Walang nagbabantay sa amin kaya naman maayos kaming nakakakilos. Tahimik din kaming nakapuslit sa guard kanina ngunit buti nalang ay hindi ito nagising.
Gusto niyo bang malaman kung anong nangyari? Well, isang linggo na kami ni Amione sa loob ng kwartong pinaglalagyan sa amin.
Pinapakain namna kami ng ayos pero ayaw ko pa din sa kanila lalo na ng sabihin nilang malapit na ang auction at ibebenta na nila kami.
Nakilala din namin si Franc noong isang araw at gaya nga sa libro, maliit siya at payat pero malakas ang loob lalo na noong yayain niya si Amione na tumakas, hindi siya nagdalawang isip na tulungan kami kahit na mapapahamak siya.
At dahil nga kasama nila ako ngayon, hindi kami nagtagal sa pagtakas at hindi kami nahuli ng kahit na sino. Tuluyan na kaming nakalayo sa building na pinagdalahan sa amin.
Namangha pa nga ako ng makita ang lugar, dahil sa labas ay para itong normal na building lang pero sa loob puno ng mga makasalanang tao.
“ I need to go home. ” Saad ni Amione at parehas kaming napatingin sa kanya ni Franc.
Napatingin ako sa kanya dahil gusto kong isama niya ako, ayaw konng maiwan dito at napatingin sa kanya si Franc dahil hindi nga pala siya nakakaintindi ng salitang English.
Mukha namang napansin ni Amione ang tingin namin at biglang may lumitaw na ngiti sa labi niya.
“ Nag-iisang anak lang ako at gustong gusto ng kapatid kaya sasama kayo sa akin. ” Saad niya na ikinatuwa ko pero ikinagulat ni Franc.
“ P-pero hindi pwede… ” Saad ni Franc kaya napatingin kami sa kanya na ikinapula ng mukha niya.
“ Bakit? May iba ka pa bang pupuntahan? ” Tanong ni Amione habang nakataas ang isang kilay.
Woah. Ten years old lang ba talaga ang batang ito?
“ W-wala… ” Sagot ni Franc na ikinangiti ni Amione saka ako tinignan.
“ Good, muka ngayon kapatid ko na kayo at sigurado akong matutuwa sina Mommy and Daddy. ” Saad niya at halatang nag-iimagine siya.
‘Mommy and Daddy…’
Teka kung sasama ako sa kanya paano si Papa saka ang tatlong kong kapatid? Panno kung hinahanap na pala nila ako?
Nagsimula na akong maglilikot sa kamay ni Amione pero naawa nalang ako ng makitang nahihirapan siya. Kahit namna gaano katalino at kalakas si Amione ay isa pa din siyang bata at siguradong nahihirapan siya lalo na at kanina pa niya ako buhat buhat. Pero si Papa…
“ Sa ngayon, kailangan na muna nating makalayo dito at kailangan ko ng cellphone para tawagan sina Mommy. ” Saad ni Amione at nagsimula ng maglakad wala namang ibang magawa si Franc kundi ang sumunod kay Amione.
Lumipas ang oras, maliwanag na at sumikat na si Haring Araw pero naglalakad pa din kami. Patigil tigil din kami at dahil isa pa akong sanggol pag pagod na si Amione at ipinapasa niya ako kay Franc ganoon din si Franc kay Amione pero sa aming tatlo ako yung napapagod sa kanila eh.
Nakailang oras pa kami ng lakad hanggang sa nakaramdam na ako ng gutom pero buti nalang bago kami tumakas ay naisipan ni Franc na magdala ng pagkain at tubig dahil sa palagay ko, hindi pa kami nakakaalis dito ay mamamatay kami sa gutom.
Maya maya pa ay may natanaw kaming isang bahay at napatili nalang ako sa tuwa ng malamang hindi lang iyon iisang bahay, kundi sunod sunod na ang mga bahay na nakatayo. Sa wakas, makakapagpahinga na din.
Akmang titingin ako kay Amione para ipagpatuloy niya ang paglalakad ng makarinig kami ng tunog ng kotse mula sa di kalayuan at sabay sabay kaming napatingin doon.
Ganooon nalang ang panlalaki ng mata namin ng makitang kasamahan iyon ng mga taong kumuha sa amin.
Patay.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
ФэнтезиShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...