★STAR-10★

2.4K 89 5
                                    

*********JINI HAINE's POV*********

Napanganga ako. At patuloy pa rin nageecho sa utak ko yung sinabi ni Boss sa akin..

'Let's have lunch together'

'Let's have lunch together'

'Let's have lunch together'

'Let's have lunch together'

Napailing-iling ako. Waaaaah!!! Seryoso ba sya? O guniguni ko lang na tumawag sya kanina at nagaaya syang maglunch kasama ako?

"Miss Haine."

Nalingon ako sa tumawag sa second name ko. Si Sir Simon naglalakad papunta sa akin. Hala! Teka! Paano ko ba sasabihin sakanya na si Sir Shone ang kasabay kong maglalunch ngayon?!

Jusko! Gulong-gulo na ko!

"Ikaw pala, Sir Simon. May kailangan po kayo?"

"Ikaw."

Huh?

"Po?"

"Haist! Hindi ba maglalunch tayo?"

Ay! Oo nga pala. Nawala na ata ako sa sarili ko kaya napakamot ako sa ulo ko.

Eh kasi naman...isang Director at isang CEO ang nagaaya sa akin na maglunch.

"Ah! S-Sir, si Bo--!

Sumunod na dumating si Miss Lian.

"Miss Aldeo, tara lunch!"

"She's gonna eat with me."

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita...si BOSS!!!

Napangisi si Simon. "Wow! That's new, huh?"

"Edi sabay-sabay na tayong apat?"

Hindi ako magkapagsalita tingin lang ako ng tingin sa kanilang tatlo.

"Fine." Tipid na sagot ni Sir Shone.

At ayun sumunod na ko sa kanila na parang tuod. Shems~ Nakakahiya.

********3RD PERSON's POV********

-Office Cafeteria-

Halos lahat ng mata ng mga employees sa loob ng Cafeteria ay sa kanila nakatingin. Medyo gulat pa ang iba dahil...FIRST TIME kakain ang CEO dito kasama pa sina Lian, Simon at ang...Secretary nito. Hindi na rin maiwasang hindi magbulung-bulong sa paligid.

'Yun daw yung bagong Secretary ni Boss.'

'Palagay ko hindi magtatagal yan dito.'

'Let's see...'

'Ang swerte naman nung Secretary kasabay nyang kakain si Boss na ngayon lang din kumain dito.'

'Huhu! Oo nga kainggit~'

Nilapitan naman ni Lian si Jini. "Dont mind them." Bulong nito.

Nginitian na lamang ni Jini si Lian. Atsaka na sila umupo.

Position nila:
JINI/LIAN
↓ ↓
SHONE/SIMON

Tumayo muli si Simon.

"Ano na kakainin nyo? Its my treat."

"Really? Hmm.. Steak and Juice Soda is mine." Sabi ni Lian. Tumingin sya kay Shone. "How about you, Gray?"

"Kahit ano." He said while busy on his phone.

"Ikaw Miss Haine?" Tanong ni Simon.

"Ahm... K-Kahit ano na lang din po, Sir Simon." Muli syang napayuko sa hiyang nararamdam nya at dahil na rin sa pagkailang nya na nasa harapan nya pa ang kanyang Boss.

"Sige mag-oorder na ko."

After a few minutes ay natapos ng mag-order si Simon nagsimula na silang kumain.

"Hey! Miss Aldeo, kwento ka naman about your background." Sabi ni Lian. "So, how's your family?"

Natigilan si Jini sa kinikain nya pero nanatili pa rin syang nakayuko.

"W-Wala na po kaming magulang.." Natigilan din sila sa pagkain ang tatlo ang kusang tumingin kay Jini.

"Oh I'm sorry.." Lian said.

Nilingon naman ni Jini si Lian at nginitian nya ito ng pilit. "Okay lang po iyon, Miss Lian. Masaya na po kami ng kapatid ko kahit kami lang dalawa."

"Papaano ka nakatapos ng 2years sa college?"

"Working student po kaming dalawa ng kapatid ko noon. Tulungan lang po kami sa isa't isa kaya nakatapos ako at ang kapatid ko sa High School."

Lian feels pity to Jini but at the same time she's amazed dahil si Jini ang nagsilbing magulang sa kapatid nya ng ilang taon.

After nilang maglunch ay sabay ng nagtungo ng 5th Floor sina Jini at Shone.

Pagbukas ng elevator ay mabilis ding nagtungo si Shone papasok sa opisina nya, or let say sadyang malalaki lang ang hakbang nito.

Si Jini naman ay tahimik lang din nabumalik sa kanyang desk.

Lumipas ang ilang oras ay natapos din ang appointment ni Shone sa CEO ng JD Corporation. At maraming calls ang tumatawag kay Jini na galing pa sa iba'ibang companies o kaya'y may iibot syang mga papers na kailangan i-sign ng kanyang Boss.

Biglang tumunog ulit ang telepono na nasa tabi ni Jini kaya agad nya itong sinagot.

(Miss Aldeo..)

"Yes, Sir?"

(Come to my office now.)

"Okay, Sir."

Agad namang pumasok si Jini sa loob ng opisina.

"Do you need something, Sir?"

Tumingin si Shone sa kanya.

"Come with me later."

- - -

Dedicated to: LeighAnneMora

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon