Isang linggo mula nang malaman kong may Ina at kakambal pala ako ang nakalipas. Hanggang ngayon ay nagpapahinga pa din ako pero nitong mga nakalipas na araw ay masasabi kong madaming pasabog na naganap.
Gaya na lamang ng tunay na dahilan kung bakit ako nahiwalay sa nanay at kakambal ko.
“ Kaibigan ko si Monica ngunit hindi ko akalain na kukuhain niya ang anak ko ng malaman niyang ikaw ang ama ng dinadala kong kambal. Isang beses, kinailangan kong ipatingin sa Doctor si Maria dahil may sakit siya pero pagbalik ko wala na si Monica. Sinubukan ko siyang hanapin pero wala akong sapat na pera at hindi ko alam kung saan siya napunta. ”
Iyon ang kwento niya kay Papa at halata namang kakambal ko nga siya ay tinanggap sila dito at pinalitan ang pangalan ng kakambal ko. Mula sa pagiging si Maria Ysabelle patungo sa Alena Ysabelle Annatillo. At si Mama naman…
“ Baby, I’m sorry for keeping this from you but it’s for your own good too and Lesha your Mama and sister will be staying here and now, you have a Mama but me and your Mama don’t love each other so we can’t marry but I promise to give you a happy family, alright? ”
Iyon ang binitawang salita ni Papa na hindi ko naman inayawan pa dahil naiintindihan ko sila, hindi naman porket siya ang Mama ko ay kailangan na siyang pakasalan ni Papa at kung tatanungin niyo ako...
Bilang isang ulila noong unang buhay ko at idagdag pa ang 13 years na buhay ko dito without a presence of mother, mas pipiliin ko kung hindi na siya sumulpot hindi ba?
Hindi niyo naman ako masisisi pero iyon yung mindset ko, at saka sa sinasabi ni Papa na bibigyan niya ako ng masayang pamilya ay kontento na ako sa kanila nina Kuya, nina Amione at lahat ng tao dito sa Mansion maging ang mga taong nakasama ko sa England.
Masaya na ako sa pmilyang meron ako pero kung may dadagdag man ay ayos lang sa akin basta walang mangyaring masama o gawing hindi maganda yung tao dahil hindi ako magdadalawang isip na burahin siya sa pamilya namin.
Tungkol naman sa kakambal ko, talagang kakambal ko nga siya dahil kamukha ko siya pero masasabi kong magkaiba talaga kami ng buhay na kinagisnan at hindi din naman lingid sa akin na may nararamdaman siyang hinanakit sa akin siguro ay gaya sa mga librong nababasa ko na may hinanakit siya dahil ako nabuhay sa marangyang pamilya habang siya ay naghihirap sa buhay kasama ang Mama namin pero hindi ko naman ginustong mangyari iyon kaya mas mabuting iwasan ko nalang siya dahil may posibilidad na mas lumala pa ang galit na meron siya.
Tungkol naman sa nangyaring aksidente na pagkahulog ko sa hagdan, sinabi ko nalang na hindi ko naaalala ang nangyari sa akin.
Alam ko namang itinulak ako ni Alena pero ayaw ko nang dagdagan ang sama ng loob niya sa akin kaya naman palalagpasin ko siya ngayon.
Kasalukuyan akong nasa opisina ni Papa, abala siya sa pagtatrabaho ngunit ramdam ko ang ilang beses niyang pagsulyap sa akin habang ako naman ay nanonood lamang sa Laptop habang kumakain ng Chocolate Cake na dala dala ni David kanina na sinamahan pa ng french fries ni Ligaya.
Speaking of Ligaya ay muli na ulit niya akong pinagsisilbihan pero hindi niya ako masyadong naintindi these few days dahil ang umaasikaso sa akin ay ang pamilya ko lalo na si Mama na mukhang bumabawi sa akin ngunit nadadagdagan naman ang galit sa akin ni Alena na ikinabuntong hininga ko nalang.
Ang mga Kuya ko ay nasa Company nila at kanina lang silang pumasok at speaking of them, halatang halata naman na sa nakalipas na isang linggo ay hindi nila kinakausap si Mama maliban nalang kung may kinalaman ito sa akin at kita ko din kung paano nila iwasan ang kakambal ko maging ang mainit na tingin nila sa kakambal ko.
Mukhang pinaghihinalaan nila si Alena ang nagtulak sa akin pero mas mabuti kung hindi nalang nila ito alalahanin.
Ayon naman kay David, sa nakalipas na tatlong taon na paninirahan nila dito at bihira talagang magtagpo ang landas nilang apat ay hindi naman ako magtataka kung bakit dahil halata namang walang amor ang tatlo kong Kuya sa kakambal ko.
Napatingin naman ako sa pintuan ng office ni Papa ng makarinig ng mga papalapit na yapak at base sa lakas nito ay ang kakambal ko itong si Alena dahil lahat ng naririto ay mahina ang mga yapak na maging si Mama ay ganoon din pero hindi kasing galing ng iba sa Mansion.
Maya maya pa ay nakarinig na ako ng katok at tumingin kay Papa na mukhang alam din kung sino ang nasa likod ng pintuan.
“ Come in. ”
Saad ni Papa at isinantabi muna ang mga papeles na ginagawa niya kaya maging ako ay napaayos ng upo hanggang sa bumukas ang pintuan at unti-unting bumungad sa amin ang mukha ng kakambal ko, nakangiti man ay hindi nakaligtas sa akin ang galit at inggit sa mata niya ng magtagpo ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...