--A/N: Konting kapit na lang malapit na tayo sa isang HEART BREAKING ACTION SCENE! (Anudaw?! X'D)
**********LIAN's POV**********
Hindi ako mapakali. Kanina pa ko palakad-lakad dito sa kwarto ko. Nagtext kasi si Bernard kanina, sabi nya nasa underground daw sya nagtatago ngayon at ang mga Bad Aliens ay nasa bahay na nya ngayon para magstay. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya, kaya tinawagan ko na si Simon, si Gray naman nagriring ang phone pero di naman sinasagot.
Narinig kong may nagdoorbell, pagkasilip ko sa monitor ay si Simon ang nasa labas kaya agad na ko syang pinagbuksan ng pinto.
"Natawagan mo na ba si Gray?"
"Hindi pa nga hanggang ngayon."
Napailing na lang sya. "Don't worry, I know magiging okay din si Bernard. Aalis din yun sa bahay nya."
"Sana nga. Sa tingin mo...sino kaya yung mga Alien na yun?"
"Baka si Professor G. na siguro yun. Kung sya na nga ang dumating, this will be our last fight. So you need to be strong."
"Isipin mo din yung pinsan mo. Mas hardheaded sya kesa sayo eh! Kung sugurin na kaya natin yung mga yun para maligtas na natin si Bernard?" Pagaalala ko. Eh kasi naman matanda na yun kailangan din naming indihin lalo na't kaibigan namin yun.
"Stay here. Ako na bahala, bawal kang mapagod."
"Ano? Haist! Just take of yourself, okay?"
He nodded "I will. Don't dare to follow me."
Nagpout naman ako. Pagkatapos bigla na lang sya naglaho. Napatingin ulit ako sa hawak kong phone, hindi na namin alam kung ano dapat naming gawin kay Gray. Kailangan nyang magpalakas, and I know sila lang dalawa ni Simon ang makakatalo sa mga yun.
Hindi ako mapakali. Kailangan may gawin din ako.
*******3RD PERSON's POV*******
Mabilis nakarating si Simon sa lugar kung saan malapit ang bahay ni Bernard tsaka sya nagtago sa isang poste. Ginamit nya ang kanyang Hearing Power para marinig nya kung ano ang pinag-uusapan ng mga Bad Aliens na nasa loob ngayon ng bahay ni Bernard.
"Sa tatlong Starnet Warriors. Sino ang gusto nyong makalaban?" -ProfessorG.
"Sa akin si UTA135. Ipapakita ko sa kanya na walang silbi ang laser bullets nya." Mayabang na sabi ni Demon Slayer Metalistic. Napakunot ang noo si Simon ng marinig nya yung codename nya mula sa kalaban.
"Sa akin, si GFA246. Kapag natalo ko sya isusunod ko yung Jini na yun." Sabi ni Fearless Lady.
Napayukom ni Simon ang mga kamao nya sa paggagalaiti sa galit, tsaka naging familiar sa kanya ang boses ng babae.
Biglang lumabas na ng bahay yung tatlong Alien kaya nagtago agad ng maigi si Simon.
"Masyadong nakakabagot ang bahay nato." Creepy voice na pagkasabi ni Professor G.
Ngumiti naman na pangdemonyo si Demon tsaka sya ngumisi. Inangat nya ang isang braso nyang metal tsaka nya itinapat sa bahay.
*Pishuuu! Pishuuu! Bogsh!*
Tunog ng armalite nya na sunud-sunod nyang pinagtitira ang bahay hanggang sa sumabog ito. Pagkatapos ay umalis na sila at naglakad na papalayo.
Nanlaki ang mga mata ni Simon sa nakita nya. Malakas to. Walang kasiguraduhan kung matatalo nya ito kahit na mas lumakas sya kesa kay Shone. Idagdag pa sa noon na nag-isa sila ni Lian, kaya walang pareho silang Alien.
********JINI HAINE's POV********
Kakauwi lang ni Shone kanina, natawa nga dahil natalo nya si Ian kanina sa X-Box. Ayun, kahit labag sa kalooban nya, tinawag nya itong 'Kuya'. Haha!
Binuksan ko ang TV dito sa kwarto ko. Pagbukas ko balita agad ang lumabas.
'Ang nag-iisang anak na dalaga ng Mizuno Corp. at Top Model ng Beauty Magazine na si Bea Keith Mizuno ay ilang araw ng nawawala at ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon sa paghahanap sa kanya.'
Halos mabagsak ko ang hawak kong remote. Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat ko sa balita. Si Miss Mizuno, nawawala? Paano?
- - - -
Dedicated to: AR_RS_018
BINABASA MO ANG
My BOSS from the STAR (Season1)
Science FictionHighest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world of fantasy that full of actions and mysteries. They are Superhero Aliens who came from the STAR. But...