********3RD PERSON's POV********
Tuwing gabi sinusundo na ni Jett ang Ate nya malapit sa company na pinagtatrabahuan nito. Palaging sa may waiting shed nya hinihintay ang ate nya.
"Ian?"
"O ate. Nandyan ka na pala." Lumapit sya sa ate nya at binitnib nya ang dalang bag nito at nagsimula na silang maglakad.
"Kumusta ang pag-enroll mo kanina?"
"Okay naman. Masaya. Daming chicks! Hahah---aray!" Sabay himas nya sa ulo nya dahil binatukan sya ni Jini.
"Babae lang ba habol mo?!"
"Ano ka ba, ate?! Hindi, noh? Joke lang. Mas maganda ka pa rin sa kanila."
"Hay nako! Dyan ka magaling eh..sa pambobola mo."
Hindi alam ng dalawa na kanina pa sila tinatanaw ni Shone mula sa kotse nya. Kahit na malayo sila ay dinig nya ang pinag-uusapan ng magkapatid.
Iba talaga kapag may hearing power ka.
"Daan tayo sa 7eleven, ate."
"O sige. Ano bang bibilin mo?"
"Tambay muna tayo dito. Bili tayo ng ice cream."
Napangiti naman si Jini dahil paborito nya ang ice cream. "Sige! Cookies and Cream ang akin ah?"
Tumango na lang si Jett sa kanya tsaka na nya binayaran sa cashier ang mga ice cream nila.
Sinimulan na nilang kainin yung ice cream nila.
"Ate, tanong ko lang. Ano ng balita kay Idol?"
"Sinong idol?"
"Haist! Si Kuya Simon."
Biglang natigilan si Jini sa pagkain nya sa ice cream nya. "Ahh..ano.."
Naka-park ngayon si Shone sa tapat ng 7eleven. Alam na nya na huminto na si Simon sa panliligaw kay Jini dahil naikwento na sa kanya ni Lian maliban lang doon sa 'Make Love' thingy.
"Hindi ba nanliligaw sya sayo, ate?"
"Eh kasi sa totoo wala na kong komunikasyon sa kanya."
"Bakit namam? Boto pa naman ako sa kanya."
"Ano?"
"Hindi mo sya sinagot?" Umiling sya kay Jett. "Tsk! Tsk!"
"Eh wala naman ako gusto sa kanya. Tsaka may nagmamahal sa kanya kaya ako na ang lumayo."
"Ehh? Sayang talaga. Pero may nagugustuhan ka na ba?"
Napaisip tuloy si Jini at nabigla sya ng si Shone ang unang pumasok sa utak nya. "Ah..w-wala pa naman. Eh ikaw?"
"Tss..binabakik mo naman yung tanong eh. Syempre...
...wala pa. Hahaha!"
Napasimangot naman agad si Jini na akala nya meron na yun pala wala pa palang napupusuan ang kapatid nya.
"Bakit wala pa?"
"Ang gusto ko kasi yung kasing ugali mo. Maganda, mabait, mapagmahal," napangiti naman si Jini "..at syempre yung tulo laway kapag tulog! Hahahaha!!!"
Nanlaki ang mga mata ni Jini. Maganda sana eh kaso ngalang ang pangit na sa bandang huli. Pati tuloy si Shone ay. natawa... FOR THE FIRST TIME!!
Agad naman pinagsasabunot ni Jini ang kapatid.
"Hahahaha!!! Ate, joke lang!"
"Bawiin mo sinabi mo! Huhuhu!!"
"Haha! Hindi ko na...hahaha...mababawi yun! Hahaha!"
"Sira ulo katalaga! Kapag ikaw pumasok na sa college. Naku! Wag kang gagawa ng trouble doon ah! Wag kang makikipag-away."
"Hahaha! Iniiba ni Ate ang usapan, oh! Promise hindi na mangyayari yun, ano feeling mo sa akin na high school pa rin?"
"Ubos na ice cream natin. Uwi na tayo, maaga pa ko bukas."
Pagkatapos ay lumabas na sila ng 7eleven. Napahinto si Jini sa isang crossing street nang may bigla syang naalala.
"Bakit ate?"
--Now playing: Listen to your Heart
"Di ba tinatanong mo ko kung may napupusuan na ko?" Tumango naman si Jett sa kanya. "Nung nasa probinsya pa tayo may crossing na ganito sa atin noon hindi ba?"
"Oo. Ah! Teka! Parang alam ko yan. Hanggang ngayon ba sya pa rin yung crush mo?"
Ngumiti naman si Jini sa kanya. "Oo."
"Ate, ang tagal na nun ah! Tsaka sigurado na matanda na ngayon yung nagligtas sayo noon."
Nabigla si Shone sa sinabi ni Jett. "Sya..." Mahinang sabi nya. Pinagpatuloy pa rin nya pa rin ang pakikinig.
"Gusto ko na syang kalimutan dahil yun ang araw na iniwan tayo ni Tatay kay Tiyang. Kaso bumabalik pa rin sya sa panaginip ko, ano kayang ibig sabihin nun?"
Hindi makapaniwala si Shone sa nga naririnig nya. Muling nagflashback sa isip nya yung mga sinabi sa kanya ni Bernard.
'Sana maniwala ka, pinagmamasdan ko kasi ang sketch mo ngayon at napansin kong kahawig ng batang ito si Jini.'
Ang batang matagal na pala nyang hinahanap ay matagal na palang nasa harapan nya na noon ay naging Secretary nya pa ito. Agad syang napatakip ng bibig dahil sa pagsisisi nyang pinakawalan nya pa ito, kung bakit hinayaan nya itong magresign.
"Baka kabaligtaran ang mangyari ate."
"Anong ibig mong sabihing kabaligtaran?"
"May posisbilidad na hindi mo na sya makikita pa."
Biglang nalungkot ang mukha ni Jini. "Ganun ba yun?"
Agad naman syang inakbayan ni Jett. "Halika na, ate."
Sinundan lang ni Shone ng tingin ang magkapatid. Hindi nya maalis ang tingin nya sa likod ni Jini habang naglalakad sila.
"Ikaw pala yung batang hinahanap ko at ang una kong minahal noon pa man. I'm sorry, for waiting you so long."
Ngayong nahanap na nya batang hinahanap nya noon pa at iyon ay si Jini. Mas pipiliin na ba nyang umibig? O kapangyarihan na hindi pwedeng mawala sa kanya?
- - -
Dedicated to: nicah112464
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Science-FictionHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...