★STAR-75: Never Give Up★

1.5K 53 1
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

2years later...

Dinalaw ni Thea ang Ate Bessy nya na si Bea sa isang mental hospital dahil sa tuluyang pagkabaliw nito kay Shone. Sinilip nya si Bea mula sa maliit ng bintana sa pinto.

"Ate Bessy..." Malungkot na sabi nya.

Lumapit naman si Bea sa pinto kung saan nakasilip si Thea. "Si Shone? Nakita mo ba? Yung Alien?" Seryosong tanong nya nang bigla din sya tumawa ng bongga.

Napailing na lang si Thea. Naiiyak sya dahil sa kalagayan ni Bea ngayon.

"Kaya ayoko maging seryoso sa pag-ibig eh! Ibabalik ko na ulit yung dating Thea na Casanova."

********JINI HAINE's POV********

Heto ako ngayon nag-aaral ulit ng Business Management, kasi naman laking gulat ko saakin binigay ni Shone ang company at shares nito pati na rin ang condo nya na madalang lang akong tumutuloy doon.

Sa dalawang taon, kahit paano nagagawa ko pa rin ang ngumiti minsan. Pero alam nyo kung ano at sino ang mas nagpapasaya sa akin lalo na't uuwi ako sa bahay?

Ang baby namin ni Shone. Hihi! Si Baby Calexy, magtu-two years old palang sya next month. Totoo nga yung sinabi sa akin Shone. Na kahit wala sya sa tabi ko, alam nyang may Little Human Half Alien na magpapasaya sa akin at sa pamilya ko. Si Tatay, yung mga hindi nya naibibigay na pangangailangan noon maliit pa kami, kay Baby Calexy sya bumabawi. Si Mama naman, proud lola din. Si Jett proud Uncle, nasa Australia na sya ngayon nagaaral ng photography, na kahit sa Skype kinukuhanan nya pa rin ng picture ang pamangkin nya. Haha!

Laking gulat nga ng doctor ko na nagpaanak sa akin na pagkalabas ni Baby sa akin, bigla daw nag-iba ng kulay ng mata nya color grey tulad ng kay Shone kapag nagagalit. Pero saglit lang daw yun kaya sabi nalang ni Jett na namamlikmata lang yung doktor. At kami lang ng pamilya ko ang nakaalam ng true identity nya. Mahirap na, baka pagkaguluhan ang baby ko once na malaman nila na anak ito ng Alien.

Minsan nga para akong nababaliw, kasi kung saan ako tumingin feeling ko nakatingin din sya sa akin mula sa malayo. Minsan nga naiimagine ko na nasa tabi ko sya tsaka nya ko yayakapin, napapangiti ako na lang ako tapos bigla din syang maglalaho. Kadalasan naman na hindi ko na sya gaano naiisip dahil mas natutuon ko na sarili ko sa pag-aaral at sa Baby namin. Pero kahit na ganun, palagi pa rin sya nandito sa puso ko. Na kahit gaano pa kami kalayo, mahal na mahal ko pa rin sya.

"Ate Jini, attend ka bukas sa UE's Night?"-Claudine

"Attend ka naman, Ate! please~"-Claudette

Etong magkambal na to, sila lang ang close ko, at ako lang ang bukod tanging matanda sa classroom namin. Huhu!! May magaganap palang EU's Night bukas, sabi kasi ni Prof my additional points daw sa midterm exam ang makakaattend bukas.

"Sayang yung Additional Point."

Pagkasabi ko nun, nagYEHEY naman silang dalawa. Maniniwala ba kayong 1st year palang ako ngayon? Huhu! Tapos irregular student pa ko.

"Ate, magpaganda ka ng BONGGA bukas para ikaw maging Miss EU, hehehe!!"-Claudine

"Yup! Yup! See you tomorrow night, Ate!!"-Claudette

Natawa na lang ako sa kanila. Hay grabe. Hindi naman ako mahilig sa bongga eh.. :3

----

Pababa na ko ng hagdan nang makita ko sila Tatay at Mama na karga-karga si Baby Calexy na nagaabang sa akin mula sa pababa.

"Wow! Ganda ni Mommy oh?" Sabi ni Mama kay Baby Calexy.

"Mas lalong gumanda ang anak ko." Sabi ni Tatay nang makababa na ko sa hagdan.

"Salamat po, Tatay, mama."

"Don't worry, kami ng bahala kay Baby, just enjoy the night, iha."

"Sige po mama. Salamat po talaga."

"Ano? Hatid na kita?" Sabi ni Papa.

"Sa driver na lang po, wag na kayo. Gabi na."

"Sa gate lang naman natin."

Natawa naman ako. "Sige na po. Haha!" Pagkatapos nagpaalam na ko kay Mama, tapos hinalikan ko naman ang baby ko bago ako umalis.

-EU's NIGHT-

Paglabas ko ng kotse. Nalula ako sa ganda ng entrance, red carpet. Ano to? Aattend ako ng awards night?! Mukhang ako lang ang walang partner ah? Haaay~ Okay lang yan Jini, hindi lang naman ikaw ang single.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad papasok sa EU. Una kong hinanap yung kambal. Nasaan na ba yun? Saktong pagdating ko nag start na rin ang program.

"Ate Jini!!!"-Claudette

Nabigla naman ako na nasa likod ko na pala sila.

"Wow! Pang-EU na beauty mo, Ate Jini! KAW NA!! Hahaha!!"-Claudine

"Hay naku, magtigil nga kayo dyan."

Natahimik na lang kami ng biglang nagsalita na ang MC sa stage. Sinabi nya na magsstart na silang magspot ng the MOST GORGEOUS LADY OF EU.

Nagsimula nang magikot ang spotlight. Nabigla na lang ako silaw ng ilaw na tumapat sa akin. Kasabay nun ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Waaah!! Sa akin tinapat yung spotlight!!! >o

"KYAAAAH! GO ATE JINI!! Sabi na eh! Hahaha!"-Claudine

"Wow! Miss lady in white, can you come up here in stage?" Sabi ng MC.

--Now Playing: My Destiny by Lyn

Kahit ayoko kailangan kong pumunta. Tsk! Pagakyat na ko ng stage, nang mapansin ko na para bang naging istatwa silang lahat pati ang paligid tumigil din, at ako lang ang bukod tanging gumagalaw.

Pero may isang lalaki akong natatanaw ngayon na papunta sa akin. Bumilis lalo ang tibok ng puso. Naiiyak ako, totoo ba to o imagination ko lang ulit?

Nasa harap ko na sya ngayon. Hindi ako makapaniwala, parang totoo. Ngumiti sya sa akin, pinunasan nya ang tumulo kong luha sa pisngi gamit ang thump finger nya.

"S-Shone?"

"Ako nga." Sabi nya. "Your gorgeous tonight." Pagkatapos bigla nyang kong nilapit sa kanya tsaka nya ko marahang hinalikan kaya napapikit ako.

Narinig ko ang mga hiyawan ng mga tao sa paligid. Pagdilat ko bigla na lang sya nawala. Maglaho na naman ba sya?

Kahit ang mga tao gulat na gulat din, siguro makita rin nila kung paano sya naglaho. Kasabay nun ang paglitaw ng mga Shooting Star sa langit.

Tulad nga ng sinabi nya noon sa akin. Ang mga bituin ang saksi sa pagmamahalan naming dalawa.

Til we met again, my boss from the star.

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon