Chapter 45

4.4K 229 9
                                    

Kasalukuyan kaming lahat ay nasa opisina ni Papa at mukhang alam ko na agad kung para saan ito.

Malapit na ang kaarawan ko, ang kaarawan namin ni Alena kaya naman siguradong may magaganap na pagdiriwang pero siguradong hindi lang iyon ang magaganap sa kaarawan namin.

Nalaman ko noong kaarawana ni Alena ay simpleng handaan lang ang naganap dito at walang bisita kaya naman paniguradong ipapakilala ni Papa si Alena sa lahat.

Wala namang kaso sa akin ngunit sa oras na makilala na siya ng mga tao ay magkakaroon na siya ng sariling pagkakakilanlan at malaki ang posibilidad na may mga problemang mabubuo.

Nasa kandungan ako ni Kuya Aarrav at napapagitnaan kami nina Kuya Abram at Kuya Adlai, habang nasa kabilang sofa naman sina Mama at Alena. Lahat kami ay nakatitig kay Papa na nakatingin din sa amin at nagsimulang magsalita.

“ In three months, it’s your 14th birthday and I guess it's the perfect time to introduce Alena to everyone as Lesha’s twin. ” Saad ni Papa at napatingin naman ako sa kanila ni Mama ng umalingawngaw sa buong opisina ang tuwa nila.

Halata namang masaya sila na maipapakilala na si Alena bilang isa pang Prinsesa ng Annatillo sa buong mundo.

Napatingin naman ako kay Kuya Adlai nag halikan ako nito sa noo at ipinaling ang ulo ko sa kanya na ikinataka ko naman, nginitian niya ako at hinaplos ang ulo.

Nakuha ko naman bigla ang gusto niyang iparating na ikinangiti ko naman at tinanguan siya, ramdam ko din ang paghigpit ng yakap ni Kuya Aarrav sa akin at pagpisil pisil ni Kuya Abram sa kamay ko.

Akala siguro nila ay naiinggit ako kay Alena dahil sa interaksyon nila ni Mama dahil nahuli nila akong nakatingin sa kanila.

“ That would be all. ” Saad ni Papa at tumayo saka ako kinuha kay Kuya Aarav at binuhat niya ako papalabas ng opisina.

Kumaway naman ako sa mga Kuya ko at nginitian nila ako habang sina Mama at Alena naman ay nasa kanilang mga sarili pa ding mundo na ikinailing iling ko saka tinignan si Papa.

Napansin ko namang papunta kaming kwarto ni Papa at maya maya pa ay nakarating kami doon, umupo naman siya sa kama at kinandong ako paharap saka niyakap habang tinatapik tapik ang likod ko.

“ Your Mama loves you, okay? ” Saad niya sa malambing na boses at mukhang maging siya ay inaakalang nagseselos ako kay Alena dahil kay Mama. Natatawa ako pero nakakataba ng puso dahil sa ginagawa nila at pag-aalala.

Niyakap ko din pabalik si Papa at hindi umimik saka isiniksin ang ulo sa leeg niya. I feel so full of love.

Kinabukasan ay nagising nalang ako dahil naramdaman kong lumubog ang kamang kinahihigaan ko at kahit na antok pa ay nagmulat ako ng mga mata.

Ang tumambad sa akin ay ang likuran ni Papa at mukhang may ginagawa siya. Napatingin naman ako sa may bintana at nakitang hindi pa ganoon sumisikat ang araw.

Kagabi matapos ng maikling pag uusap namin ni Papa ay sa tabi niya ako natulog at hindi na naman iyon awkward dahil mula noong makabalik ako noong nakidnap ako ay kadalasan siya ang katabi ko pag hindi ang mga kapatid ko.

" Papa… " Tawag ko dito at agad din naman itong lumingon saka ako binigyan ng ngiti at halik sa noo.

" Good morning My Lesha… " Saad niya na ikinangiti ko at muli siyang nagsalita.

" Is it really okay for you to study again? " Tanong niya muli, isa ito sa mga napag usapan namin ni Papa kagabi.

Mas maganda sana kung mag aaral akong muli, bukod sa pampalipas oras din iyon ay gusto ko din maranasan na muling mag aral sa paaralan at makihalubilo sa mga gaya ko.

Ayos lang naman iyon sa akin pero nag-aalala si Papa dahil maaaring may mga mangyaring di maganda pero pumayag din naman agad siya sa loob ng mga kondisyon na, una papasok lang ako sa oras na naipakilala na niya si Alena, pangalawa mag uutos siya ng mga tauhan niya na magpapanggap na taga school at pangatlo, I need to answer their calls as long as I can. It's a great deal na naman kaya pumayag na ako doon.

Sana lang talaga ay maging maayos ang lahat.

Mabilis na lumipas ang mga araw at kasalukuyan na kaming naghahanda para sa kaarawan namin sa susunod na araw.

Tatlong buwan na ang nakakalipas at ito na ang araw na pinakahinihintay nina Alena at Mama dahil ngayon na ipapakilala si Alena bilang isang Annatillo sa mundo.

At nitong mga nakaraang araw ay alam at nahahalata kong ipinagmamayabang ni Alena na ipapakilala na siya ni Papa.

Hindi nga matigil ang pasho-shopping nila at kung sino sinong designer ang pumupunta sa Mansion para sukatan si Alena.

Wala namang kaso sa akin iyon lalo na kung sina Papa at mga Kuya ko ang nag-asikaso ng mga gagamitin ko.

Sa isang isla din gaganapin ang kaarawan namin at kahapon pa kami nakarating dito, nababalot ng mahigpit na seguridad ang buong Isla kaya naman mas panatag na magdiwang sa lugar na ito.

Tignan nalang natin ang mga mangyayari….

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon