*******JINI HAINE's POV*******
Bakit parang nangyari nato? Hindi ako magalaw ang mga paa. Papalapit na yung sasakyan sa akin kaya napapikit ako sa sinag ng ilaw ng sasakyang papunta sa akin. Mababangga na ko...
*wwooosshh!!*
Nakapikit lang ako. Bakit ganun? Di ba dapat nabangga na ko? Eh bakit feeling ko parang may nakabuhat sa akin?
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at pagtingala ko nanlaki agad ang mga mata ko.
Biglang kong naalala yung panaginip ko na may nagligtas sa akin noong bata pa ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatitig lang ako sa kanya, at ganun sya sa akin.
"Are you okay?" Tanong nya sa akin.
"I-Ikaw..." Mahina kong sabi. Kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.
Si Sir Shone, sya ang lalaking nagligtas sa akin noon. Ang crush ko, ang matagal ko ng gustong makita at makilala.
"I'm glad that I finally found you...
....Jini."
Pagkatapos bigla nya kong niyakap. Napapikit na ako sa yakap na dama nya. Pagdilat ko....
"Waaahh!!!" Paggulat ko.
Sino bang hindi magugulat eh pagdilat mo nasa CONDO ka na nya?! Paanong nangyari yun?
"Did I shocked you?"
Bigla akong napalayo sa kanya.
"T-Teka bakit ako nandito? Nasa daan pa tayo kanina, d-di ba?"
Ngumiti naman sya sa akin. "Talaga bang naaalala mo na ko?"
Ay oo nga pala.
"Oo. Naaalala na kita. Pero bakit ganun? Hindi nagiba ang itsura mo, ganun pa rin?"
Ang inaasahan ko noon sa kanya, matanda na at kulubot na ang mukha.
Dahan-dahan syang lumapit sa akin kaya napaatras ako hanggang sa mauntog ang ulo ko sa headboard ng kama nya.
"Aray!" Sabay himas ko sa ulo ko. "A-Ano ba wag ka ngang lumapit!" Nagulat ako nang bigla nyang hawak ang dalawang kamay ko.
"Gusto mo bang malaman kung bakit hindi ako nagbago? Kung bakit hindi ako tumatanda?" Tumango lang ako. "If I say my true identity to you, can you still accept me?"
Anong ibig sabihin nya doon? Parang nakakakaba naman ang sasabihin nya.
"I'm not...an ordinary human, Jini. I'm came over there" Sinundan ko yung daliri nya kung saan nakatiro.
Kumunot naman ang noo ko sa pinagsasabi nya. Anong meron sa labas ng bintana nya?
"I know you dont get me."
"Oo. Hindi ko talaga gets, Sir Shone. Anong meron doon sa labas?"
"I'm pointing on the star."
S-Star?
Nawiweirdohan na ko sa kanya. Ano namang konek nun sa hindi pagbabago ng itsura nya?
"Jini, look into my eyes."
Sinunod ko naman ang sinabi nya. Ano na naman ba to?
Nabigla ako na nagkulay puti ang mata nya. Kaya agad kong binawi ang mga kamay ko sa kanya at napatayo ako sa kama nya. Paano nya nagawa yun?
"S-Sabihin mong Magic lang yun, hindi ba?"
"No. Its not a magic." Tumayo sya at bigla na lamang syang naglaho. Napatalon ako sa gulat na nasa harapan ko na pala sya tsaka nya nilapit ang mukha nya sa akin. "Its because I'm an Alien who came from the star. And now I already found you, I will never....leave you again."
Natulala ako sa sinabi nya hindi ko namalayang dumampi na pala ang labi nya sa labi ko at tuluyan na nya akong hinalikan.
Napapikit ako. Teka! MALI TO!! Huhu!! Hinahalikan ako ng isang Alien ngayon. WAAAAH!!!
Naramdaman kong humiwalay na sya sa akin saka sya yumakap sa akin. Bakit parang ang init nya?
"Sir Shone?"
"Hmm..."
Inangat ko ang mukha nya at nakapikit na sya ngayon. Hala! Nilalagnat nga sya. Agad-agad?!
Dahan-dahan ko syang hiniga sa kama nya.
"Jini...don't leave me..." Sabi nya habang nakapikit sya at namamawis dahil init nya.
Hindi ako makasagot. Muntik ko ng makalimutan, hahanapin ko pala si Ian. Paano nato?
- - -
Dedicated to: violetetetet
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Fiksi IlmiahHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...