★STAR-63★

1.1K 34 0
                                    

********JINI HAINE's POV********

Tatlong araw na ang lumipas nang magresign na ko sa Hanston Corp. Namimiss ko na sya, gusto kong bawiin ang lahat pero hindi na pwede.

Hindi ko pa rin sya makalimutan. Sya kaya, nakayanan na ba nyang kalimutan ako?

Alam na rin nila Tatay ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Shone, dahil napapansin nilang gabi-gabi ako umiiyak kaya sinabi ko na ang totoo.

Tulala lang ako na kaupo dito sa bench ng park nang biglang may naramdaman akong may tumabi sa akin.

"Sya pa rin ba iniisip mo, iha?"

Napalingon ako sa kanya. Teka, sya yung tataytayan ni Shone.

"Kayo po pala, Tatay Bernard."

Hindi ko naman sya pwedeng tawaging Mr.Hanston dahil hindi naman sya tatay ni Shone.

"Kumusta ka na?"

"Medyo...hindi pa rin po mabuti."

"Alam mo ba na inunahan mo sya?"

"Po? Ano pong ibig nyong sabihin na inunahan ko sya?"

"Na inunahan mo syang makipaghiwalay. Sa totoo, balak na rin sana nyang makipaghiwalay sayo, kaso hindi nya kaya. Pingungunahan pa rin sya ng takot." Sabi nya.

"Kaya pala, hindi po sya nagmakaawa sa akin noon na wag ko syang hiwalayin? Nakalimot na po ba sya?"

"Hmm.. Siguro. Bumabalik na ang pagiging halimaw nya este pagkamasungit nya. At mas naging workaholic na sya ngayon. Pero syempre, hindi maiwasang malasing tuwing gabi. Yun na lang ang tangi nyang gawin para kalimutan ka."

Mukhang hirap na hirap din sya.

"Napaka-unfair po nila. Pwede ko syang mahalin, pero sya hindi." Hindi ko mapigilan maiyak.

"Ganun talaga. Wala tayong magagawa. Alam mo nagkagusto din ako kay Lian noon? Kaso busted agad, at nalaman ko rin kung bakit, kaya inintindi ko na lang."

"Paano po pagnatapos na itong lahat, kapag natalo po nila ang Bad Aliens....tuluyan na rin po ba silang aalis dito?"

"Hindi ko alam, iha."

----

Magdidilim na kailangan ko ng umuwi, napahaba ang kwentuhan namin ni Tatay Bernard kanina tapos nilibre ko sya makakain.

"Psst!"

Huh? Sino yun?

"Psst!"

Baka mga nantitrip lang. Maglalakad na sana ako papunta sa Bus Stop ng pangalan ko na ang tinawag nya.

"Jini dito."

Boses lalaki sya at feeling ko nasa likod ko sya, paglingon ko...wala naman. Pagbalik ko ng tingin ko sa harap ay napatalon ako sa sobrang gulat na kulang na lang lumabas na ang puso ko, sobrang lapit ng mukha ng lalaki sa akin na hindi ko naman kilala kaya agad akong napaatras.

"S-Sino ka?! Ikaw ba ang tumatawag sa akin?"

"Sorry kung tinakot kita."

Parang may kutob ako sa lalaking ito. Mukha naman syang normal. Di kaya magnanakaw to? Pero paano nya ko kilala?

"Sorry, I don't talk to stranger!"

Tinulak ko sya dahil nakaharang sya sa dinaraanan ko nang may bigla akong naramdaman na parang tusok ng kuryente sa likod ko.

"A-AAAHH!!"

Natumba ako at nanlambot sa tindi ng kuryente na hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin sa buong katawan ko.

"Dalhin na yan." Sabi nung lalaki. At naramdaman kong may mabumuhat sa akin.

Hinang-hina ako. Saan nila ako dadalhin?

----

Pagdilat ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na lang ang sarili kong nakahiga at nakatali ang mga kamay at paa ko ng kadena. Nilibot ang tingin ko sa paligid, parang nasa lumang laboratory ako na ewan.

"Did you sleep well, young lady?"

Napasinghap ako sa takot at gulat sa taong hindi ko inaasahan. Kahit iba na itsura nya ay namukhaan ko din agad sya, si Miss Mizuno. At ngayon nakatayo na sya sa harap ko.

"M-Miss M-Mizuno?"

"Long time no see, Miss Aldeo. Ahahaha!!"

"Miss Mizuno, pakawala---" natigilan ako nang bigla nya kong sinampal.

"Ano? Pakakawalan kita? Kapal ng mukha mo." Sabi nya ng nilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Is she awake?" Boses lalaki.

"Yes, Professor." Sagot naman ni Miss Mizuno.

"AAHH!! SINO KAYO?! PAKAWALAN NYO KO!!!"

Eto yung lalaking humarang sa akin kanina sa daan. Bakit ganyan ang labi nya, kakaiba pero nakakapangilabot. Yung isang lalaki naman na katabi nya, yung left shoulder nya parang gawa sa bakal tapos ang dami nyang tatoo sa katawan dahil topless sya. Shemay! Pwede bang magdamit sya?! -____-

"Relax~ Okay? Hindi ko akalaing maiinlove si Shone Gray simpleng babae na tulad no. Sya nga pala. I'm Professor G., the greatest creator of BAD ALIENS. Nice to finally meet you, Jini."

- - - -

Dedicated to: KathyMaeAurita

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon