★STAR-64 (Part2)★

1.1K 37 0
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

Mabilis din nahanap ni Simon si Shone sa isang lugar na hindi matao. Tinapik nito ang balikat tsaka nya hinarap sa kanya.

"Bakit bigla ka na lang sumusugod? Akala mo ba makakaya mo syang iligtas na nag-iisa ka?" Inis na sabi ni Simon sa kanya.

Seryoso lang ang tingin ni Shone sa kanyang pinsan.

"Anong iniisip mo? Naililigtas ko sya? That's not my intention. Susugod na ko para matalo na sila at makabalik na agad tayo sa Starnet!" Sabi ni Shone na may namumuong galit sa boses nya.

"Gray.."

"I know, we can do this. We will defeat them no matter what happen"

Nabigla sila ng may marinig silang boses na humihingi ng tulong kahit nasa kalayuan pa ito.

"AAAHH!! SAKLOLO! MAY ALIEN!!"

Nagulat sina Simon at Shone na parang familiar sa kanila yung boses. "Its Ian, right?" Tanong ni Simon.

"I guess so."-Shone

Hindi na sila nagdalawang isip pa at agad na din silang pumunta kung saan nanggagaling yun boses ni Ian.

Pagdating nila... Hindi si Jett ang naabutan nila, kundi ang tumatawa na si Demon Slayer Metalistic. Natigilan na lang sya sa pagtawa nang makita nya sina Simon at Shone na masama ang tingin sa kanya.

"Tsk! Kailangan ko pa bang gumaya ng ibang boses para lang makarating kayo dito? Haha!"

"Where's your f*cking Professor?!" Nanggagalaiti na sa galit si Shone.

"Sure ba kayo na si Professor lang ang habol nyo? Baka may gusto pa kayong malaman?"

"Deretsyuhin mo na kami!"-Simon

"Okay fine. Yung ex mo, hawak namin. Hahaha!!" Sabay tingin nya kay Shone.

Bigla nyang naalala si Jini kaya mabilis nyang sinunggaban ng suntok si Metalistic.

"WHERE IS SHE?!" Galit na tanong ni Shone ng bigla syang naglabas ng fireballs sa kamay tsaka nya tinapat sa kalaban na nakahandusay pa rin sa daan. "TELL ME OR I WILL KILL YOU?!"

Napangisi lamang si Metalistic na para bang hindi sya natatakoy dito.

"Sa totoo, ayaw kitang makalaban dahil ayoko sa MAHINANG TULAD MO, Hahahaha!! *tingin kay Simon* sya ang gusto kong makalaban."

"Umalis ka dyan, Gray. Ako tatapos sa kanya. Hanapin mo na kung nasaan ang si Haine!"

Sinunod na lamang ni Shone ang sinabi ni Simon. Sinimulan na niyang itapat ang kamay nya kay Metalistic, tsaka nya na ito sinimula ang pagtitira dito.

Laking gulat nya ng walang silbi ang laser bullets nya laban sa metal na braso ni Metalistic na ginawa nitong panangga sa sarili.

"Alam mo, walang silbi yan. Haha! Its my turn." Mayabang na sabi ni Matalistic. Tinapat na nya ang kanyang Armalite kay Simon tsaka nya ito pinasabugan. Kaya agad tumilapon si Simon para makailag.

Sunod-sunod na ang pagtira nya kay Simon. Puro pagtambling, takbo, talon ang ginawang pag-iwas ni Simon, pero hindi pa rin sya magpapahuli dahil kahit papano ay nagagawa nya ring tumira habang umiiwas sya sa mga maalabombang pagtira sa kanya ni Metalistic.

Hindi namalayan ni Metalistic na mabilis na naglaho si Simon sa harap nya at wala syang ideya kung na saan ito.

"Nandito ako."

Nang malaman nyang nasa likod nya pala si Simon. Pero ang hindi nya inaasang pagharap nya kay Simon ay inatake agad sya ng suntok nito sa sikmura. Hanggang sa tumilapon sya at bumaksak sa daan.

"Hanggang armalite lang ba kaya mong ipakita sa akin?"

Pinilit makatayo ni Metalistic at masama na itong makatingin sa kanya. "Hindi pa to. Nakatyamba ka lang, pero humanda ka."

Napansin ni Simon ang pagbabago ng kulay ng mata ni Metalistic, at naging pula ito hanggang sa itutok nya kay Simon ang tingin nya at naging mahabang laser red ito na tinira nya kay Simon.

Nakaiwas si Simon pero hindi nya namalayang natamaan sya sa braso nya.

At sa hindi nila inaasahang dalawa. Nagulat na lamang si Simon ng mabilis na tinalian ni Lian ang katawan ni Metalistic gamit ang rope nya para hindi na to makagalaw.

"Lian!!"

"Ano pang hinihintay mo? Tapusin mo na!" Sigaw ni Lian kay Simon.

"Tumabi ka dyan!" Gumawa ng mas malaking bullet si Simon at sa isang tira nya sa kalaban tuluyan na tong sumabog.

At ang mga nakasaksi sa nangyari... Sina Jett, Julius, Prosecutor Lee at Officer Montel na parehas na napanganga sa napanuod nila.

- - - -

Dedicated to: Pambansangpabebe101

My BOSS from the STAR (Season1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon