Chapter 1

10.3K 347 19
                                    

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga nangyayari o hindi. Kanina lamang ay nararamdaman ko kung paano tumilapon ang katawan ko ng mabangga ako ng isang truck.

May galit ata sa akin ang mundo dahil napakabata ko pa para mamatay. Tatawid lang naman ako noon para bumili paborito kong mais ngunit bigla nalang sumulpot ang truck na iyon.

Akala ko nga ay mamamatay ako pero sa pagmulat ng mata ko isang babaeng higante ang sumalubong sa akin ngunit hindi lang iyon ang problema, dahil nakakatakot ang mukha niya ng malapitan.

Punong puno ng kulay ang mukha niya at para bang isinusob sa harina ang mukha dahil sobrang puti din, literal na kulay puti.

Hindi ko na lamang siya pinansin at sinubukan kong gumalaw pero hindi ako makakilos ng ayos, para bang may nakabalot sa aking ano. Sinubukan kong iikot ang paningin ko at napatingin ako sa kamay ko.

At iyon nga, hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat o hindi na muli akong nabuhay ngunit sa katawan naman ng isang sanggol!

Ang isa pang masama masyadong mainit sa kinatatayuan namin ngayon!

Wala ba siyang awa sa akin? Lalo na at isa akong sanggol! Eh teka? Sino ba ang babaeng ito?

Agad akong napatingin sa gilid ko ng may marinig akong pagbukas pero hindi ko makita lalo na at may takip din ako sa mukha. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng isang boses. Ito ay isang malamig na boses.

“ You may come in. ” Saad nito at tuwang tuwa namang kumilos ang babaeng may hawak sa akin.

Hindi ko alam ang nangyayari lalo na at kaunti lamang ang siwang ng nakabalot sa akin at tanging mukha lamang ng babae ang nakikita ko. Basta ang alam ko lang ay may pinasukan kami at kita ko ang excitement sa mata nitong babae.

Maya-maya pa ay biglang sumaya ang mukha niya at nanginginig din siya, siguro dahil sa kaba?

“ Yves! ” Saad nitong babae at rinig ko ang kagalakan at lambing sa boses niya pero nakakasukang pakinggan lalo na at daig pa ng mukha niya ang make up ng isang clown.

Hindi ko alam pero lumamig ang paligid o sabihin nating lumamig dahil sa isang presensya. Sinubukan kong gumalaw pero wala talaga kaya nakinig na lamang akong mabuti.

“ What are you doing here? ” Saad ng isang malamig na boses.

Sabi na nga ba,, isang may malamig na tao ang nagsasalita ngunit maririnig ko din sa boses niya ang panganib. Ganon pa man ay lalaking-lalaki ang boses niya na parang boses ng isa sa mga napanood kong action movie.

Tumikhim ang babae at inayos ang pagkakabuhat sa akin. Biglang sumeryoso ang mukha ng babae ngunit kitang kita ko ang kasakiman sa mukha nito at masama na ang kutob niya.

“ This is your child. ”

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ama ko ang lalaking kausap niya ngayon? Pero bakit nasa babaeng ito ako ngayon? Siya ba ang nanay ko? Imposible…

Ramdam ko ang lalong paglamig pero hindi naman ako apektado lalo na at sanay na ako.

“ A-anak n-niyo ni Ara ” Saad ng babaeng ito.

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig dahil hindi ko pinapangarap na maging ina ang isang ito lalo na at kitang-kita ko na hindi niya kayang maging isang ina. Pero teka? Kung yung tinatawag niyang Ara ang ina ko.. Nasaan siya? Bakit ba ako nasa babaeng ito?

“ Patay na si Ara and she said na dalhin ko sayo ang anak niyo. ” Saad ng babaeng ito na pilit nagseseryoso at mukha siyang clown.

Ano daw? Patay na ang Ina ko? Dapat ba akong malungkot? Pero wala akong nararamdaman.

Oh My Help! I Became A Cannon Fodder! 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon