Gaya nga ng pangako ng tatlo kong Kuya ay inikot namin ang buong bulding pero hindi ko masabi kung naging masaya ba ako o hindi lalo na at lahat ng pinupuntahan o dinadaanan namin ay walang tao miski isa.
Daig pa nito ang uwian sa gabi dahil bukod sa walang tao, napakalinis pa. Hindi ko alam kung paano nangyari na walang tao lalo na at nang dumaan ang sasakyan namin kanina papunta dito ay may nakita akong gwardya pero ngayon ay wala na.
Imposible namang maglaho nalang sila ng bigla hindi ba?
Alam ko namang kagagawan ito ng tatlo kong Kuya pero bakit nila ako tinatago kahit na mukhang yung mga empleyado nila yung tinatago nila?
Napatingin naman ako sa taong may buhat buhat sa akin ngayon, si Kuya Abram na agad din namang may mga ngiti sa labi.
“ Where are they? ” Tanong ko at kita ko namang napalingon din sa amin ang dalawa ko pang Kuya.
“ They? Oh, the employees. ” Saad nito at nagmamaang maangan pa sa simula ngunit tumango nalang ako sa kanya.
“ Ahm they are on break. ” Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
Paanong nasa break sila kung wala naman akong nakitang kahit na sino sa Cafeteria nila? Wag nilang sabihin na pinakain nila lahat ng mga empleyado nila sa labas?
“ Fine, they are eating outside. ” Biglang saad niya muli nang makitang magkasalubong ang dalawa kong kilay.
“ It’s just that we are protecting you okay? We don’t want anyone to see you, it’s dangerous they may take you away from us. ” Saad ni Kuya Adlai ngunit hindi ko nasakop ang huli niyang sinabi ngunit binaliwala ko nalang iyon at napabuntong hininga.
Minsan masarap magkaroon ng mga Kuya na sobrang protective pero minsan sumosobra din pero wala namang kasa sa akin iyon.
Alam ko naman na para din iyon sa kapakanan ko kaya mas mabuting hayaan ko nalang at hangga’t walang nadadamay na inosenteng tao hahayaan ko nalang ang mga Kuya ko na gawin ang kung ano ang sa tingin nila ay tama.
“ Okay… ” Saad ko nalang at hindi na ako nagulat ng halikan ako ni Kuya Abram sa Pisngi at nagpatuloy na kami sa pag-iikot ng paligid.
Hindi ko alam kung ilang oras naming nilibot yung buong building at inabot na kami ng paglubog ng araw pero masaya naman ako dahil dito. Masaya ako dahil alam ko na kung anong lugar ang pinagtatrabahuhan ng mga Kuya ko.
Ngayon ay pababa na kami ng elevator para umuwi at nasisigurado kong may palabas na magaganap mamaya lalo na at umuwi si Alena ng hindi ako kasama. Paniguradong hindi na naman magiging matiwasay ang hapunan namin mamaya.
Napiling iling nalang ako sa naisip at inihanda ang sarili para sa nalalapit na palabas pagdating sa bahay. Nahing mabilis lang ang byahe at mabilis kaming nakarating sa bahay.
Pumasok na kami sa loob at hindi na ako nagulat ng madatnan si Mama at Alena na nasa may Sala.
Inaalo ni Mama si Alena na mukhang hindi ata nauubusan ng tubig sa katawan dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa.
Hindi naman sa inaasar ko siya o ano pero sa sobrang pula ng ilong at mga mata niya oara siyang nakadrugs o di kaya ay hindi natulog ng isang linggo.
Mukha namang naramdaman ng mga ito ang pagdating namin at sabay pa silang tumingin.
Sumama agad ang tingin ni Alena ngunit ng maounta ang mga tingin niya sa mga taong nasa likod ko ay umisod siya papalapit kay Mama na may maliit na ngiting nakatingin sa amin.
" Nakarating na pala kayo, tamang tama at malapit na tayong kumain ng dinner. Mas mabuti kung magpalit na muna kayo ng damit bago tayo kumain. " Mahinahon niyang saad na ikinakilos ko nalang din at sumunod din naman ang mga Kuya ko.
Nagpalit ako ng damit at bumaba na dahil paniguradong ako nalang ang kulang sa lamesa.
Pagkababa ko ay hindi nga ako nagkamali na ako nalang ang kulang sa hapag kainan.
Napunta naman ang mga tingin nila sa akin, lumapit muna ako kay Papa para bumati na ikinangiti naman nito saka ako umupo sa upuang nasa gitna nina Kuya Aaraav at Kuya Abram.
Nginitian ko naman sina Kiya Franc at Ate Amione na nasa hapag na.
Nagsimula na kaming kumain at tuwing nababawasan ang pagkain sa plato ko ay agad din itong pinupunan ng dalawa kong katabi na wala na namang kaso sa akin dail sanay na ako.
Sa gitna ng pagkain namin ay nagsalita si Papa at mukhang dito na magsisimula ang munting palabas.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...