaalagaan niya din ang sanggol na iyon lalo na at napakaganda nitong bata.

Mahimbing ang pagkakatulog noon nina Amione ng biglang may mga dumating na pulis at iniligtas sila pero naiwan niya ang batang sanggol, sa huli ay wala siyang nagawa.

Lumipas ang mga taon at malaki na siya ng muli niyang makita si Franc, isa ng kilalang modelo si Franc kaya naman noong naging sila ay maraming tumutol lalo na ang pinsan ni Amione na si Kira na may gusto din kay Franc.

Nasubok yung pagmamahalan nila pero sa huli ay naging sila pa din.

At ngayon, nasa harapan ko si Amione! At ako lang ang nag iisang sanggol na kasama niya! Wag niyong sabihin na ako ang sanggol na iyon?! Ibig bang sabihin ay isa akong Cannon Fodder?!

At bakit parang hindi maganda yung naging role ko sa kwento? Dahil sa akin hindi sila nakatakas agad!

Napatingin naman ako kay Amione ng imulat niya ang mga mata niya at agad na nagtama ang mga paningin namin.

Kahit ambata pa ni Amione ay napakaganda niya at napakabait pa kaya naman bagay na bagay talaga siyang maging bida ng librong iyon. Nagtititigan lang kami ng bigla siyang lumapit sa akin.

Wala naman akong ibang magawa kundi manood sa mga galaw niya at hindi na ako nagulat ng kurutin din niya ang mga pisngi ko at muntikan na akong mabulag ng maglabas siya ng makakasilaw na ngiti.

“ You’re so cute and fluffy but why are you naked? ” Saad nito at naalala ko ang nangyari kanina.

Bago nila ako ilagay dito ay nagulat nalang ako ng hubadan nila ako at tinanggal ang mga alahas na nakakabit sa katawan ko.

Gusto daw nilang ibenta kaya kinuha nila at dahil daw ipinagkatiwala na niya ako sa kanila ay ibebenta nalang din daw nila ako.

Hindi ko alam kung sinong ‘niya’ iyon pero napakawalang puso niya naman para gawin sa akin ito! Sobrang nakakalungkot na, na hindi ako naka attend sa sarili kong birthday party pero sobrang kahihiyan naman nang hubadan ako nitong mga alagad niya.

Kaya eto, naiwan este iniwan nila akong hubad! Buti nalang at may diaper pa ako dahil kung wala ewan ko nalang.

Napatingin ako kay Amione ng bigla niyang hinubad ang suot suot niyang palda at manlalaki na sana ang mga mata ko nang makitang may suot suot pala siyang leggings na nakalupi lang.

Itinupi niya ang palda niya at saka ipinatong sa akin na para bang kumot.

Kinulit kulit na din niya ako ngunit wala sa kanya ang atensyon ko kundi sa magiging plano ko.

Kailangang hindi mapahiwalay sa akin si Amione dahil sabi sa kwento pinaghiwalay ang mga kwarto na kinalalagyan namin kaya naman ng tatakas na sina Amione at naalala ako ay natagalan sila dahil sa paghahanap ng kwartong kinalalagyan ko.

Pero paano? Anong gagawin ko para hindi kami magkahiwalay?

Biglang may pumasok na ideya sa isip ko na naging dahilan para mapunta kami sa ganitong lugar.

“ Baby don’t cry na ah? An dito na ako. ” Saad ni Amione at hinele hele pa ako.

Hindi ko naman mapigilan ang mahiya dahil sa ginawa ko kanina.

Nang paghihiwalyin kami ay pumalahak ako ng iyak at noong hindi nila ako napatahan ibinaba nila ako sa lapag kaya naman gumapang ako papunta kay Amione at saka tumigil ng pag iyak.

Nakakahiya.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon