Bumukas ang pintuan at una naming nakita ang sumilip na ulo at ang pagbaling nito agad sa akin, kita ko naman ang pagdaan ng inggit at galit sa mata niya pero hindi ko naman ito pinansin lalo na at baka lalo lang siyang magalit kung papakealaman ko siya.
Pinagpatuloy ko ang panonood at pagkain habang nakikiramdam din sa mga ganap at kung ano ang kailangan ni Alena kay Papa.
Kita ko naman sa gilid ng mata ko na nakarating na siya sa harapan ni Papa.
“ Yes? Do you need anything? ” Saad ni Papakay Alena ngunit hindi ko din mapigilan ang mapangiwi ng makitang malamig ang emosyon ang meron si Papa.
Alam ko namang sinusubukan din niyang maging malambot para kay Alena pero mukhang matagal na panahon pa para mangyari iyon.
“I-I… g-gusto ko p-po sana ng b-bagongkwintas. ” Saad niya na ikinakurap kurap ko.
Bagong kwintas? Pero hindi ba namili na sila nung isang araw?
Oo, namili sila nung isang araw dahil gusto daw akong bigyan ng regalo ng Mama ko pero nang makita ko naman sila ay madami silang bitbit, lalo na si Alena pero isang paper bag lang ang ibinigay sa akin at laruang manika ang laman noon kahit naman hindi ako naglalaro.
Hindi naman sa nagtatampo ako o kung ano pero ganon ba talaga iyon?
Hindi ko alam pero nakakramdam ako ng lungkot lalo na ng makita kong masayang isinusukat ni Mama kay Alena ang isang damit.
Hindi naman siya ganoon kamahal pero sigurado akong si Mama ang namili noon, ako? Pag hindi si Amione ay sina Papa namimili ng mga damit ko pero kuntento naman ako doon.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang ganitong emosyon.
Hindi ko alam pero mukhang nalaman iyon ng mga Kuya ko kaya kinabukasan ay halos buong Mall ang dalahin nila dito sa dami ng damit na binili nila.
At buti na lang ay walang laruan dahil ayaw kong maging bata pa lalo isa na akong 35 years old na kaluluwa.
Maging si Papa ay binilihan ako ng kung ano ano at nakakatawang makita na maging sina Amione ay binigyan ako ng regalo kahit na hindi ganoon kamahal.
Napainit nito ang puso ko at sinisigurado kong panghabang buhay ko itong dadalhin.
Muli naman akong napatingin kina Papa ng magsalita si Papa habang nakakunot ang noo.
“ You already bought a lot ofjewelries. ” Saad niya habang si Alena naman ay napayuko nalang pero hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang nakalikom niyang kamao.
Masyado pa siyang bata para magtanim ng sama ng loob dahil lang sa hindi maibigay ang bagay na gusto niya.
Napapailing naman akong bumalik sa laptop na pinapanood ko ng makarinig muli ako ng paparating na yapak at si Mama ito.
Maya maya pa ay may kumatok na ulit at kahit hindi pa naimik si Papa ay bumukas na ang pintuan saka pumasok si Mama.
Nakita ko naman ang gulat sa mukha nito hanggang sa napakunot na ang noo nito kaya tinignan ko kung ano ang dahilan at napataas ang kilay ko tuluyan ng makitang tumutulo na ang luha ni Alena na para banag inapi namin siya.
Kita ko naman ang pag-aalala sa mata ng Ina ko ngunit hindi ito ang tamang oras para gumanti o kung ano.
“ Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? May nang-away ba sayo? At anong ginagawa mo dito? ” Tanong ni Mama kay Alena habang ininspeksyon naman ni Mama ang katawan ni Alena, samantalang si Alena naman ay patuloy pa din sa pag-iyak.
Dapat ba talagang umiyak? Daig pa niya ang namatayan. Mama’s girl ba siya? Bakit parang masyado siyang nag iinarte?
Maaaring kambal ko siya pero hindi naman ako ganan ah? Kambal siya ng katawang napasukan ko ngunit hindi ko siya kaano ano sa puso ko lalo na kung ganan din ang ugaling ipinapakita niya.
Maya-maya pa ay tumigil sa pag-iyak si Alena ngunit yumakap naman kay Mama, inalo naman ito ni Mama hanggang sa mahinahon na siya.
Muli naman siyang tinanong ni Mama kung anong problema at hindi ko akalain ang isasagot niya.
“ G-gusto ko l-lang naman po ng b-bagong k-kwintas gaya ng k-kay Ashlesha s-sa kwarto niya na nakalagay sa ilalim ng unan niya. ” Saad nito na ikinalaglag ng panga ko, paano niya palaman yon?
Teka, wag mong sabihing nakapasok siya sa kwarto ko?! Kailan pa siya pumasok doon at ang lakas naman ng loob niyang pasukin ang kwarto ko?!
“ You come into my room. ”
Hindi tanong kundi isang statement. Pumasok siya sa kwarto ko tapos at mukhang naghalungkat pa siya dahil kung hindi, ay hindi niya makikita ang bagay na iyon na nasa ilalim ng unan ko na lagi kong kasa-kasama sa pagtulog ko mula ng makaalis ako sa puder nina Vis.
Ano ba talagang gusto niya?
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...