Pinagmamasdan ko ang babaeng nasa harap ko ngayon, kita ko ang lungkot at saya sa mga mata niya ngunit seryoso ko lang siyang tinitigan saka nalipat ang paningin ko sa batang katabi niya na nakatingin lang sa sahig na para bang may interesanteng bagay ang naroroon.
Nasa kabilang gilid ko naman si Papa maging ang tatlo kong kapatid na pare-parehas na may seryosong mukha hindi gaya ni Papa na walang emosyon sa mukha nito.
Dalawang araw na mula noong nagising ako at ngayon ay wala ng nakakabit sa akin na kung ano ano maliban nalang sa mga nakabendang parte ng katawan ko.
Pagkagising ko palang ay sinabihan ako ni Papa na may ipapakilala daw siya at saka naman pumasok ang dalawang babaeng ito.
“ Papa… ” Pagtawag ko kay Papa at saka siya tinitigan, masyadong tahimik at ngayon ko lang hindi nagustuhan ang katahimikang nababalot sa paligid.
Mukhang naiintindihan naman ni Papa ang nararamdaman ko dahil umupo siya sa tabi ko at matamis akong nginitian habang hinahaplos ang buhok ko.
“ Don’t worry, they will not harm you. ” Saad niya ngunit hindi iyon ang gusto kong malaman kundi ano ang nangyayari dito at ganito nalang ang tumatambad sa akin ngayon.
“ I-I… ” Napatingin naman ako sa babae ng magsalita ito ngunit mas lamang pa din ang pag-iyak nito.
May namatay ba? Bakit ba iyak siya ng iyak?
“ She’s your mother. ” Saad naman ni Kuya Adlai na sabay sabay naming ikinatingin sa kanya, meron na siyang naiinis na ekspresyon sa mukha niya at ang sarap kurutin ng pisngi niya ngunit ang sinabi niya ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
Nanay ko?
“ But I don’t have a mom. ” Saad ko at kita kong muling namuo ang mga luha niya na ikinapikit pikit ko. Mukhang mali ata ang pagkakasabi ko.
“ I mean, I heard that she’s dead. ” Saad ko at sumiksik papunta kay Papa baka umiyak siya lalo dahil sa akin kaya mas maigi if malayo ako sa kanya right?
Kita ko naman ang panibagong mga luhang namumuo sa mata niya at hindi ko na mapigilang mapakunot noo lalo na at hindi ko talaga maintindihan kung ano ang meron sa isip niya at patuloy pa din sya sa pag-iyak.
Napatingin naman ako kay Papa upang manghingi ng tulong dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa nanay ko daw na nakatingin sa akin.
“ Lesha, listen to Papa. She’s your Mama and she’s not dead. ” Saad ni Papa habang maiging nakatingin sa akin at hinahaplos ang ulo ko.
So buhay pa talaga siya? Pero bakit sabi ng babaeng nagdala sa akin dito ay patay na ang Ina ko at iniwan ako sa kanya?
Napatingin naman ako sa sinasabing Ina ko daw at dahan-dahang tumango bilang pagtugon na naniniwala na ako.
Kita ko naman ang saya sa mukha niya at nagulat ako ng yakapin niya ako ng biglaan ngunit hindi naman ganoon kahigpit.
Nakaramdam naman ako ng tingin kaya napatingin ako sa pinanggagalingan noon at nakita ang babaeng kamukha ko na matalim na nakatingin sa akin.
“ She’s her daughter. ” Saad bigla ni Kuya Adlai at napababa din ng tingin ang batang kamukha ko.
Her daughter? Ibig bang sabihin ay kapatid ko?
Napaayos naman ng upo si Mama at kiming nginitian ako saka hinila ang batang kamukha ko habang bahagyang sinulyupan ang mga Kuya ko sa isang tabi.
“ She’s your twin sister. ” Saad niya na ikinagulat ko pa.
Ni hindi pumasok sa isip ko na kakambal ko siya. Kung ganon, bakit siya kasama ni Mama habang ako nasa puder ni Papa? At kung hindi niya ako tinanggap dati saan naman kaya ako pupulutin? Kakambal ko siya? Pero bakit niya ako tinulak? Bakit masama ang tingin niya sa akin?
May kakambal ako, kamukha ko. Isa pang Annatillo. Isa pang Prinsesa ng Annatillo. Isa pang anak ni Papa at kapatid na babae ng mga Kuya ko.
Handa ba ako sa pagbabago na mangyayari?
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...