Napatingin naman ako kay Alena ng maramdaman ang sobrang panginginig nito saka huminga ng malalim.
Masyadong malayo ang lugar naman sa bahay at kung parehas kaming uuwi doon ay malaki ang posibilidad na makuha o mapatay kaming dalawa kaya mas magandang may maiiwan dito para guluhin sila.
Kinapa ko naman ang bewang ko at inassemble ang maliit na baril saka nilagyan ng bala. Sa buong pangyayari ay nakatingin lang sa akin si Alena at napaigtad ng ibigay ko sa kaniya ang baril.
Tumingin naman siya sa akin na tila takot na takot at nagtataka kaya hinaplos ko ang ulo niya.
" Hindi ako nagsisisi na naging kakambal kita kaya pag nagkita tayo maging mabait ka naman sa akin Ate. " Saad ko sa kanya at nginitian siya na ikinaiyak niya at niyakap ako.
Tinapik tapik ko naman ang likod niya ngunit napabitaw din ng makarinig ng yapak papalapit kaya hinarap ko na si Alena saka seryoso siyang tinitigan sa mukha.
" Umuwi ka sa bahay, proteksyunan mo ang sarili mo gamit ang baril na yan. Tandaan mo may pitong bala lang iyan kaya kailangang gamitin mo lang pag kinakailangan. Umuwi ka sa bahay at sabihin mo ang nangyayari dito, guguluhin ko sa sila. Tumakbo ka at wag ka ng lilingon pa. " Sabi ko at kinuha ang mga dalawang kutsilyo na nasa magkabilang hita ko.
" P-paano ka? H-hindi kita iiwan d-dito. " Saad niya ngunit inilingan ko lang siya bago muling nagsalita.
" Mahuhuli nila tayo parehas, wag kang mag-alala magiging ayos lang ako kaya umalis ka na ngayon hangga't may oras pa. Bilisan mo Alena, makinig ka sakin kahit ngayon lang! " Pasigaw kong saad ngunit hindi ganoon kalakas dahil baka mahuli kami ng wala sa oras.
Maya maya pa ay tumango siya at nagsimula ng lumakad papalayo, nalingon lingon pa siya ngunit maya maya ay tumakbo na din hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Napabalik naman ako sa kinalalagyan ko ng makarining ng mga sanga na naapakan kaya sumilip ako at binilang ang mga lalaki.
Limang tao sila pero hindi ko sigurado kung lima lang talaga sila, maaaring may kasama sila at nagtatago lang kung saan saan.
Sa totoo lang ay medyo kinakabahan ako pero walang magagawa ang kaba na iyon, kailangan kong lakasan ang loob ko kung gusto ko pang mabuhay.
Sana lang ay makarating agad sila dito sa oras na alam na nila ang nangyayari. Mukhang magagamit ko na din sa wakas lahat ng skills ko maging mula sa una kong buhay sana ay magtagumpay si Alena at maging ako sa labanang ito.
Kaagad akong naghanda saka dahan dahang kumilos dala ng pagsasanay ko ay tahimik at mabilis akong nakarating sa likod ng isa sa kanila at saka ito hinampas sa batok na ikinatumba nito.
Agad ko itong kinapkapan saka kinuha ang baril ang mga bala nito, maaarinko itong gamitin. Apat nalang, kakayain ko ito.
Nakita ko naman ang dalawang lalaki na nag uusap hindi ko sila maintindihan, pero kung tama ako ay para silang nagsasalita ng Russian at base na din sa itsura nila ay Russian sila.
Ayokong pumatay hanggat maaari kaya mas magandang maging puro nalang ang paghataw ko para mawalan na lang sila ng malay at hindi mapunta sa liwanag.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila at hindi nagdalawang sipain ang mga alak-alakan nila na ikinaluhod nila at bago pa sila makakilos at pinag untog ko na ang mga ulo nila na ikinabagsak nila ngunit malas ata ako dahil hindi sinasadyang pumutok ang baril ng isa na siguradong ikinaagaw pansin ng iba.
Kinuha ko naman ang baril na nakuha ko kanina at walang pagdadalawang isip na binaril ang mga lalaking papunta na sa kinalalagyan ko.
Nagtago agad sila sa likod ng puno habang ako naman ay nagtago na din ngunit hindi ko akalain na may mga lalaki pala doon, may mga kasamapa sila.
Agad akong napayuko ng barilin nila ako at gumapang paalis sa pwesto ko, bumaril din ako at may natamaang tatlo pero naubusan ang baril na hawak ko kaya nama walang pagdadalawang isip kong inihagis ang isa sa mga kutsilyo ko at tumama ito sa gitna ng noo ng lalaki.
Napatingin naman ako sa gilid ko, bangin na ito at tanging mga tubig nalang ang nasa baba. Kung tatalon ako, nawala sa isip ko ang iniisip ko ng daplisan ako ng bala at sunod sunod na ang pagbaril habang papalapit sila kaya naman wala na akong choice kundi ang tumalon sa bangin.
Agad akong tumalon sa bangin ngunit isinaksak ang kutsilyong natitira sa akin sa lupa upang may makapitan ngunit sa lakas ng impact ay nagdaus-dos ako hanggang sa maramdaman ko nalang ang sarili kong nalaglag at nilamon sa tubig.
Sinubukan kong lumangoy pataas pero unti unti na akong nawawalan ng hininga at hindi ko din maigalaw ang braso kabilang braso ko dahil sa may tama ito hanggang sa hindi ko na napigilan at naibuka ang bibig napinasok naman ng tubig at unti unti ng nagdilim mga paningin ko.
Siguro naman maaayos na nakarating si Alena sa bahay hindi ba? Siguro nasabi naman niya ang nangyari sa amin. Nanghihina na ako at nawawalan na ng hininga kaya I guess see you in next life Paoa, mga Kuya, Mama, Alena, Daddy Vis, Kuya Vlad, Amione, Franc, at baby nila.
BINABASA MO ANG
Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟
FantasyShe became a cannon fodder...... A cannon fodder was nothing in a book but how can a character like her have this: " Let's sleep together. " " Let's bathe together. " " I'll hug you so stay. " A dumbfounded look from a 1 year old baby girl was found...