********SHONE GRAY's POV********
"Come with me later." I said to her.
May pinaplano ako kaya isasama ko sya.
"P-Po? Saan po, Sir?"
Napatingin ako sa wrist watch ko. Its already time. Tumayo na ko tsaka ko kinuha ang briefcase ko.
"Prepare yourself. Ngayon na tayo aalis. Wag ka ng magtanong dyan, sundin mo na lang ako." Mariin kong pagkasabi sa kanya.
Medyo natakot sya kaya hindi na sya nagsalita pa at sinunod na lamang ako.
Paglabas namin ng elevator, all of their eyes are on us. Nagtataka siguro sila kung bakit kasama ko ang Secretary ko. Tss...
"Saan punta nyo?" Salubong sa amin ni Simon.
"Appointment matters.."
Tumango na lamang sya tsaka nya nginitian si Miss Aldeo. May kakaiba... I think he likes my Secretary.
Well, I don't care.
Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksan ko ng pinto sa front seat si Miss Aldeo.
"Hop in." Pagpasok namin sa kotse ko ay tinignan ko muna sya. "Get ready your seatbelt, mabilis akong magdrive."
"O-Opo..." Hinila naman nya yung seatbelt na nasa tabi nya. "Hala! Bakit ayaw? Paano ba to?" I heard her whisper.
************JINI HAINE's POV***********
Waaaa!! Nakakainis wala ganito sa bundok eh!! Kaya hindi ko alam kung paano ito.
"Matagal ka pa dyan sa seatbelt?" May halong irita na sa boses ni Boss. Ahuhuhu!! Patay!
"S-Sorry, Sir.. K-Kasi h-hindi----" nagulat na lamang ako ng isaksak ni Boss yung seatbelt sa baba sa tabi din ng upuan ko. Shete!!! Sinasaksak lang pala...ay teka! Ginagawa ko na yun kanina bakit ayaw masakasak??
Mukhang hindi pa ko kilala ng sasakyan ni Boss.
"Parang seatbelt lang ang tagal-tagal isaksak. Psh.."
Sorry naman, walang ganito sa bundok eh.. >____
Tumahimik na lamang ako. At sinimulan na ni Boss paandarin na kotse nya. Saan kaya kami pupunta? Appointment matters?
Agad kong kinuha ang note ko sa bag ko tsaka ko tinignan kung ano appointment ni Boss ngayon..
'After office hour, meeting with Miss Bea Keith Mizuno at Mitsuo's Restaurant'
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit naman nya kaya ako isasama doon?
Napahigpit ko ang hawak ko sa seatbelt nang maramdaman kong mabilis na ang maneho ni Boss. Hindi ako sanay, gusto ba nya kong atakihin sa puso?!
"We're here."
Napatingin ako sa labas ng bintana. Nasa isang Mall kami? Baka nasa loob yung Mitsuo's Restaurant kaya nandito kami.
Lalabas na sana ako nang napansin kong seatbelt pala ako. Waaaah!! Heto naman po tayo!!! Paano tanggalin to?
Nagulat ako ng buksan ni Boss ang pinto ng sasakyan.
"Bakit ang tagal mo dyan?"
"Eh k-kasi ito pong seat---"
Napasandal ako nang lumapit sa akin si Boss at parang may pinindot sya doon para matanggal yung seatbelt. Pagkatapos nun ay lumabas na sya.
"Out." Sabi nya sa akin. Sinunod ko naman sya.
"P-Pasensya na po.. N-ngayon lang po kasi ako nakasakay ng kotse..." Napanguso na lamang ako.
"Obvious naman na walang ganyan sa bundok nyo." Inirapan nya ko. "Follow me."
Palibhasa kasi nalaman nyang probinsyana ako, eh! Hmp!
Pumasok kami sa isang boutique. Wow! Ganda ng mga---Ay! Teka! Bakit kami nandito?!
May lumapit na saleslady sa amin.
"Good Afternoon, Sir."
"You know what to do."
"Yes, Sir. *tingin sa akin* Dito po tayo, Ma'am.."
Huh? Ako ba?
"Wag ka ng magpapilit kung ayaw mong kaladkarin kita papasok sa Fitting Room." ang sama na ng tingin nya sa akin.
"H-Heto na po susunod na sa kanila. :3" Ano bang meron? At bakit ako?
"Welcome to Lian Star Fashion, Ma'am. Bilin ni Sir Shone na pagpiliin kayo ng mga clothes or dresses na gusto nyo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Ako ba talaga?"
"Yes Ma'am. Kayo ang Secretary nya, right?" Ack! Napalingon ako kung na saan ang Boss ko, at ayun nakaupo sa isang coach habang may binabasa magazine. "Heto po ang aming new arrival dress from Korea, Ma'am."
Muli kong binalik ang tingin ko sa saleslady at sa damit na hawak nya. Wow! Ang ganda!
"Magkano po?" Siguradong mahal to! Bakit ba kasi pinapapili ako ni Boss ng mga damit eh wala naman akong pera.
"Php5,500.75, Ma'am."
Halos maluwa ang mata ko. Simpleng dress lang sya pero ang mahal. Gulalay~
"Eh wala po bang...mumurahain?"
"Meron po kaso---"
"Fit this."
Halos atakihin ako sa puso sa gulat nang sumulpot likuran ko si Boss. Napatingin ako sa kanya.
"Eh k-kasi, Sir---"
"Ako magbabayad LAHAT. Isusukat mo? O ako mismo magsusuot nyan sayo?"
Waaah!! Nakakahiya sya!!! "O-opo. Heto na po k-kukunin na!"
Agad kong kinuha yung dress na hawak ng saleslady at agad akong nagpanic papuntang Fitting Room.
- - -
Dedicated to: romielynboado
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Science FictionHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...