★STAR-68★

1.1K 35 0
                                    

********JINI HAINE's POV********

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto para makasilip ako sa labas kung may tao o media sa paligid, mukhang wala na. Siguro naman pwede na kong lumabas, buti na lang gabi na. Si Ian, nasa couch natutulog. Tapos si Tatay umuwi muna, nagdala nga ng makakain kanina si Mama. Wala naman akong gana, kasi iniisip ko yung pasyente na nasa kabilang kwarto.

Paglabas ko may nakasalubong akong dalawang nurse na nagtatawanan kaya agad kong tinago ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"Ang gwapo nung Simon, noh? Kaso mukhang taken na, eh!"-nurse1

"Oo. Talagang TAKEN na yung Simon. Doon ata sa kasama nyang babae na Lian ang pangalan. Okay lang yun, doon na lang ako kay Shone Gray. Kyaaah!"-Nurse2

Napakunot-noo akong sinilip sila.

"Haist! Anuba?! He's mine, noh? Magpapa-TAKEN ako sa kanya. Ayieeh!"-Nurse1

ABA!! Grabe mga to ah! Pa-Taken-Taken pang nalalaman. Excuse me, TAKEN na sya... Sa akin! ^////^ tss..

Nang makarating na ko sa tapat ng room ni Shone, kumatok muna ako. Walang nagreresponse kaya naisip ko na pumasok na sa loob. Dahan-dahan akong pumasok na parang ninja. Nadatnan ko na wala sina Sir Simon at Miss Lian, ang natutulog ngayon sa couch ay si Tatay Bernard. Naglakad ako papunta sa tabi ni Shone, umupo ako tsaka ko pinagmasdan. Hinawakan ko ang kamay nya na may dextrose.

"Boss ko, pagpagaling ka. Marami pa tayong gagawin na masasayang alaala.." Bulong ko sa kanya. Tsaka ko sya hinalikan sa tuktok ng noo nya, pagkatapos hiniga ko ang ulo ko sa gilid ng kama nya habang hawak ko pa rin ang kamay nya. Sana paggising ko magaling na sya.

*******3RD PERSON's POV*******

"Bernard, gising!" Sabi ni Lian na kararating lang sa kwarto ni Shone.

Naalipungan naman si Bernard sa sikat ng araw. Kaya tuluyan na syang nagising "Oh?"

"Na saan si Gray?!"

"Anu ka ba?! Ayan tulog pa---" gulat ng makita nyang walang tao sa kama, at damit pangpasyente na lang ang nandoon ang nakalapag doon. "Huh? Nandyan lang sya kagabi bago ako matulog ah?"

Nabigla sila ng agad pumasok si Jett. "Nakita nyo po ba si Ate Haine?"

"Wala din ang ate mo?" Tanong ni Lian.

"Oo. *tingin sa kama* Huh?! Nasaan na si Kuya Shone?"

Napacrossed-arms naman si Lian. "Ooohh~ Now I know. Magaling na si Gray, and I think magkasama na silang dalawa. Hayaan mo muna ang Ate mo, four days na lang kasi namin dito sa Earth." Sabi nya kay Ian.

"Huh?!" Gulat na sabi ni Jett. "Oo nga pala, tapos na mission nyo. Nakakalungkot naman."

"Don't be sad. May sasabihin pala si Simon sayo later."

"T-Talaga? Ano yun?"

----

Napanganga si Jett sa ganda ng condo ni Simon. Pang manly talaga ang dating, hindi tulad ng kay Shone na medyo puro puti.

"T-Talaga bang ibibigay mo sa akin tong condo mo, idol?"

"Yup. Sayo na to kapag umalis na kami dito sa Earth. Wag kang magbabago sa Ate Haine mo, huh?"

"Oo naman. Pero Idol, babalik pa ba kayo dito?"

Napaisip saglit si Simon. "I don't think so. Don't worry, lagi pa rin namin kayong babantayan."

"Salamat, Idol. Oo nga pala, baka matagal pa bago ko magamit itong condo mo."

"Huh? Bakit naman?"

"Pinatransfer na kasi ako ni Tatay sa Australia next month. Wag kang mag-alala, kapag umuwi man ako dito na ko mismo ang tutuluyan ko."

"That's good. I'm glad nakilala ko kayo ng Ate mo. You're so lucky to have a precious sister like her."

"Kaya nga naging Idol kita dahil sa pagtulong mo sa amin noon. Salamat talaga, idol!"

Tsaka sila nagfist bump.

"Arm wrestling?" Hamon ni Simon.

"Sige ba." Mayabang na tinanggap ni Jett ang hamon ni Simon sa kanya. "Game!"

- - - -

Dedicated to: NicoleSegaya

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon