Chapter 68

4.1K 243 26
                                    

Third Person's POV

Wala kang anong ibang maririnig kundi ang nakakabasag puso at nakakadalang iyak ng isang babae sa paligid.

Iyon ang nararamdaman ngayon ng isang lalaking kanina pa nakasandal sa may dingding ngunit mas mabigat ang ouso niya habang nakikinig lalo na at babaeng pinakamamahal niya ang tumatangis ngayon.

Babawi siya, babawian niya lahat ng nagpaiyak sa dalaga.

Alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito naiyak ngayon at wala siyang karapatang mangialam sa buhay nito ngunit karapatan naman ng dalaga na malaman ang totoo kahit masakit at hindi mabuhay sa kasinungalingan.

Isang buwan ang nakakaraan, nang natagpuan ni Devlin si Ashlesha sa gitna ng dagat ay nagpautos na agad siya na alamin ang nakaraan at katauhan ni Ashlesha.

Alam din niya na hindi basta basta ang dalaga lalo na kung may daplis ito ng baril at idagdag mo oa ang branded nitong damit.

Naging mahirap ang paghahanap na ito, ngunit unti-unti ay nabuo ang impormasyon na ito at iyon ang ibinigay niyang impormasyon kay Ashlesha noong araw na binalak nitong umalis.

Nakita niya ang malaking lungkot at galit sa mga mata ni Ashlesha noong araw na iyon ngunit mas nangingibabaw ang panghihinayang at labis na lungkot sa mga mata nito.

Ayon sa impormasyon na iyon, si Ara o Arabella Fernandez, ang ina nina Ashlesha Yvonne Annatillo at Alena Ysabella Annatillo ay namatay sa panganganak sa kambal nitong anak.

Kaya naman ang humaharap na Ara na ina ng kambal ngayon ay isang impostor na ginaya ang pagmumukha ng tunay na Ara at ang tunay nitong katauhan ay si…

Annabelle Fernandez, ang kambal na kapatid ni Arabella na may gusto kay Yves kaya naman noong namatay si Arabella ay inagaw nito ang katauhan nito at walang awang inilibing ang tunay na Arabella sa may likod ng Hospital na pinanganakan nito.

Pinlano din ng babaeng ito ang pagkakahiwalay ng kambal at lahat ng nangyari sa nakalipas na labing apat na taon.

Hindi niya ito magagawa kung mag-isa lang siya, at ang katulong niya sa gawaing ito ay si…

Ligaya

Ang tagapag-alaga ni Ashlesha na siya ring dahilan kung bakit na kidnapped si Ashlesha noong isang taon palang ito.

Ang dahilan?

Dahil si Ligaya ay isang dalaga na umiibig kay David, ang kanang kamay ni Yves ngunit tinanggihan siya nito sa kadahilanang nais iaalay ni David ang buong buhay niya kay Yves para maglingkod at hinding hindi magpapakasal.

Napakababaw.

Ashlesha's POV

" Are you sure with this? " Tanong ng lalaking katabi ko at kanina pa ako pinapakiramdaman.

Gaya niya ay kinakabahan din ako at hindi mapakali ngunit hindi dahil sa takot ngunit dahil sa galit.

Galit na galit ako at ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong katinding emosyon, pakiramdam ko kung hindi ko ito mailalabas ay basta-basta nalang akong sasabog.

Tumingin naman ako sa katabi ko at bahagyang hinaplos ang mukha niya saka siya tinitigan sa mga mata at nagsalita.

" Yeah, I'm very sure saka you'll stay with me naman right? " Tanong ko na ikinatango naman niya na ikinangiti ko ng tipid.

Muli akong tumingin sa bintana at pinagmasdan ang mga puno na dinadaanan ng sasakyan na kinalalagyan namin ngayon.

Sa mga nakaraang araw ay tinutulungan ako ni Devlin na kumilos, bilang isang Prinsesang spoiled ay wala akong naging kasangga.

Wala aong naharap na connection noon kaya naman wala akong kapangyarihan para kumilos ng mag-isa lalo na at todo bantay sa akin ang lahat.

Sa tulong ni Devlin ay unti unti naming pinupuntirya ang negosyo ng babaeng iyon at sa totoo lang ay isa siyang malaking cancer sa mundo.

Negosyo niya ang prostitution at mga illegal drugs na talaga namang nakakasira ng buhay lalo na ang mga sapilitang ipinasok sa prostitution.

Kulang pa ang ginawa namin ngunit gaya nga ng sabi ni Devlin ay mas maganda kung ipaubaya namin ang negosyo ng babaeng iyon sa mga pulis lalo na at may connection siya doon.

Inatake namin ang negosyo at organisasyon ng babaeng iyon dahil iyon ang ginagamit nilang proteksyon sa mga kagaguhang ginagawa nila sa pamilya ko.

Sa tulong ng mga iyon ay may mga nacocontact sila na may mga kapangyarihan at doon din sila kumukuha ng pera.

Unti unti ay napipilayan ito at hindi na ao magtataka kung bigla bigla nalang itong babagsak lalo na kung nasa akin ang desisyon kung kailan mangyayari ang bagay na iyon.

Hindi pa ngayon, I still want to fucking play.

Maya maya pa ay narandaman ko na ang unti-unting pagbagal ng sasakyan na sinasakyan namin kaya naman nalipat ang atensyon ko sa harapan namin.

Sa harapan namin ay ang pamilyar na gate ngunit madumi ito na tila hindi na nalilinisan.

Halos dalawang buwan lang naman akong nawala ngunit hindi ko kayang isipin ang naging epekto noon sa pamilya ko, lalo na mga lalaki sa buhay ko.

Bumusina ang sasakyan namin at maya maya pa ay unti unting bumukas ang malaking gate saka kami umabante.

Ramdam ko ang mabibilis na tibok ng puso ko ng masulyapan ang mga pamilyar na paligid ngunit karamihan sa mga halaman ay nagsisimatayan na.

Nararamdaman ko na din ang pag init ng sulok ng mga mata ko sa matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Sa lumipas na pitong taon at ngayon na lamang muli ako napahiwalay sa kanila at bilang isang batang sanay na sanay na sa presensya nila ay…

Sobra sobra ko silang namiss.

Tumigil na ang sasakyang kinalalagyan namin kasabay ang pagbukas ng malaking pintuan ng bahay na isa rin sa namiss ko at sumalubong ang mga pamilyar na mukha.

David

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon