★STAR-37★

1.5K 49 3
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

-Police Station-

Pinuntahan ni Simon ang tumawag sa kanya kanina, si Officer Montel.

Pinaalam na nya kay Shone ang tungkol dito kaya pinahiram sya nito ng isang earing device. Dahil nanghihinala na ang mga pulis at detectives tungkol sa kanila kaya kailangan silang makausap pero si Simon na ang humarap sa para dito.

Kunwaring nagkamot si Simon sa kanang tenga nya, pero sa totoo lang ay may pipindutin lamang sya dito para makaconnect na ito at marinig na ni Shone ang mga ibabato na mga tanong sa kanya.

"Kumusta ako si Prosecutor Lee."

"I'm Simon Hanston." Nagshakehands sila at umupo na sila.

Nasa isang private room sila at isang CCTV lang ang nakatutok sa kanila.

"Kaya ka namin pinapunta dito para sa mga ilang katanungan. Siguro nababalitan mo na ang mga nangyayari noon tungkol sa mga taong hindi pangkaraniwan na basta na lamang sumusulpot dito sa mundo natin."

"Oo. Nababalitaan namin yan. Pero anong konektado doon para ipatawag nyo ko dito?"

"Dahil dito..." May nilapag si Prosecutor Lee na brown envelope sa mesa "Take a look of it."

Kinuha naman ni Simon ang brown envelope tsaka nya ito dahan-dahang binuksan.

Gusto nyang mabigla sa litratong hawak nya ngayon pero hindi nya magawa, kinailangan nyang maging kalmado para hindi mahalata na apektado sya sa mga litratong ito.

Nagside ng kaonti si Simon dahil may kakayahan pang i-video ng earing device nya para makita ni Shone.

Tutok na tutok si Shone sa laptop nya. Dahil hindi lang nya naririnig ang mga sinasabi nito kundi navivideo nya pa gamit ang earing device na suot ngayon ni Simon. Malinaw sa video ang mga nakikitang nyang mga litrato na hawak ngayon ni Simon.

(Don't say the truth.)

"How can you explain this, Mr Hanston? Kahit malabo ang pagka-capture dyan sa picture, alam naming ikaw yan."

Tumingin si Simon kay Prosecutor Lee. Si Officer Montel ay nakikinig lamang sa kanila.

"Kahawig ko lang to." Kalmadong sagot ni Simon.

Natawa naman si Officer Montel. "Haha! Seryoso ka? Pwes, panuodin mo to."

Nilabas ni Officer Montel ang phone nya tsaka nya pinaharap ito kay Simon.

Inalis na agad nya ang tingin nya sa video dahil sa tingin nya bistado na sila.

Biglang may kumatok kaya binuksan ni Officer Montel ang pinto.

"Officer, ang CEO ng Hanston Corporation mukhang gusto ding makisali sa usapan nyo. Tsaka may kasama syang babae."

Nabigla sila kahit si Simon.

"S-Sige, papasukin mo sila dito." Sabi ni Officer Montel.

Pagpasok nilang dalawa ay nagpakilala na silang dalawa.

"I'm Shone Gray Hanston, and she's Lian Martin."

Nanlaki ang mga mata ni Officer Montel ng makita si Lian at sa hawak nitong picture.

"Ikaw nga yun."

"Eh ano naman sayo kung ako nga yang nasa picture? Gusto mong pa-autograph?" Pagtataray ni Lian. Badtrip ito dahil sa naudlot nilang date ni Jerico.

Lumapit si Prosecutor Lee sa kanilang dalawa.

"Wag mong sabihing isa ka rin sa kanila, Mr.CEO?"

"Yeah. Aamin na kami pero *tingin sa taas* mag-usap tayo na walang CCTV."

**JINI HAINE's POV**

Humingi muna ako ng break dahil gusto daw akong makita ni Chin.

"Chin!" Tawag ko sa kanya ng makita ko sya dito sa ground floor.

"Jini!" Pagkatapos nagyakapan kami. "Kumusta? Ang saya ko nagkita ulit tayo."

"Ako rin. Mabuti naman ako, wala pa namang pagbabago. Ikaw?"

"Ganun pa rin. Parehas lang naman tayo eh."

"Nakakatuwa naman na gusto mo kong makita."

"Oo. Miss na kita este namin."

Hindi ko akalain na may makakamiss din pala sa akin kahit na ilang weeks palang noon.

Napngiti naman ako. "Aww.. Namiss ko rin kayo."

"Kayo? Ibig sabihin pati si Sir Shone? Ayiieh!"

Natigilan naman ako doon. "H-Hindi noh!"

"Defensive much? Hahaha! O sige hindi na kita aasarin pa."

"Hmm.. Balita na pala kay Sir Shone?" Naningkit naman ang mga mata ni Chin. "Asus! Ang gusto mo rin palang kumustahin."

"A-Ano ka ba?! Hindi naman sa ganun noh! Gusto ko lang naman malaman kung ano na ang nangyayari sa kanila lalo na kina Sir Simon at Miss Lian." Nag-pout naman ako.

"Hahahaha! Oo na. Kaya talaga ako nandito dahil sabihin sayo ito. Doon muna tayo kina Sir Simon at Miss Lian."

Napaayos ng agad ako ng upo dahil interesado akong makinig sa ibabalita nya. Nagkaayos na kaya sila?

"Lahat kami napapansin namin na hindi nagkikibuan yung dalawa. Mukhang may "something" silang pinag-awayan..."

"Kung ganun hindi pa pala sila okay?" Nalungkot naman ako para sa kanila.

"Bakit? May alam ka?"

Nabigla naman ako. "Ah! Wala! K-Kalimutan mo ng sinabi ko." Ahuhuh! Ayoko ng maalala yung nangyari noong nireject ko sya.

"Okay. Tsaka si Miss Lian pala may kaibigan ngayon na lalaki. Ewan ko lang kung nanliligaw na yun sa kanya."

"T-Talaga?" Hindi ako naamaze. Hala! Paano na si Sir Simon nyan?

'Si Lian, kaibigan ko lang sya...'

Ahh.. Oo nga pala.

"At heto pa ang kinaiinisan naming lahat!!"

"Eh ano naman yun?"

"Sa bagong secretary ni Sir Shone ngayon. Sino?"

Bagong Secretary ni Boss? Ay! Hindi ko na pala sya boss ngayon. Nasanay lang siguro ako. Ang naman, may pumalit na agad sa akin?

"Si Miss Bea Keith Mizuno. HIPONesa tawag namin doon at hindi HAPONESA. Tss.."

Sya?! Sya ang pumalit sa akin?

"Gusto nyang maging secretary para mas maging malapit sila nila ni Sir Shone..."

Kwinento lahat ni Chin sa akin lahat ng pinagsasabi nitong FIANCÉE nya daw si Sir Shone. Sumasaya sila kapag sinisigaw nito si Miss Mizuno lalo na kapag palpak lahat ng ginagawa nito. Simula ng dumating sya hindi na sya umiinom ng Black Coffee.

Gusto kong matawa. Bigla ko na lang kasi naaala nung tunawag sa akin si Boss tapos sinasabi nya yung black coffee nya hindi daw masarap ang pagkatimpla. Ang nakakainis lang, dahil lang ba doon gusto nya kong pabalikin?

- - -

Dedicated to: ellepandaa

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon