Chapter 27

5.6K 298 20
                                    

Kinagabihan ay kumain kami ng Dinner at naging normal lang ang kainan namin na para banag walang nangyaring gulo kanina.

Normal naman silang lahat at para bang wala silang ginawang kasalanan, panigurado namang pinatay nila yung babae matapos nitong magsalita pero depende pa din iyon kung umamin agad yung babae, malay naman natin kung pinahirapan muna siya bago niya makamit ang inaasam niyang kamatayan.

Siguro naman ay mas gusto nung babae na mamatay kesa naman pahirapan siya lalo ng mga kapatid ko idagdag mo pa na nasa teritoryo siya ng Annatillo.

Matapos kumain ay inihatid na ako ni Papa sa kwarto ko at sinamahan niya ako hanggang sa makatulog ako.

Nakatulog naman ako pero alam kong umalis din si Papa matapos niya akong bantayan hanggang sa makatulog ako. Hindi nalang ako kumibo pa at nagpatuloy sa pagtulog hanggang sa magising ako kinabukasan.

Pagkagising ay akmang bababa na ako ng kama ng makitang may mga tao sa kwarto ko at pipikit pikit nalang ako ng makita ang tatlo kong kapatid na nakaupo sa kama ko habang nakatingin sa akin, medyo creepy pero masarap din sa pakiramdam kasi pakiramdam ko safe ako dahil nasa tabi ko sila.

Nang makita nilang gising na ako ay agad na lumapit si Abram sa akin at binuhat ako, wala pa akong hilamos o kung ano pero pinaghahalikan na nito ang mukha ko at gusto ko mang matapos agad ay hindi iyon mangyayari lalo na kung kinuha ako ni Adlai at siyang pinaghahalikan din.

Kay Adlai ang deretso ko at nagtitigan pa kami bago niya ako binuhat at dinala sa Cr, pinatung tong niya ako sa lababo at isinenyas na lumapit kaya naman nagulat ako ng siya na ang naghilamos sa akin habang natanaw ko naman sa labas ng Cr ang dalawa ko pang kapatid na abala sa pagpili ng damit ko, paano ko nakita?

Nagrereflect sila sa salamin na humahati sa kama ko at sa kabilang bahagi ng kwarto.

Matapos hilamusan ay binigyan ako ni Aarav ng toothbrush at akmang siya na ang gagawa noon ng agad akong umiwas at nagsimulang magtoothbrush.

Nakaharap ako sa salamin habang nagtotoothbrush at nagulat ako ng yakapin ako mula sa likod ni Aarav at hinalikan ang pisngi ko kahit basa pa ito.

Mumulat mulat akong nakatingin sa kanya ngunit ipinatong lang niya ang baba niya sa balikat ko at mukhang wala na akong magagawa pa.

Nagpatuloy nalang ako sa pagtotoothbrush at nang matapos iyon ay muli akong binuhat ni Aarav at pinatayo sa kama.

Tumingin siya sa damit na nakalagay doon, isang puting dress kaya naman napatingin din ako don, kita ko namang sa gilid ko na nakatingin din ang dalawa ko pang kapatid doon.

Naglipat lipat ang tingin nila sa damit at sa akin at naguguluhan ako sa reaksyon nila hanggang sa unti-unti ng nag sink in sa akin ang iniisip nila.

Muli akong napatingin sa kanila at saka ko lang napansin na namumula ang mukha nila, hindi ko ito nakita kanina pero nang makita ko, maging ako ay namula.

Tama nga naman, babae ako at lalaki sila kaya normal lang naman siguro na mahiya sila kung bibihisan din nila ao diba?

Pero bata pa naman kami!

Napatingin naman kami sa pintuan ng magbukas iyon at pumasok si Amione, nadatnan niya kaming tahimik at may namumulang mukha ngunit wala ata siyang napapansin.

Kinuha niya ang damit sa kama ko at pinaharap ako sa kanya, akmang huhubaran na niya ako ng makarinig kami ng ubo, tatlong magkakasabay na ubo kaya naman napabaling siya doon. At ang narinig ko nalang ay pagsara ng pintuan, mukhang lumabas na sila.

Napatingin naman sa akin si Amione na tila naguguluhan kaya naman napa face palm nalang ako sa isipan ko, mukhang mas ignorante siya sa akin.

Matapos bihisan ay bumaba na kami at nang makarating sa Dining Area ay nadatnan ko doon si Papa na nagbabasa ng Dyaryo at minsan ko lang siyang makitang nagbabasa ng ganoon, wala pa siya sa mid 30's pero nagmumukha siyang matanda sa ginagawa niya.

Mukha namang naramdaman niya ang tingin ko kaya nag angat siya ng tingin at nagtama ang dalawang berdeng mata.

Ibinaba niya ang hawak hawak niya at ibinuka ang dalawang braso kaya naman naglakad na ako papalapit sa kanya.

Nang makalapit sa kanya ay binuhat niya ako saka pinaupo sa kandungan niya at hinalikan sa noo. Kompleto kaming lahat na kumakain at si Papa ang nagpapakain sa akin na hindi na din masama dahil napaka alaga niya sa oras na ito.

Nginunguya ko ng mabuti ang isinubo niya sa aking karne ng magbitaw siya ng utos na ikinagulat ng lahat, maging ako ay napatigil sa pagnguya ng masarap ka karne dahil sa sinabi niya.

" Ashlesha will be going to England. "

Damn! Why do they always dropping the bomb while I'm eating?!

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon