★STAR-29★

1.5K 53 0
                                    

********JINI HAINE's POV********

2 weeks later..

"Hello Costumer care! This is Jin, how may I help you?"

(May I know if what time are you free tonight?)

"I'm sorry, Sir. But I don't know what time I'm free tonight." Nagulat ako ng bigla akong sundutin ng katabi ko sa tagiran ko.

"Uy! Sino yan? Ayyiieh~" mahinang sabi ni Angelica.

Sinenyasan ko sya na wag maingay. Oo nga pala, isa na kong Call Center Agent ngayon, si Sir Simon ang tumulong sa akin na makapasok ako dito.

(Is that so? Sayang yayain sana kitang magdate.)

Natulala ako sa sinabi nya. Seryoso talaga sya sa panliligaw nya sa akin. Paano ko ba sya matatanggihan?

Narinig ko na biglang naputol na ang linya. Hala!!

"Jini, break muna tayo. Tara!" Aya sa akin Princess.

"Sige. Sunod na lang ako."

Inalis ko na yung headphone sa ulo ko at tinabi ko sa malapit sa computer ko. Trainee palang ako dito kaya kailangan ko din tanggapin ang mga over night duty.

Sinandal ko ang sarili ko upuan ko. Alam nyo, ang weird na minsan ng pagiisip ko. Kada kasama namin ni Ian si Sir Simon, ang naiisip ko si Sir Shone. Tapos iniisip ko na sana sya na lang si Sir Shone. Ganun madalas ang nangyayari sa akin.

Pati yung panaginip ko bumabalik ulit. Yung araw na may nagligtas sa akin nung bata pa ko. Ang nakakagulat pa, bakit kmukha ni Shone ang lalaking yun?

Tinapik tapik ko ang magkabilang pisngi ko. Gutom lang to.

*******JETT IAN's POV*******

-MS Studio Company-

Masaya ako ngayon dahil pinayagan ako ni Ate na magmodel ako sa isang Teen Magazine. Kaya naman agad kong cinontact ang um-offer sa akin nito, tapos tinanggap agad ako.

Nandito na ko ngayon sa MS Studio kung saan gaganapin ang photoshoot.

"Jett Ian, punta ka na dressing room, aayusan ka na daw." Sabi ng isang staff dito.

Ngumiti naman ako. "Okay."

Pagdating ko sa Dressing Room. Umupo ako sa may tapat ng salamin.

"Naku~ Its true na gwapo ka nga! By the way, I'm Ate Gailou, ako magaayos sayo."

"Ahaha! Thank you po." Sadyang ganda lang talaga ng lahi namin ni Ate.

"So let's start. Mamaya darating na yung partner mo."

Partner?

"Ahh pwede ko po bang malaman kung sino ang makakapartner ko ate?" Sinimulan na nyang ayusin ang buhok ko.

"Hmm.. For now, hindi muna. Maganda kung secret muna. Don't worry maganda sya at makikilala mo rin sya mamaya."

Maganda? Naks!! Sino kaya sya?

Napatingin ako sa isang maliit na calendar dito. Matatapos na pala ang buwan na to. Pagkatapos nito kailangan ko na palang makapag-enroll sa university na papasukan ko.

Pagkatapos ng ilang oras na pag-aayos sa akin ay lumabas na ko ng Dressing Room at para mameet ko na rin daw ang partner ko.

Grabe, kinakabahan ako na naeexcite. Haha!

"Jett Ian, nandito na partner mo." Paglingon ko ay biglang kumunot ang noo ko. Sya naman mukhang gulat na gulat pa. "Meet Thea Young. Sya ang magiging kapartner mo sa Teen Magazine." Sabi nung photographer.

"Ikaw?" Inis na sabi ko.

Sya yung babae na tumabi sa akin noon na sabi nya na magpanggap daw ako na boyfriend nya.

Bigla syang nagtakip ng mukha gamit ang kamay nya. "Hindi ako!"

"Mukhang magkakilala na kayo ah! Tara start na tayo."

Sa dinami-raming babae sya pa talaga, huh?

********3RD PERSON's POV*******

-POLICE STATION-

Pumasok si Officer Montel sa opisina ni Prosecutor Lee kasama ang dalawang security guard na nasa CCTV.

" Prosecutor , kasama ko na silang dalawa. Sila yung mga security guards sa video."

Tumayo si Prosecutor Lee at lumapit sa kanila.

"Ako si Prosecutor Lee. Tatanungin ko lang kayo. Nakikilala nyo ba dalawang to?" Pinakita niya ang dalawang litrato sa dalawang security guards nato.

"O-Opo. Nakilala pa po namin ang itsura nila hanggang ngayon"-SG1

"Hindi po sila pangkaraniwan. At masasabi po naming...

....mga superhero po sila na may kakaibang kapangyarihan."-SG2

- - -

Dedicated to: Eulx1995

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon