Chapter 40

4.7K 284 19
                                    

Ano daw?

" What do you mean? " Tanong ko sa kakambal ko na ngayon ay masamang nakatingin sa akin.

" Siguro masaya ka na ayaw nila sa akin kasi selfish ka! Gusto mo ikaw lang gusto nila! " Saad niya pasigaw at may patayo tayo pa.

Excuse me?

Well tama naman siya pero am I selfish?

" Sigurado kung ako ang kinuha ng babaeng iyon ako ang nasa posisyon mo! Ako ang mahal nila hindi ikaw! " Saad nitong muli at dinuro duro ako na ikinakurap kurap ko.

Ano bang problema ng batang ito?

Bakit parang kasalanan ko pa na ako yung kinuha noong babaeng iyon at ibinigay kay Papa? Bakit parang kasalanan ko pa na ayaw nila sa kanya?

Bakit parang ako yung may kasalanan sa lahat lahat? Bakit parang pinaparating niya na mang aagaw ako? Na ang lahat ng meron ako ngayon ay dapat sa kanya?

" Can you keep your mouth shut? " Saad ko at hindi siya binigyan ng kahit anong reaksyon.

Bukod sa masakit sa tenga mga sinasabi niya, nag aalala din ako na baka marinig siya ng mga Kuya ko at hindi mapigilan ang gagawin nila sa kanya.

Kahit papaano ay kakambal ko pa din siya at kapatid pa din namin siya kaya mas mabuting mag ingat pero gusto atang matamaan ng babaeng ito.

" No! Akin dapat yan! Akin dapat sila! I hate you! Mang aagaw! " Saad niya at paiyak na pero masama pa din ang tingin sa akin.

Is she throwing a tantrums?

" Stop it Alena. Wala akong inaagaw sayo kaya pwede ba? Tigilan mo ang pagiging bata at manahimik nalang dyan? " Saad ko ngunit hindi pa din siya nakikinig.

" No! Isa kang mang aagaw! You're a bitch! "

Kasabay noon ay ang malakas na pagbukas ng pintuan ng opisina at sabay kaming napatingin ni Alena doon.

Kitang kita ko ang naglalabasang ugat sa leeg ng Kuya Adlai ko na tila manunugod na anytime, nakasunod naman sa kanya si Kuya Abram na nakangiti pero hindi isang ngiti habang si Kuya Aarav naman ay mukhang pinalilibutan ng milyong milyong yelo.

Lahat sila ay nakatingin sa iisang direksyon at kay Alena iyon na ngayon ay tila isang tupa na nakaharap ng mga tigre.

" You're well behaved huh. " Saad ni Kuya Adlai at nagsimula ng lumapit papalapit sa amin, napahakbang naman papalayo si Alena at kita ko ang takot sa mga mata niya.

Nang makalapit si Kuya Adlai ay akmang hihigitin na nito ang kakambal ko ng magsalita ao na ikinatigil nito.

" Brother Adlai, let her be. Don't waste your energy and time for a child like her. She's just immature. " Saad ko at lumapit sa kanya saka hinawakan ang nakayukom niyang mga kamao.

I'm afraid that I can't restraint him.

" Adlai, Baby Princess was right. Don't wast your time for that thing. Let's just be happy that our Baby visit us, ey? " Saad ni Kuya Abram na bahagya kong ikinangiti at tinignan si Kuya Adlai na unti unti nang humihinahon.

Tumingin naman sa akin si Kuya Adlai at saka ako binuhat. Muli niyang tinignan ang kakambal ko ngunit wala siyang sinabi pero mukhang takot na takot sa kanya ang kakambal ko.

" Just let the driver take her back. " Saad ni Kuya Aarav at kita kong may tinawagan siya.

Maya maya pa ang may tatlong mga lalaking ang dumating saka nilapitan si Alena.

Kita ko namang natakot pa siya lalo ngunit wala na siyang nagawa ng hawakan ng mga ito ang kamay niya.

Kita ko namang hindi mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya ngunit sa ekspresyon niya ay tila ba mahigpit na mahigpit ang hawak ng mga ito sa kanya.

Bakit parang ang galing niyang umarte o talagang OA lang siya?

Lumabas na sila ng opisina at sa ilang segundo ay tahimik ang opisina ng magsalita si Kuya Adlai.

" Ashlesha, this thing, did this happen between the two of you often? " Tanong niya at ramdam ko ang seryoso niya lalo na at tinawag niya ako sa pangalan ko ngunit umiling lang ako sa tanong niya dahil ngayon lang naman siya sinabihan ng mga ganoon.

" If this happen again, I'm afraid that you can't stop us Baby. " Saad bigla ni Kuya Abram na ikinabuntong hininga ko.

Alam ko naman na mangyayari at mangyayari ang ganito pero hindi ko akalain na mang yayari agad ng mabilis akala ko pa naman ay magaling umarte ang kakambal kong iyon ngunit mukhang nagkakamali ako. Napatingin naman ako sa tatlo kong kapatid at tumango.

Hindi ko sigurado kung mapipigilan ko sila sa gagawin nila ngunit nasisigurado kong mauulit at mauulit ang mga nangyari kanina lamang…

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon