Masyado na akong nabobored dito sa loob ng bahay at wala din naman akong makausap dahil nasa kanya kanyang meeting sina Papa at mga Kuya ko.
Sina Franc at Amione naman ay nagpapahinga sa kwarto nila habang sina Mama at Alena naman ay hindi ko alam kung nasasaan.
Lumabas na muna ako ng bahay at nagtungo sa isang burol dito sa Isla, nakita namin siya noong nag ikot kami at iyon ang pinakamagandang pwestuhan para sa paglitaw at paglubog ng araw.
Hindi na din ganoon kadami ang nagbabantay dito dahil nakompirma na walang kahit anong mababangis na hayop sa lugar na ito kaya karamihan ng mga nagbabantay ay nasa pangpang para magmasid na din sa dagat kung sakaling may mga kalabang dumating.
Matapos ng mahaba habang paglalakad ay narating ko na din ang lugar na iyon.
Umupo ako sa dulo nito at nilanghap ang amoy dagat na hangin, mula sa taas ay makikita mong ang baba nito ay mga batuhan at tubig na kaya pagnalaglag ka, swerto mo kung buhay ka pa.
Pinagmasdan ko ang tanawin at inalala ang mga nakaraan sa una kong buhay.
Mag isa lang ako noon sa buhay, walang kaibigan o kahit boyfriend wala din naman kasing nagkakagusto sa akin dahil weird ko din daw dahil mahilig ako sa kutsilyo at ang sabi mas gusto daw ng mga lalaki yung mga dumedepende sa kanila.
Kuntento ako noon kahit na iniwan lang ako ng mga magulang ko sa mundo, kuntento akong mag isa pero eto nga nangyari ang bagay na di ko inaakala.
Napunta ako sa mundong ito bilang isang baby at lumaking Prinsesa kahit na medyo madrama ang buhay ko. Ayos ang lahat at sa tingin ko lalaki naman akong mabuti?
Siguro tatanda nalang din akong mag isa o baka ipa arrange marriage din ako ni Papa pero medyo malabo iyon lalo na kung 14 na ako pero parang 5 lang ako sa mga mata nila.
Hintayin ko nalang siguro yung panahon na iyon at kung sakali lang mag isa ulit ako ay ayos lang, sanay na naman ako at hindi na din iyon masama.
Bahala na si Tadhana.
Masarap ang pagmumuni muni ko ng makarinig ng kaluskos mula sa kung saan kaya naman hinarap ko ito at agad na nakita si Alena.
Nakatingin siya sa akin saka nagbaba ng tingin, taas kilay naman akong nakatingin lang sa kaniya hanggang sa umupo din siya sa kinauupuan ko pero medyo malayo siya.
Hindi ako nagsalita at hindi din siya nagsalita kaya tahimik lang kaming dalawa hanggang sa bumuntong hininga siya na ikinatingin ko sa kanya ngunit sa dagat siya nakatingin.
" Noong bata pa ako, nakatira lang kami ni Mama sa maliit na hulugang bahay. Para makabayad sa renta kailangang magtrabaho ni Mama ng walang tigil at natuto akong kumain ng akin, maglinis at maglaba para bawas sa gawain ni Mama. Para din may dagdag kaming pera pinilit ko si Mama na payagan niya akong mangalakal dahil uso yon sa lugar namin. At para pumayag siya iniyakan ko pa siya noon. "
Natatawa niyang kwento habang ako naman ay namamanghang tumngin sa kanya, una ay napagdaanan niya pala iyon at pangalawa ay mahinahon at tumatawa pa siyang nakikipag usap sa akin, hindi kapani-paniwala.
" Nangalakal ako at madalas na napapaaway dahil sa mga batang nang aagaw ng mga bote kaya naman lagi din akong may sugat na umuuwi sa bahay. Hindi ko pa noon alam na may kakambal ako hanggang sa narinig kong umiiyak si Mama isang gabi at may hawak hawak siyang litrato. Siya yon habang may katabing dalawang sanggol at doon ko nalaman na may kakambal ako at kinuha siya ng kaibigan ni Mama na ikaw pala. Mula noon naisip ko na baka gaya din kita, baka naghihirap ka kaya sabi ko kailangan kong mangalakal ng ayos para pag nakita kita bibilihin ko ang gusto mong laruan dahil sabi ni Mama ako daw yung unang lumabas sa kanya kaya ako yung Ate mo. "
" Kahit napapaaway ako, kahit masakit katawan ko, kahit nagugutom ako nag ipon ako, inipon ko lahat ng pera na kinikita ko at itinatago ang karamihan pambili ng laruan mo. Pero lahat ng yon ay nagastos ko din dahil isinugod sa hospital si Mama sa sobrang pagtatrabaho kaya naman nalungkot ako ng sobra kaya nag ipon ulit ako kahit nag-aaral tinitipid ko yung sarili ko. Kahit sira na yung sapatos ko, nag ipon pa din ako hanggang sa nalaman ko na lang kung nasaan ka. " Patuloy niya at tumingin sa akin, kita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo.
" Nalaman nalang namin na nandito ka pala kay Daddy, nalaman kong maganda yung buhay mo. Lahat ng wala ako meron ka, hindi ka naghihirap gaya ng inaakala ko. Masarap ang buhay mo habang kami naghihirap, naisip ko nalang na napakaduga naman dahil masaya ang buhay mo habang kami ay hindi. "
" Bakit ganon? Bakit kami dapat yung maghirap tapos ikaw masarap ang buhay mo tapos may Papa ka pa pati mga Kuya. Hindi mo naranasang magutom o makipag away para sa kikitaing pera. Iniisip mo kaya ako nung iniisip kita? " Patuloy niya pa.
" Bakit ikaw yung nandito at hindi ako? "
----🌟
For those who are asking about the updates in ROTV, hindi po muna ako makakapag update doon. Pagtutuunan po muna natin ng pansin ang storyang ito.
Salamat!
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...