Chapter 23

5.9K 288 7
                                    

Ilang oras siguro ang lumipas nang makaalis kami sa Mansion nina Vis at kanina ay may tumawag kay Papa, dahil malapit ako sa kanya ay narinig ko na tungkol iyon kina Vis at Vlad.

Tinanong ng lalaki si Papa kung anong gagawin sa dalawa at halos lahat ng santo ay dasalan ko na para walang mangyaring masama sa kanila.

Nang tanungin ng lalaki si Papa ay tumingin muna sa akin si Papa ng mabuti bago ako bigyan ng halik sa noo at napabuntong hininga.

" Leave them, I don't need to meddle myself with them anymore. It's their reward after taking care of my daughter. " Saad ni Papa at pinutol ang tawag.

Nakahinga ako ng malalim dahil doon at saka napahiling nalang na sana hindi na muling mag krus ang landas namin dahil hindi ko alam kung sa susunod ay wala ng gagawin si Papa sa kanila.

Matapos niyon ay nakaramdam na ako ng antok hanggang sa hinayaan ko nalang ang sarili kong tangayin sa mundo ng panaginip.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas pero ang alam ko lang ay nakahiga ako sa malambot na kama at ganon nalang ang gulat ko ng biglang may brasong yumakap sa akin mula sa likuran.

Agad akong napamulat at napatingin sa brasong iyon hanggang sa naamoy ko ang pamilyar na amor, si Papa.

Dahan dahan akong humarap ngunit nagulat ako ng magtama ang mga mata namin.

Kanina pa ata siya gising at nakatingin sa akin, hindi ko alam kung mawiwirduhan ba ako o natutuwa dahil mukhang ganoon na lamang ang pagkamiss niya sa akin.

Maya maya pa ay nagsalita na siya at tinapik tapik ang hita ko.

" I know you're tired but you need to eat. " Saad niya at wala naman akong nagawa kundi tumango.

Bumangon na siya at inalalayan din akong bumangon saka ko lang napansin na nasa isang kwarto kami na purong itim, parehas sila ng theme color ng bahay nina Vis.

Inayos niya ang gusot gusot kong damit saka ako marahan na binuhat at lumabas ng kwarto.

Kahit na anim na taon na ako ay napakaliit ko para sa edad ko lalo na habang hawak hawak niya ako, para akong apat na taon lang pero wala naman akong magagawa para baguhin ito.

Naglakad kami sa pamilyar na Hallway at talaga ngang nakabalik na ako, wala namang pagbabago maliban nalang sa mas rinig ko ang katahimikan na tila ba ay walang katao tao.

Bumaba na kami sa pamilyar na hagdanan at natanaw ko ang malawak na likod ng Mansion ngunit nagulat ako ng makitang lanta ang mga halaman at napabayaan na ito.

Kung walang nag-aalaga niyon ay ako ang papalit!

Aalagaan ko sila ng mabuti hanggang sa mapuno ng magagandang halaman ang lugar na iyon!

May kahabaan pa ang nilakad ni Papa hanggang sa narating namin ang isang pintuan at alam kong Dining Room na iyon.

Binuksan ni Papa ang pintuan at bumungad sa amin ang tunog ng mga kutsara ang plato, bukod doon ay wala ng ingay pa.

Napakatahimik.

Nakita ko namang nandito ang mga kapatid ko maging sina Amione at Franc.

Lahat sila ay tahimik na kumakain hanggang sa pumasok kami at lahat sila ay napatingin sa amin, nakita ko ang saka ng tatlo kong Kuya habang napahinga naman ng malalim sina Amione at Franc.

Nakita ko namang iba na ang damit nila at magara iyon, halatang mamahalin.

Siguradong hindi sila maghihirap dito hangga't wala silang ginagawang mali o ikakapahamak ng mga naririto.

Umupo si Papa at inuupo niya ako sa kandungan niya, hindi naman bago sa akin iyon lalo na at nakasanayan ko na din dahil kay Vis kaya nga laging masama ang tingin ni Vlad sa kanyang ama dahil gusto niya din iyong gawin pero maliit pa din siya gaya ko.

Maayos kaming napaupo ngunit wala pa ding lumilikha ng ingay pero ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin at kitang kita ko ang ngiti ng mga kapatid ko.

Napatingin naman ako ng pumasok ang isang pamilyar na mukha ngunit may peklat siya sa pisngi, wala naman siyang pejlat noon sa mukha, paano nangyari iyon? May nangyari ba habang wala ako?

What happened to Ligaya?

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon