Chapter 12

6.2K 311 15
                                    

Habang hawak ako ay umupo si Papa sa kabilang sofa at hindi sinagot o binati man lang ang babae na ikinangisi ko naman pero syempre ako lang ang may alam noon.

Inayos ni Papapa ang pagkakahawak niya sa akin at saka tinignan ang babaeng ngayon ay hindi malaman ang gagawin dahil hindi naman siya pinansin ni Papa.

“ Mr. Yves, it’s nice to see you again. ” Saad ni Suzy ngunit nakatingin lang sa kanya si Papa pero hanga din ako sa kaniya dahil pala kahit gaano kakapal ang mukha niya ay natatakot pa rin siya.

Sino bang hindi matatakot sa malalamig na tinginan ni Papa? Idagdag mo pang lagi siyang seryoso at para bang buhat buhat lahat ng problema ng mundo. Maliban sakin na hindi natatakot sa kanya, meron pa ba?

“ Ahh. I’m just here cause I heard that you have a daughter and they’re right. She’s cute. ” Saad niya at ngumiti sa akin ngunit inirapan ko lang siya at mukhang nakita niya iyon dahil sa pagbabago ng ekspresyon niya.

“ Ahm I think there’s something wrong with her. ” Saad niya at nagkaroon ng nag-aalalang ekspresyon sa mukha niya.

“ Are you saying that my daughter is abnormal? ” Biglang tanong ni Papa at parehas kaming tumingin sa kanya ng nanlalaking mata.

Ano daw? Ako? Abnormal?

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hinaplos lang nito ang pisngi ko hanggang sa mapadaan ang kamay niya sa bibig ko kaya naman agad ko siyang kinagat pero hindi iyon masakit dahil wala pa naman akong masyadong ngipin.

“ Little tigress. ” Saad niya kaya naman tinalikuran ko na siya at hindi na pinansin pa saka tumingin kay Suzy.

“ N-no… I-I mean, I’m sorry I didn’t mean that. ” Saad naman ni Suzy habang iiling iling pa.
Hindi kaya mabali ang leeg niya?

“ I’m busy. ” Saad ni Papa at agad na tumayo saka tumalikod.

Tumingin naman ako sa likod at kita ko ang emosyon na naglalaro sa mukha ni Suzy. Pagkapahiya, galit at lungkot.

Yan ang napapala ng mga gaya niyang masyadong mataas ang pangarap na maabot si Papa.

“ You like her? ” Biglang tanong naman ng may buhat buhat sa akin na agad ko ding ikinailing iling.

“ You understand me huh. ” Saad niya ikinagulat ko.

Bakit ka sumagot?!

Hindi ko nalang ulit siya tinignan at nagkunwaring hindi ko siya naririnig kahit ilang beses pa niya akong tawagin.

Habang naglalakad kami pabalik sa opisina niya ay napadaan kami sa malaking bintana at hindi sinasadyang nakita ang tatlong batang iyon.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kung takot ba o awa. Alam kong anak sila ng isang delikado at makapangyarihang lalaki pero tama bang pwersahin ang katawan nila at ihanda na para bang may digmaan kahit na napakabata palang nila?

Napabuntong hininga nalang ako at inisip ang hinaharap. Sa totoo lang hindi ko pa alam kung paano ako nakarating dito o di kaya ay kung anong dahilan ng pagdating ko dito pero isa lang ang sigurado ko.

Hangga’t maayos ang pakikitungo sa akin ng kasalukuyan kong pamilya ay masisigurado kong magiging ligtas din ako.

Kung sakali man na magbago ang ihip ng hangin ay aalis ako sa lugar na ito at dahil mag-isa naman talaga ako sa tunay kong mundo ay siguradong kaya ko ding mabuhay mag isa sa mundong ito at hindi ko kailangan ng magpoprotekta sa akin dahil kaya kong alagaan ang sarili ko pero pag malaki na ako kaya naman sana ay wag nila akong maltratuhin habang bata pa lang ako.

Napatingin naman ako kay Yves, ang ama ko. Alam kong kahit papaano ay nakakapasok na ako sa puso niya at ganon din sa puso ng tatlong bata at maging ng mga tao dito sa Mansion.

At umaasa ako na hindi magbago yon dahil kahit naman papaano ay natutuwa ako sa init na ibinibigay nila bilang una at bagong pamilya ko.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon