🌟SPECIAL CHAPTER🌟

4.9K 254 68
                                    

Nagising na lamang ako dahil sa pag iyak ng isang sanggol at akmang babangon na ako ng naramandaman na nauna ng bumangon ang nasa tabi ko hanggang sa tumigil ang pag-iyak na ikinabalik ko sa pagtulog.

Unti unti ay naramdaman ko na unti unit na akong nagigising at una kong nakita ay isang lalaki na nakaupo sa isang rocking chair habang natutulog at may hawak na sanggol sa mga bisig nito.

Napangiti nalang ako sa nakita at saka dahan dahang lumapit sa dalawa na mahimbing ang pagkakatulog saka napasimangot.

Hindi ko akalain na wala man lang nakuha na kahit na ano ang anak ko sa akin kahit na ako ang nagdala sa kanya sa loob ng siyam na buwan.

Unfair.

Napatayo naman ako ng ayos ng makitang gumagalaw na ang talukap ng mga mata ng asawa ko hanggang sa tuluyan na niya itong iminulat.

Nagtama ang mga berde at itim naming mata hanggang sa sabay kaming ngumiti kasabay ang paggalaw ng maliit na sanggol na hawak hawak ng asawa ko.

Allistair Devon Silveraz.

Our 4 months old baby.

Last year after I reached the age of 18, Devlin and I had our wedding and baby Alli was born in this world.

I'm not familiar with being a mother and to tell you, napakahirap that's why be proud of your mother for her to be able to deliver you in this world.

Lalo na tuwing nagc-crave ako ng mga pagkaing hindi ko aakalain na gugustuhin ko gaya na lamang ng champorado na may saging at papaya.

Naaawa ako kay Devlin dahil ginigising ko pa siya sa gitna ng gabi upang humingi ng pagkain pero kasalanan din naman niya dahil ginawa niya akong ganito.

Wala naman akong narinig na kahit na anong reklamo mula sa kanya at mula ng nabuntis ako ay sobra sobrang pag-aalaga ang ginawa niya tiping ayaw na niya akong maalis sa mga paningin niya.

Nakakakilig pero nakakainis kaya madalas ay inaaway ko siya ngunit hindi naman siya napalag na ikinatuwa ko naman bilang buntis.

Habang patagal ng patagal ay lumalaki ang tiyan ko at mas nahihirapan akong kumilos, madalas din ay naiiyak nalang ako dahil sa pagsusuka ko tuwing umaga na para bang may sakit na akong malala.

Naalala ko, isang beses umatungal ako sa iyak kina Papa sa kadahilanang mataba na ako at baka maghanap ng ibang babae si Devlin na alam ko namang imposible.

Imposibleng ipagpalit niya ako lalo na at apat na taon din siyang naghintay bago niya ako masabing sa kanya na kaya sinisisi ko lahat ng iyon sa pagiging buntis ko.

May mga panahon naman na kahit nahihirapan ay masaya ako lalo na sa tuwing sumisipa ang baby namin na masaya ko namang ibinabahagi kina Papa.

After 9 months ipinanganak ko si Baby Alli and ang masasabi ko lang ay I'll choose cesarean next time dahil napakasakit ng normal delivery.

I can't explain the pain pero para ka lang naman nadaanan ng ten wheeler truck, tipong ayaw mo na gumalaw dahil nakirot agad sa simpleng galaw.

Pero I already passed that stage, namroblema naman kami ni Devlin noong mga unang buwan dahil sensitibo si Baby Alli and he'll just cry anytime.

There's a time na hindi ako nakatulog buong magdamag dahil kay Baby and it happens na wala si Devlin sa bahay dahil may inasikaso lang siya.

Nadatnan niya akong may itim sa ilalim ng mata then he promised na hindi na siya aalis ng gabi for me to rest at para siya na din umasikaso kay Baby.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon