**********LIAN's POV**********
Halos magtatalon sa sobrang kilig si Baklang Marion dahil kwinento sa kanya yung sa dinner date naming dalawa kagabi ni Simon.
"Hoy! Bakla, friendly date lang yun!"
"I know. And yun lang ang alam mo. Hahah--oops!" Sabi nya sabay takip nya sa bunganga nya.
"Huh?" Tumayo ako saka ko sya nilapitan "Anong ayun lang ang alam ko? May hindi ba ko nalalaman, bakla?!"
"Naku! Wala naman, gaga! Gotta go na! Babush!" Sabay takbo nya palabas dito sa office ko.
Bakit parang may tinatago sila sa akin? Bwisit talaga. Umupo ulit ako. Bawal sa akin ang maistress.
Dumako ang tingin ko sa suot kong bracelet. Napangiti ako. Kahit na friendly date lang yun sa amin ni Simon, hindi ko pa rin maiwasang kiligin lalo na galing pa to sa taong mahal ko.
And you know what did he said that makes my heart beating again for him? He said, from now on he will be taking good care of me.
Kahit sa ganun lang maappreciate ko na. Kung alam lang nya talaga na kailangan ko talaga sya ngayon. Kaso...
...hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na buntis ako at sya ang ama.
:'(
********3RD PERSON's POV********
Napanganga si Jini sa ng bahay na nasa harapan nila ngayon ni Jett. Isang malaki at magarang bahay sa loob ng subdivision.
"Hindi kay Tatay tong bahay kundi sa bagong asawa nya. *sabay akbay kay Jini* Tara na?"
Tumango na lamang si Jini sakanya. Sinimulan ng pindutin ni Jett ang doorbell.
Pagkatapos ay pinagbuksan sila ng gate ng isang katulong.
"Sino po sila?" Tanong nito kina Jini at Jett.
"Ako po yung kagabi, si Jett Ian. Anak kami ni Tatay."
"Ay oo nga pala. Kaso wala sina Madam at Sir ngayon nasa kumpanya silang pareho. *tingin sa likod ng dalawa* Ay! Ayan na pala sila."
Agad huminto ang kotse sa tapat ng bahay at bumukas ang pinto ng kotse na kasabay din nito ang paglabas ng kanilang Tatay.
"H-Haine?" Sabi ni Julius nang makita ang kanyang anak na dalaga.
"T-Tatay.." Sabi ni Jini na nangingilid na ang luha nito.
Mabilis na nilapitan at niyakap ni Julius ang mga anak. Pinagmasdan ni Julius ang mukha ni Jini.
"Anak ko, ang prinsesa ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Julius.
"Tatay, miss na miss ko na po kayo. *sob* Sorry po kung napagiisipan ko kayo minsan ng masama kung b-bakit *sob* nyo po kami iniwan." Sabi ni Jini habang umiiyak.
Pinunasan naman ng ama ang mga luha ng anak. "Hindi anak. Ako dapat ang humingi ng tawad sa inyo dalawa. Hindi bale, babawi ang Tatay sa inyo. Hindi ko na kayo iiwan at magkakasama na tayong lahat. Anak, sa kanya ka magpasalamat, kung wala sya siguro patay na ako ngayon. Ang bago nyong mama." Sabi ni Julius sabay tingin kay Carol na kanina pa nakangiti habang pinagmamasdan sila.
Nginitian naman ito ni Jini. Wala namang masama kung umibig muli ang tatay nila basta ba mahal nila ang isa't isa.
"Nakwento na po kayo ni Ian sa akin. Maraming salamat po sa pagtulong at pagmamahal nyo sa Tatay namin." Sabi ni Jini.
"Nah~ Kayo talaga, pinaiyak nyo ko sa moment nyong tatlo. Sadyang mabait lang ang Tatay nyo kaya na in love ako at dahil minsan na rin nya akong tinulungan noon. Alam nyo, let's go inside na and lets have a small reunion bonding, okay?"
----
Masayang nagkukwentuhan ang apat sa dining area habang kumakain sila.
"Feel at home mga anak." Sabi ni Carol sa magkapatid "Wala akong anak kaya kayo nalang ang anak ko."
"No problem po, Ma." Sabi ni Jett.
"Haine?"
"Ano po iyon, Tatay?"
"Dito na kayo tumira." Sabi ng tatay nila sa kanila.
"Yes. You're Tatay is right. Its better na dito na lang kayo. At least magiging kampante na ang Tatay nyo."
Nagkatinginan muna sina Jini at Jett sa isa't isa. Tsaka sila humarap ulit sa mga magulang nila.
"S-Sige po." Sagot ni Jini.
Simula ngayon, magbabago na ang buhay nila kapiling ang Tatay nila at kanilang mabait na stepmother.
A/N: Madrama ba? Haha! Don't worry balik tayo sa Kilig Scene. Kapit lang mga Aliens! ^____^
- - - -
Dedicated to: chazzyv
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Science FictionHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...