Chapter 20

5.9K 328 51
                                    

Limang taon.

Napakabilis ng panahon dahil anim na taong gulang na ako ngayon, ibang iba noong panahon na bagong dating palang ako dito. Iba na yung noon at sangayon pero umaasa pa din ako, na mahanap nila ako at iuwi sa Mansion ng mga Annatillo.

Hindi naman ako nagrereklamo sa naging buhay ko ngayon sa Mansion ng mga Leondre dahil sa totoo lang binibigay nila lahat ng pangangailangan ko maliban nalang sa paglabas ng Mansion pero iba pa din pag tunay na pamilya yung kasama mo di ba?

Nangungulila ako sa init ng pagmamahal ng isang kadugong ama at mga kapatid. May buhay din naman ilang si Ashlesha bago maging si Johanna.

Sa loob ng anim na taon maraming nangyari. Unang una, dikit sa akin ng dikit ang mag-ama habang napapansin ko naman na hindi nila pinagtutuunan ng pansin sina Amione pero binibigay pa din naman nila yung pangangailangan ng dalawa.

Pero kung titignan mo, mas angat ang posisyon ko kaysa sa kanilang dalawa pero kahit minsan ay hindi ko sila nakitang nagalit o nagtampo, sinasabayan pa nga nila yung mag-ama na gawin akong isang babasaging bagay.

Pangalawa, spoiled ako sa mag-ama, lagi silang may binibigay sa akin gaya na lamang ng mga alahas, laruan miski nga mga properties ay binibigay nila sa akin.

Nalaman ko din na namatay ang nanay ni Vlad ngunit pinapangarap nilang mag-ama ng babaeng anak at kapatid kaya ako ang nabiktima.

Ikatlo, noong tumuntong sa edad na 12 sina Franc at Amione halos himatayin ako ng wala sa oras ng sabihin ni Vis na tuturuan niyang gumamit ng sandata yung dalawa at kung paano lumaban, mula sa araw na iyon ay kita ko ang laging pagod na itsura nila.

Ikaapat, limited lang ang maaaring pumasok sa Mansion at ang school process nina Amione at Franc? Online Class, Hone school at hindi na ako nagulat ng may ibubuga si Vlad sa pag-aaral o sa kung ano pa man.

Ikalima, sa nakalipas na limang taon alam niyo bang hindi ako nakalabas? Kahit sa may hardin lang, sabi nila ay hindi pwede at kahit na ulit-ulitin ko ay hindi ako makalabas.

Lagi nila akong nahuhuli at tuwing nangyayari yun ay may malamig na ekspresyon si Vis kaya naman hindi ko na natuloy.

Sa loob ng limang taon lumaki akong malusog na bata, tahimik lang ako at minsan lang magsalita.

Sinubukan akong ipatingin ni Vis sa pag-aakalang may sakit ako pero ayaw ko lang talagang magsalita. Dahil nga sa nakakulong ako sa Mansion, mas maputi pa ata ako kay Snow white.

Umaarte ako na parang bata ngunit pag wala sila ay kung ano ano na ang ginagawa ko gaya na lamang ng pag eexercise at pagbabasa ng mga iba't ibang libro na hindi naman ginagawa ng mga bata sa edad ko.

Sina Amione at Franc, lumaki silang maganda at gwapong kabataan at talaga namang sumasang ayon ako sa author ng libro ng idescribe niya kung gaano ka perpekto ang isa't isa para sa bawat isa.

Alam ko din na super close sila kaya imposibleng hindi sila ang magkatuluyan. Magaling na din silang umasinta ng baril at magpatulog ng tao gaya ni Vlad.

Si Vlad naman ay lalong nawalan ng emosyon pero kita ko ang paglambot ng ekspresyon at boses niya tuwing kasama ako which is a good thing dahil baka patulan ko siya kahit 10 years old lang siya.

Silang apat lang ang lagi kong kausap saloob ng limang taon na pananatili ko at sa loob ng mga taon na iyon ay hindi nila ako nahanap o baka naman hindi nila ako hinahanap pero umaasa pa rin ako kahit papaano na hinahanap nila ako.

Sa ngayon ay nag-aaral din ako at online class ang type ng pag-aaral ko at nakakawalang gana lalo na kung alam mo na kung paano magsulat at magbasa lalo na pag alam mo na kung paano may add, subtract, divide and multiply pero kinakaya ko dahil ayaw kong paghinalaan nila ako o kung ano.

" Vhai! "

Napalingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon at mula dito sa second floor kita ko kung paano magkagulo sa labas ng Mansion lalo na at kita ko ang nangyayari sa labas dahil nakasiwang ang malaking pinto.

Muli akong napatingin kina Amione at Franc na dali daling lumalapit sa akin at ganon na lang ang gulat ko ng bigla akong binuhat ni Franc habang kinakasa naman ni Amione ang mga baril nila.

What's happening? Hindi naman siguro sila naglalaro ng baril-barilan di ba? Yung tipong ang mabaril ay tanggal hininga?

Magtatanong na sana ulit ako pero ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang tatlong mukha. Tatlong mukha na limang taon ko nang hindi nakikita.

Sa kasamaang palad, madamimg tilamsik ng dugo sa mga mukha nila.

-------🌟

Thank you for the surprise cover!

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon