Mabilis pa sa alas kwatro na kumilos ang katawan namin at nagtago sa bakod. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ni Amione at hula ko ay nakikipag unahan sa akin.
Hindi kami gumagalaw sa kinauupuan namin sa takot na baka unting galaw lang ay makita nila kami.
Ayaw kong maibenta please lang!
Rinig pa din namin ang sasakyan ngunit mahina lang ito na para bang nagmamasid sa paligid. Naririnig din namin ang mga bulungan ng mga tao.
Mukhang nasa isang baryo kami sa lugar na kinalalagyan namin na hindi namin malaman kung saang lupalop ng mundo.
Hindi ko naiwasang ipikit ang mga mata ko ng marinig ang paglakas ng sasakyan at ibig sabihin noon ay malapit na sila sa pinagtataguan namin.
“ Hiccup… ” nagkatinginan kaming tatlo ng sinukin ako at sabay sabay din naming pinakiramdaman ang paligid hanggang sa napatakip ulit ako sa bibig ko ng muli na naman akong sinukin.
Ganon nalang ang kaba ko ng may magsalita.
“ May narinig ako dito. ”
Wahhhhhhh.
Narinig namin ang mga paghakbang na papalapit hanggang sa tinakpan na ni Amione ng isa niyang kamay ang bibig ko dahil sunod sunod ang pag sinok ko. Hanggang sa…
“ Sino kayo? At bakit kayo napadpad dito? ” Isang matandang boses babae mula sa di kalayuan ang nagsalita.
“Ah may hinahanap lang po kami. Aalis na po kami. ” Saad ng isang boses lalaki hanggang sa narinig namin ang mga yapak papalayo at kasunod ang sasakyan na umandar paalis.
Akalain mo yun marunong pala silang gumalang?
Napabalik ako sa sarili ng marinig ang mga papalapit na yapak at pagtingala ko ang isang matandang babae ang sumalubong sa mga paningin ko.
Kasalukuyan akong nakahiga sa mahabang upuan habang nasa uluhan at paanan ko naman nakaupo sina Amione at Franc.
Nakilala namin ang matanda, siya pala si Pinunong Alaha, siya ang kasalukuyang pinuno dito sa baryo nila.
Pinaliwanag din niya sa amin na malayong malayo ang syudad mula dito kaya naman aabutin ng kalahating araw bago kami makarating doon.
Ikinwento na din nina Franc sa kanya ang nangyari sa amin at ang sabi niya ay tumuloy daw muna kami sa bahay niya at bukas na bukas ay sasamahan niya kami papuntang bayan pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya ngunit wala naman akong magagawa kundi manatili na din lang.
Lumipas ang oras at gabi, ngayon ay nakasakay kami sa isang ‘paragos’ o sled. Para itong sleigh na sinasakyan ni Santa pero imbis na mga deer ang naghihila, kalabaw ang humihila nito.
Ito ang gamit namin dahil sa magubat na parte kami dumadaan dahil may shortcut daw dito gusto ko man umangal ay hindi ko magawa.
Habang umaandar ang sasakyan namin at padilim ng padilim ang dinadaanan namin ay lalong sumasama ang pakiramdam ko at ibig sabihin nito ay nasa panganib kami o di kaya ay may masamang mangyayari pero ano?
Nanlalaking mata napatingin sina Amione at Franc sa harapan namin at napabuntong hininga nalang ako ng makita kung ano ang nasa harapan.
Ang babaeng dumukot sa amin kanina at may kasama siyang mga lalaki na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa amin.
Napatingin naman ako kay Pinunong Alaha at nakitang kampante siya kaya naman siguradong kakampi niya ang mga taong ito. Sinasabi ko na nga ba at nasa panganib kami.
“ Wag kayong magalit sa akin mga bata, mas mahalaga ang kaligtasan ng baryo namin kaysa sa inyo. ” Saad niya at tumalikod na papaalis.
Napatingin naman ako kay Amione ng marinig ang mag paghikbi niya at maging kay Franc na naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.
Napabuntong hininga nalang ako at inisip ang susunod na mga mangyayari nang biglang……
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...