Chapter 30

5.3K 314 13
                                    

Pumunta ako sa bintana saka hinila ang mga kurtina sa gilid, doon nagkaroon ng liwanag sa buong kwarto ngunit tila hindi apektado ang tatlong lalaki na tulog na tulog.

Napanguso nalang ako pero lumapit pa din sa kanila at nakitang masarap ang tulog nila, nakakakonsensya naman kung gigisingin ko sila dahil mukhang pagod sila pero…

" Wake up sleepy heads… " Saad ko saka sila pinagyuyugyog sa higaan nila.

Nakarinig ako ng ilang ungol pero pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa magsigalawan sila pero nga pikit pa din.

Ang hirap naman ata nilang gisingin ngayon? Tulog ba talaga ang mga ito?

Pinaningkitan ko ng mata ang tatlo at napabuntong hininga nalang, kung gising ang mga ito ay siguradong dadambahin na nila ako pero tulog na tulog pa din sila.

Umakyat ako sa kama nila at nakita ko ang pare-parehas na mukha pero madali lang naman silang makilala lalo na sa kulay ng mga mata nila.

Si Kuya Aarav ay normal na asul ang kulay ang mata niya, Dark blue naman kay Kuya Adlai at Light blue naman kay Kuya Abram.

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko pa ang munting pagharok ni Kuya Abram, napaface palm nalang ako at napatingin sa kama nila saka napansin na mga wala pala silang suot pantaas.

Medyo namula ako ngunit bakit nga ba hindi pa ako sanay? Lagi silang walang damit pantaas tuwing natutulog kaya naman walang malisya.

Kita ko naman na sarap na sarap sila sa pagtulog nila at nakita ko nalang ang sarili kong nasa gitna nina Kuya Adlai at Kuya Aarav na nakahiga.

Hindi naman siguro masama kung matulog muna di ba?

Hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong nadala ng antok, katabi ang tatlo kong pinakamamahal na kapatid.

Third Person's POV

Mula sa isang kwarto ay taimtin at mahimbing na natutulog ang apat na katao sa isang malawak na kama.

Mataas na ang sikat ng araw ngunit malalim pa din ang tulog ng tatlong lalaki habang nakatulog naman sa pagod ang batang babae na ngayon ay nakayakap na sa panganay nitong kapatid.

Lumipas ang ilang segundo ay gumalaw ang talukap ng mata ni Aarav at unti unting na siyang nagigising lalo na at ramdam niya na may pilit nagsusumiksik sa dibdib niya, maging ang maliit na kamay na nakadantay sa bandang tiyan niya.

Mumukat mukat pa siya ng tumingin sa gilid niya, wala pang isang segundo ng manlaki ang mga mata niya at ang seryosong Aarav at hindi mo makikita sa oras na ito.

Hindi niya akalain na ang batang dinalaw siya sa panaginip ay kasaluyan niyang katabi at mahimbing nanatutulog sa dibdib niya.

Pasimple niyang kinurot ang sarili upang makasiguradong hindi ito isang panaginip at nang makaramdam ng kaunting sakit ay nasisigurado na niyang gising siya at kung ano man ang nakikita niya ngayon ay totoo, hindi gawa gawa ng malikot niyang imahinasyon.

Napabalik siya ng maramdaman ang paggalaw nito at hindi na niya napigilang dalahin ito sa dibdib niya at yakapin ng mahigpit, nakarinig naman niya ng kaunting daing ngunit maya maya ay mahimbing na ulit itong natutulog.

Maya maya pa ay nakaramdam siya na may nakatingin sa kaniya at kita niya ang dalawa pa niyang kapatid na hindi makapaniwalang nakatingin sa kung ano ang nasa bisig niya.

Sandaling na tahimik ang lahat ngunit kasunod nito ang mga hindi makapaniwalang tono habang nagsasalita.

" She's really here?! " Tanong ni Abram na dinag-anan na si Adlai na nakatutok pa din ang tingin sa batang babae.

" She's not a dream right? " Mahinang tanong ni Adlai. Napailing iling nalang si Aarav at naisip na magkakapatid nga silang tatli batay sa mga naging reaksyon nila ng makita ang munting Prinsesa.

" Idiots, she's real. " Saad ni Aarav at muling ihiniga ang kapatid na ikinalapit naman ng dalawa pa saka pinakatitigan ang maamo nitong mukha.

Nagsimulang kumilos ang tatlo habang may malaking ngiti sa labi, maliban lang kay Aarav na simpleng nakangiti lang ngunit kitang kita mo ang kinang ng mga mata nito.

Hinalikan na muna ng tatlo ang noo ng batang babae saka sila isa-isang naligo at nang matapos sila ay pinalibutan nila ang batang babae saka tinadtad ng halik upang magising.

Nakaramdam naman ng kakaiba si Ashlesha mula sa pagkakatulog, kanina ay ramdam niya na may nakatitig sa kanya ngunit ipinagsawalang bahala niya iyon hanggang sa naramdaman nalang niya na may mga malambot at basa basang bagay na tumatama sa mukha niya, paulit ulit ito at tumatama sa iba't ibang parte ng mukha na maging ang kamay niya ay nakakaramdam din noon.

Unti unti siyang nagigising at sa pagmulat ng mata niya ay tatlong mukha ang bumungad sa kanya. Nakangiti ang mga ito at masyadong kumikislap ang mga asul nitong mga mata habang nakatingin sa kanya.

Kimi naman siyang napangiti at napagtanto niya na ang mga kapatid pala niya ang may kagagawan ng mga tumatama sa kanya maaaring maging ang mga matang nakatingin sa kaniya kanina.

" Good morning Brothers… " Mahina niyang saad at kinusot kusot ang mga mata na lalo namang nagpalambot sa puso ng tatlong kalalakihan at lalong ikinalawak ng mga ngiti nito at saka sabay sabay na nagsalita.

" Good morning Baby…"

" Good morning Princess… "

" Good morning Sweetheart…"

" Hmm.. I'm back. " Saad ni Ashlesha at tinitigan ang tatlo niyang kapatid na nakatitig din sa kanya.

Yeah, she's totally back.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon